𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 29

501 10 0
                                    

[Unedited]

ABALA si Zael sa pagbabasa ng may kumatok sa pinto at iniluwa nito si Michael. Hindi niya iyon pinagka-abalahang tingnan hangang sa maramdaman niya na lang itong nakatayo sa kaniyang gilid.

“What the fuck brought you here?” Walang emotion na sambit niya sa kay Michael.

Tumikhim ang secretary dahilan para mapatingin siya dito. Yumuko ito ng bahagya bago iniabot sa kaniya ang isang puting sobre.

“Boss, ibinigay sa akin ng guard may nagpapaabot po nito sayo.”

Sandali niyang tinitigan ang sobre bago niya iyon tinanggap. Suminyas siya dito dahilan para mabilis itong nilisan ang kaniyang opisina. Nang mawala sa paningin ang binata ay tiningnan niya ang hawak na sobre. Sa unang tingin ay hindi siya interesadong buksan ito ngunit ng maisip na baka mula ito sa asawa ay madali niya itong binuksan upang tingnan ang laman.

Malinaw sa kaniyang isipan ang kaniyang nabasa. Malinaw ang kaniyang mata sa nakita na nakasulat na letra. Nagtangis ang kaniyang bagang ng maisip kung sino ang may lakas ng loob na magpadala sa kaniya ng ganitong uri ng sulat.

Naikuyom niya ang kaniyang kamao dahilan para malukot ang papel na kan kaniyang binasa. He's about to call the security nang pumasok muli si Michael sa kaniyang opisina.

“Boss, may gustong makipag-usap sayo. Nasa rooftop naghihintay...”

Ang nagpadala ng sulat na ito ay walang iba kundi ang taong naghihintay sa kaniya sa rooftop!

“I’m busy. If who's the shit want to talk me, knock in my office don't make me adjust!”

“Boss, si Sir Anton.”

Awtomatikong napatayo si Zael sa kaniyang kina-uupuan at mabilis ang hakbang patungo sa elevator. Kaagad niyang pinindot ang rooftop ng makasakay dito.

Hindi niya alam kung ano ang sadya nito sa kaniya pero sigurado siyang tungkol iyon sa death threat na natanggap niya ngayon pa lang. Paano niya map-protektahan ang asawa mula sa pamilya nito kung siya mismo ay pinagtabuyan niya ito? He regrets on what he did. Hindi niya sana ito tinanggihan sa alok nito na makipagtulongan sa kaniya dahil mula ng araw na iyon ay hindi na ito muling nagparamdam pa.

“What’s brought you here Portalejo?!” Sigaw niya sa binata na nakatayo hindi kalayuan sa kaniya. Nakatalikod ito sa kaniya dahil nakatingin ito sa kalawakan. Malakas ang hangin kaya sumasabay dito ang kanilang buhok maging ang kanilang kasuotan.

Humarap sa kaniya si Anton na may galit sa mukha nito. Naglakad ito papalapit sa kaniya at hindi nakawala sa kaniyang paningin ang sobre na hawak nito.

“Wag mong dinadamay ang kapatid ko sa gulong ‘to! Wala siyang alam sa nangyari sa nakaraan. She doesn't deserve this you asshole!” Galit na idinit ni Anton ang palad nito sa kaniyang dibdib na para bang ipinagtutulakan sa kaniya ang sobre na hawak nito.

Kinuha niya ang sobre at winaksi ang palad nito sa kaniyang dibdib. Tinapunan niya ng masamang tingin si Anton bago napunta ang attention niya sa ibinigay sa kaniya. Naglakad na ito papalayo sa kaniya. Kumunot ang noo niya ng makita na kapareho ito ng papel na natanggap niya ngayon. Binuksan niya ang papel at binasa ang nakasulat dito.

Keep your sister safe...

Binuksan niya ang papel na gusot-gusot na sa kaniyang palad.

Keep your wife safe...

“What the fuck!” Bulaslas niya dahilan para mapatigil sa paglalakad si Anton.

Anton sarcastically laugh. “Wag mong sabihin na nagulat ka sa sarili mong kagagawan?”

Marriage To Mr CEO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon