𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 25

472 9 0
                                    

[Unedited]

MALAKAS na mag-asawang sampal ang tumama sa pisngi ni Zael at pinagsusuntok ni Carry ang dibdib nito. Walang tigil sa pag-agos ng mga luha ni Carry dahil sa sakit, galit at hinanakit sa asawa sa ginawa nitong panloloko sa kaniya.

“Mahal kita Zael! Mahal na mahal kita ibinigay ko sayo ng buong-buo ang tiwala ko! Bakit mo sa akin nagawa ‘to?! Bakit nagawa mo akong saktan ng ganito?!” She hysterical say while keep on slapping her husband's chest.

Hindi lang ako ang sinaktan mo!

Hinuli ni Zael ang mga kamay niya at mahigpit siya nitong niyakap. Mabilis siyang umalma sa ginawa nito at buong lakas na itinulak ito papalayo sa kaniya.

“B-babe—”

“Don’t call me that, asshole!” She cut his off.

Malamlam ang mga mata ni Zael habang nakatingin sa mga mata niya na punong-puno ng galit. Mahal niya ito pero sakit at galit ang nangingibabaw sa loob niya.

“Akala ko iba ka...” She smile bitterly. “Pare-pareho lang kayo, manloloko! Wala ng mas isasakit pa sa ginawa mo Zael! Habang nagpakasarap ka, ako naghihintay ng parang tanga! Ginawa mo akong tanga...” Puno ng sakit na wika niya.

Masayang-masaya pa naman siyang ibalita sa asawa na nagdadalang tao siya pero dahil sa isang iglap nagbago ang pananaw niya sa buhay. Hindi niya ito kayang patawarin sa ginawang panloloko.

Naglakad siya papalabas ng opisina nito ngunit kaagad siyang napahinto ng yakapin siya nito mula sa likuran. Napakagat labi siya upang pigilan ang ingay na lumabas sa kaniyang bibig.

“Trust me, please don't go. Babe let's fix thi—”

“Tama na Zael. Sobrang sakit na...” Ramdam niya ang pag-iling ni Zael sa kaniya likod.

“No! No! Don't do this to me, please...” 

“Kung ayaw mong gawin ko sayo ‘to hindi mo sana ako niloko!” Kinalas niya ang braso nito na mahigpit na nakayap sa tiyan niya, sa una ay nahirapan siyang kalasin ito pero kusa rin na bumitaw si Zael.

“I’m sorry... But I need to go.” Humikbi siya.

We need to go!

Kahit nanlalabo na nag mga mata niya ay sinikap niyang tingnan ito sa mga mata. Hindi nakawala sa paningin niya ang pamumula ng mata nito na para bang anumang oras ay babagsak na ang mga luha.

“I’m letting you go.” Buong tapang niyang sambit.

Naging bato si Zael sa kaniyang kinatatayuan habang nakatitig sa mukha ng asawa na punong-puno ng luha. Sunod-sunod na tumulo ang mga luha ni Carry sa kaniyang pisngi habang nakikipagtitigan sa asawa. Kumirot ang puso niya ng makita ang isang butil ng luha na naglalandas sa kanang pisngi ng asawa hindi niya kayang makita ito kaya mabilis ang hakbang na naglakad siya papalabas ng opisina nito.

I’m sorry baby...

“Carry!” Tawag sa kaniya ni Anton ng madaanan ito sa table ni Michael.

Hindi niya pinansin ang dalawa. Lakad-takbo ang ginawa niya papunta sa elevator. Bago sumara ang elevator ay nakita niya pang humabol sa kaniya si Anton.

Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Hindi niya alam kung paano siya mabubuhay na wala ito sa tabi niya. Lalo pa’t alam niyang buntis siya. Ayaw niya mang lumaki ang anak niya na walang ama pero mapaglaro ang tadhana matutulad sa kaniya ang kaniyang anak na lumaki na walang ama... 

Ang hirap tanggapin na iyong taong pinagkakatiwalaan mo ng buong-buo siya ang sisira ng lahat ng meron sa inyo. Kaya niyang tanggapin ang na makita itong may kasamang babae na kumain sa labas at makipaghalikan sa bar pero ang may katalik na ibang babae ay sobra-sobra na...

Marriage To Mr CEO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon