[Unedited]
“EVERYONE, meet my wife!” Namatay ang lahat ng ilaw at tanging spotlight lang sa red carpet ang nakabukas.
Sabay-sabay na napalingon ang lahat sa natutukan ng ilaw. Lahat ay napasinghap ng makita ang babaeng natutukan ng ilaw, tama nga ang kanilang hinala si Katya ang asawa ni Zael!
Samantalang si Katya ay malawak ang ngiti ng marinig ang mga komento ng mga tao na mapagkamalan na siya ang asawa ni Zael, narinig niya kasi ang sinabi ni Zael ng pabalik na siya galing sa ladies room kaya ng mamatay ang lahat ng ilaw kaagad siyang pumunta sa carpet na ipinahanda nito sa kaniya dahil alam niyang sasabihin na nito kung sino ang kaniyang asawa.
What the fuck!
Napamura si Zael sa kaniyang isipan ng makita ang natutukan ng ilaw.
Damn! Anong ginagawa ng babaeng iyan? Buwisit!
He snap his finger two times, sinyas iyun sa mga staff na buksan ang lahat ng ilaw. Sa kabilang banda naman ay nagugulohang pumasok si Carry sa pinto na itinuro sa kaniya ng staff, nakita niyang nasa itaas ng stage ang kaniyang asawa. Napakagwapo nitong tingnan sa suot nitong black suit.
Marami ang tao na nanunuod sa asawa habang sa mabasa niya ang nasa screen sa likuran ng asawa. Launching of Z’s Condominium.
Napa-awang ang labi niya ng mabasa ito, nakalimutan niyang ngayon ang araw ng launching ng project nito with Katya. Narinig niya ang sinabi ng asawa kaya hindi niya maiwasang mapangiti, her husband confess she felt so happy!
Is this he's surprise?
Ngunit nawala ang ngiti sa kaniyang labi ng biglang namatay ang lahat ng ilaw ka sabay ng pagtutok ng spotlight kay Katya, nakaramdam siya ng sakit ng marinig ang magandang komento ng mga tao tungkol sa dalawa.
Napako siya sa kaniyang kinatatayuan na para bang hindi niya kayang tanggapin na si Katya ang kinalala ng lahat bilang asawa ni Zael na dapat siya. Maya-maya pa ay bumukas na ang lahat ng ilaw, magtama ang mata ni Zael at Carry. Kahit na malayo ang dalaga alam ni Zael na ito ang kaniyang asawa samantalang mas lumawak ang ngiti sa labi ni Katya sa inaakala na sa kaniya nakatingin ang binata.
“Z, I never expect this...” Katya say that makes everyone teased them.
Tiningnan ni Zael ng masama si Katya. Gusto niyang sipain palabas ng venue si Katya pero hindi niya iyon magawa dahil sa business partner niya pa rin ito at ang celebration ito ay para sa kanilang dalawa.
Naisip ni Carry na hindi dapat siya sumuko, hindi niya dapat hayaan na angkinin ng iba ang pagiging Missis Zael Alvarez. Kaya dahan-dahan siyang naglakad sa red carpet habang nakapako ang tingin sa mga mata ng asawa, ganu'n din ito sa kaniya.
Napatigil siya ilang hakbang ang layo mula sa likod ni Katya ng makita niyang bumaba si Zael sa stage at naglakad ito papunta sa kinatatayuan nila ni Katya. Madaming camera ang kumuha ng larawan naging ang taga media.
“Who’s that beautiful girl?”
“She’s look like a goddess!”
“Omg! Siya ang wife ni Zael how about Katya? A mistress?”
“Do Zael have a two wife?”
Bulong-bulongan ng mga tao, kilala nila si Katya ngunit hindi nila kilala si Carry maliban na lang kay Kant na halos maluwa ang mata sa gulat ng makita ang dalaga na nakangiti sa kaniyang kaibigan. Halos sumabog ang ulo nila ni Anton sa kakaisip kung sino ang asawa ng kaibigan at anong ginagawa ni Carry dito?
Nawala ang ngiti sa labi ni Katya ng daanan siya ni Zael na parang hangin. Nakaramdam siya ng hiya ng hindi siya nito pinansin hindi niya akalain na ipapahiya siya ng binata sa harap ng madaming tao.
BINABASA MO ANG
Marriage To Mr CEO [COMPLETED]
Romance‼️‼️ WARNING‼️‼️ 🔞THIS IS MATURE CONTENT.🔞 🧐READ AT YOUR OWN RISK.🧐