𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 12

434 8 1
                                    

[Unedited]

“CONGRATULATIONS Ms. Carry!” Kaliwa’t kanan ang bumabati kay Carry.

“Isa ka na talagang ganap na designer, kaya dapat lang na tawagin kitang Ma'am Carry!” Pagbibiro sa kaniya ni Avril. “Teka? Bakit ganiyan ang itsura mo hindi ka ba masaya?” Puna ni Avril ng makita ang malungkot niyang mukha.

Ngayong gabi ginanap ang ka una-unahang launching ng Care Z Collection.  Isa si Avril sa modelo kaya mula kaninang umaga kasama niya na ito, hindi bilang empleado kundi bilang kaibigan. Kaninang umaga ang opening ng kaniyang boutique, pina-bless niya ito. Nakilala niya rin ang mga sikat na designer, madami ang gustong kumuha na maging parte ng isang malaking company.

Ito ang araw na natupad ang pangarap ng kaniyang Ina para sa kaniya. Nag-uumapaw ang saya na makita niya ang lahat ng ginawa niya matagumpay, paniguradong masaya para sa kaniya ang Ina kung saan man ito naroroon. Dapat siyang maging masaya dahil lahat ng pinaghirapan at pinagpaguran niya ay mayroon ng magandang kinalabasan ngunit hindi niya magawang maging masaya dahil wala ang ka isa-isang tao dahilan kung bakit siya nasa ganitong katayuan.

“Ayos ka lang ba?” Hinawakan ni Avril ang kamay niya,  “Sa totoo lang sobrang saya ko na natupad ko na ang pangarap ni Mama para sa akin, alam mo iyong pakiramdam na nag bunga ang lahat ng pinaghirapan mo ngunit wala na iyong taong pinaglalaanan mo...” She bitterly smile, “... At wala rin ‘yong tao na dahilan upang maabot ang pangarap mo,” She sip on her glass.

Mula kaninang umaga ay hindi niya nakita si Zael. Kanina niya pa ito hinihintay sa kaniyang boutique ngunit hindi ito dumating. Inisip niyang busy ito kaya naman na iintindihan niya. Bago magsimula ang show ay panay ang tawag niya sa asawa hindi nito sinasagot ang tawag niya ngunit nagmensahe ito na darating ito. Hindi niya maiwasang mag-alala sa asawa dahil tapos na ang show hindi pa rin ito dumating, hindi niya rin matawagan.

“Kung na saan man ang Mama mo, sigurado akong masaya siya para sayo at ipinagmamalaki ka niya. Dapat lang na maging masaya ka dahil kaming lahat na naririto ay masaya para sayo,” Kumindat ito, “Car, salamat sa pagkakataon na ibinigay mo sa akin, na pa kabuti mong kaibigan...”

“Salamat rin sayo, Avril. Masaya ako na ikaw ang naging kaibigan ko.” Kinuha ni Avril ang baso nito na may lamang apple juice, “Cheers?” Kinuha niya rin ang baso niya nag toast bago uminom ng juice.

Natigilan si Carry sa pag-inom ng maramdaman niya ang mainit na hininga na tumatama sa kaniyang batok. Na amoy niya rin ang pamilyar na pabango na nanunuot sa kaniyang ilong. “Congratulations Missis ko...” Bulong sa kaniyang tenga.

Her heart beat so fast as she heard the familiar baritone voice of her husband. Ito ang boses na kanina niya pa hinihintay na marinig. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya ng maramdaman ang palad nito sa kaniyang bewang na naghatid ng kakaibang init sa kaniyang katawan.

“Babe...” Dahan-dahang siyang nag-angat ng tingin sa asawa. Magkatapat ang kanilang mukha kaya malapitan niyang pinakatitigan ang mukha nito. Hindi rin nakaligtas sa kaniya na amoy alak ito.

“Lasing ka ba?” Hinawakan niya ang pisngi nito, “Lasing ka ba?” Balik nitong tanong sa kaniya. Napansin niyang sumulyap ito sa baso na hawak niya kaya alam niya na ang iniisip ng asawa.

“Paano naman ako malalasing kung juice lang ang iniinom ko?” Inilapag niya sa mesa ang baso bago hinarap ang asawa. “Good girl.” Hinalikan siya sa gilid ng noo. “Bakit ngayon ka lang?” Nagtatampong tanong niya.

“For you...” Inabot nito sa kaniya ang isang bouquet of red roses. Nawala ang inis at tampo niya sa asawa ng tangapin niya ang bulaklak, “Ang ganda, thank you babe.” Nakangiting inamoy niya ang bulaklak.

Marriage To Mr CEO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon