𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 9

565 8 0
                                    

[Unedited]

DINALA ni Zael ang kaniyang asawa sa isang private resort niya sa Batangas. Ito ang mas makakabuti para sa kaniyang asawa sabi ng Psychiatrist Doctor nito, ang magkaroon ng bakasyon para makapaglibang para makalimutan ang pinagdaanan nito. Hindi niya kayang nakikita na nasasaktan at nahihirapan ito, dahil sa sinapit nito nagkaroon ito ng matinding trauma dahilan ng anxiety at depression nito.

Sa totoo lang wala na siyang dapat ikatakot at ipangamba dahil binura niya na s mundong ito ang mga lalaking nagtangka dito. Umaga silang nakarating sa resort akala niya ay maglilibang na ang asawa dahil silang dalawang lang ang tao dito ngunit nagkamali siya, nagkulong ito maghapon sa kwarto.

“Babe, may malapit na restaurant dito gusto mong kumain sa labas?” Tanong niya sa asawa na naka-upo sa kama habang yakap-yakap ang isang unan. Lumabas siya galing sa banyo na nakatapis ng tuwalya sa ibabang bahagi ng katawan.

Hindi siya nito pinansin, hindi niya alam kung narinig siya nito o sadyang wala lang talaga ito sa sarili. Nilapitan niya ang asawa at na upo siya sa gilid ng kama, hinawakan niya ang kamay nito, sa gulat ay kaagad itong na tampal ang kamay niya at sumiksik sa headboard. Bumalatay sa mukha nito ang takot.

“Zael,” Hinilamos ni Carry ang kaniyang mukha bago muling tumingin sa asawa. Palagi niya na lang itong na tatampal o kaya na sisigawan kapag hinahawakan siya, hindi niya rin masisi ang kaniyang sarili dahil sa matinding takot na kaniyang nararamdaman sa tuwing siya’y na bibigla.

“Sorry, na gulat ba kita?” Malamlam ng mata nitong tanong sa kaniya at inilahad ang na ka bukas na palad nito, ipinatong niya sa kamay ng asawa ang kaniyang kamay.

“May iniisip lang ako, hindi kita na pansin.” Isinandal niya ang ulo sa balikat ng asawa. “Tama si Doc, hindi dapat ako nagpapadala sa takot na nararamdaman ko, kailangan kong maging malakas at matapang.” Hinalikan ni Zael ang kamay ng asawa.

Napag isip-isip niya ang mga sinabi ng doctor niya sa kaniya, pagsubok lang ito na dapat niyang malampasan kaya dapat wag niyang sukuan.

“Yeah. Don't worry babe, hinding-hindi ka na nila magagalaw.” Tumango naman siya at pinakatitigan ang mukha ng asawa.

Sa loob ng ilang linggo ramdam niya ang pag aalaga at pag-aalala nito sa kaniya. Nahihirapan ito sa tuwing nakikita siyang na sasaktan ayaw niyang mas mag-alala pa ito sa kaniya. Magpapagaling siya at babalik rin siya sa dati. Mula ng nangyari sa kaniya buong attention nito ay nasa kaniya, hindi siya nito iniwan at ni minsan hindi niya ito na rinig na nagreklamo na napapagod na sa kaniya. Ipinakita lang nito sa kaniya kung gaano siya nito ka mahal. Sinabi rin sa kaniya ni Zael na wala na ang mga lalaking nagtangka sa kaniya kaya naisip niyang nakakulong na ito at hindi na siya malalapitan pa ng mga ito. Naging panatag ang loob niya.

SA KABILANG banda naman ay kakarating lang ni Katya sa building ni Zael. Gusto niyang makita ang binata dahil ilang araw na rin silang hindi nagkikita, hindi na rin ito tumatambay sa bar tuwing gabi.

“Good morning, I want to talk to your boss.” Sambit niya sa secretary ni Zael. Sa totoo lang ay gwapo ang lalaking nasa harapan niya, matangkad at halata na mabuti itong tao ngunit hindi ito ang kaniyang tipo, isang pulubi!

“Sorry, Ma'am. But Mister Alvarez is on Vacation leave.” Kumunot ang noo niya ng marinig ang sinabi nito. Kailan pa natutulong mag leave si Zael para lang sa isang vacation?

Pinakatitigan niya ang mukha ng secretary nito ngunit wala siyang mabasa sa expression. Tumunog ang cellphone ni Katya dahilan para magbaba siya ng tingin sa kaniyang bag.

“Hello? –Yes. –Okay.” Hindi na siya nagpaalam sa kay Michael, kaagad na siyang umalis dahil wala naman siyang mapapala. Samantalang si Michael naman ay nagtataka sa kilos ng dalaga sa biglaang pag-alis.

Marriage To Mr CEO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon