𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 14

413 10 0
                                    

[Unedited]

MAAGANG na gising si Carry dahil hindi siya makatulog ng maayos ng malaman ang nangyari sa magulang ni Zael. Natatakot siya para kay Zael sa balak nitong paghihiganti. Hindi niya rin maiwasang mag-isip na maaring mangyari sa kaniya ang nangyari sa Mommy nito lalo pa’t mayroong Katya sa landas nila na kayang gawin ang lahat para sa pagmamahal nito kay Zael.

Habang tulog pa si Zael na isipan niyang maglaba ng kanilang ginamit na damit kahapon para wala silang lalabhan pag-uwi mamaya.

Kinuha niya ang lalabhan at inilagay sa maliit na laundry basket. Bumaba siya at tinungo ang nag-iisang banyo sa loob ng bahay. Dapat lang na maaga siyang na gising dahil maya-maya ay magigising na ang lahat gagamit iyon ng banyo para maligo. Walang banyo sa bawat kwarto at isang banyo lang ang nasa loob ng bahay.

Binuksan niya ang gripo, “Walang tubig?” Nagtatakang tanong niya ng walang lumabas na tubig sa gripo. Muli niyang sinara at binuksan ngunit wala talaga.

Mayroon naman ka gabi bakit ngayon wala?

Napatingin siya sa kusina ng marinig niya ang kaluskos. Hindi niya isinara ang pinto ng banyo kaya nakita niyang si Manang Susan ang nasa kusina.

“Good morning po Manang,” Bati niya dito na naghihiwa ng sibuyas. “Oh, hija, ang aga mo namang gumising? Nakapagpahinga ka ba ng maayos?” Sandali itong tumingin sa kaniya.

“Opo, maglalaba sana ako kaso walang tubig...” Nakangiti itong tumingin sa kaniya. “Napaka-swerte naman ng alaga ko at ikaw ang napangasawa niya.” Ipinagpatuloy nito ang paghihiwa.

“Wala talagang tubig tuwing umaga hija, sa gabi lang nagkakaroon ng tubig dito. Kung maglalaba ka may poso sa labas ngunit sa ganitong oras nakapila na ang mga tao dahil paunahan sa pag-igib,”

“Pwede niyo po ba akong samahan? Gusto po kasing labhan ang mga damit namin para wala kaming iuuwing maduming damit,” Paki-usap niya dito.

Mabilis lang naman siya dahil ilang piraso lang naman ang lalabhan niya. “Sige, pero hindi ka ba muna magkakape?” Alok nito sa kaniya. Umiling siya, “Mamaya na lang po sasabayan ko na lang si Zael,”

“Napaka-sweet na asawa...” Rinig niyang bulong ni Manang ngunit umakto siyang walang narinig na nagtungo sa banyo para kunin ang laundry basket, basin kung saan nakalagay ang mga sabon na gagamitin sa paglalaba.

Lumabas sila ng gate. Nakasunod lang siya kay Manang Susan. Hindi pa sila nakakalayo sa Bahay ng matanaw niyang madaming tao ang nakapila, mapa bata o matanda, babae o lalaki ay may dalang timba o kaya container.

“Alam mo ba ng makita kita inisip ko na hindi ka marunong ng gawaing bahay, itsura mo pa lang ay halatang mula ka sa mayamang pamilya pero sa maikling oras na nakasama kita nakita kong mabuti kang asawa kay Zael, na aalagaan mo siya at kaya mo siyang ipaghain... Ganu’n naman dapat tayong mga babae,”

“Tinuruan po ako ng Mama ko ng mga gawaing bahay at palagi niyang sinasabi sa akin na kapag may sarili na akong pamilya, alam ko na ang gagawin ko kung paano alagaan ang asawa’t anak ko.” Bagay na hindi niya makakalimutan sa kaniyang Mama.

“Oh siya, pumila ka na dito ayos ka lang ba dito kung iiwan na kita? Tatapusin ko ang niluluto ko,” Tumango siya kay Manang Susan. “Opo, kaya ko na po ang sarili ko. Salamat po sa paghatid.”

Tiningnan ni Carry ang pila ng maka-alis na si Manang Susan. Nakaramdam siya ng pagka-ilang ng mapansin niya na sa kaniya nakatingin ang mga taong nasa pila. Hindi siya komportable sa mga tigtig ng mga lalaki na para bang hinuhubaran siya sa mga tingin nito samantalang ang mga babae naman ay may masamang tingin sa kaniya na para bang binabalatan siya ng buhay. May ilan-ilan pa na iniirapan siya.

Marriage To Mr CEO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon