[Unedited]
NAKAUPO si Carry sa blanket na nakasapin sa damuhan sa silong ng isang malaking punong kahoy. Sariwa ang hangin at masarap iyun sa pakiramdam. Relaxing ang magandang tanawin na kahit saan siya tumingin kagandahan ng kalikasan ang nakikita niya.
She's wearing a white V-neck spaghetti strap croptop. Blue denim high-waist short. Kitang-kita ang maputi at makinis niyang katawan. Ang makinis at mahaba niyang legs. Nakalugay ang kaniyang tuwid na tuwid na buhok na sumasabay sa hangin.
Ngumiti siya ng makitang pa balik na sa kaniyang kinaruruonan si Zael. Nakasuot ito ng itim na leader jacket, black round neck long sleeve, black jeans at white Adidas shoes. Bagay na bagay ang suot nito. Mas lalo pa itong gwapo sa paningin niya dahil nakasuot ito ng sunglasses.
“Hindi naman kaya matunaw ako sa kakatitig mo?” Pabirong tanong nito ng makalapit sa kaniya. Inilapag nito sa harapan niya ang dala-dalang plastic bag bago na upo sa tabihan niya at sumandal sa puno.
“Sino bang nagsabi sayo na ikaw ang tiningnan ko?” Balik niyang tanong dito. Sinulyapan niya ito ng tingin dahilan para magtama ang mata nila kahit may suot itong sunglass alam niyang sa kaniya ito nakatingin.
“Hindi ako manhid para hindi ko maramdaman,” Ngumisi ito at hinaplos ang pisngi niya. “Ang ganda mo,” Umiwas siya ng tingin dito, “Alam ko. Matagal na...”
Zael chuckle before she felt his lips on her shoulder. Nilingon niya ang asawa. Nag-angat ito ng tingin sa kaniya bago tinanggal ang sunglass at isinuot sa kaniya.
“Hindi ka pa ba na gugutom?” Umiling siya bago sumandal sa dibdib nito. Naramdaman niyang yumapos ang braso nito sa baywang niya.
Ginawa niyang headband ang sunglass upang makita ng malinaw ang magandang tanawin. Nang makarating sila dito ay na wala ang stress at pagod na naramdaman niya. She felt relief and relaxing as she saw the beautiful of the place.
Matagal na nilang pinagplanohan na magpalipas ng weekend sa hacienda. Matagal na nilang hindi na gagawang magbakasyon dahil sa pareho silang abala sa trabaho kung mayroon man silang pinupuntahan noon karamihan ay beach resort.
“Ang ganda dito, ang tahimik parang gusto ko na ditong tumira...” She commented.
Ang tahimik ng paligid, tanging huni ng ibon ang kaniyang naririnig, malamig na ihip ng hangin at magandang kapaligiran. Sobrang simple.
“Dahil ba kay Katya kaya na isip mo ‘yan?” Alam niya ang nais ipahiwatig ni Zael. Ngunit hindi iyon ang dahilan para gustuhin na manatili dito. Oo, gusto niyang umiwas sa gulo at ayaw rin ni Zael na mapahamak siya, napag-usapan na nila ang bagay na ito.
Hindi siya magagalit sa asawa hangat hindi niya ito nakikitang may ginagawang masama. Katya trying to ruin their relation that's why she need to trust and value there love for each to stay stronger together.
“Alam kung madami kaming pagkakaiba ni Katya, sa pagkakaibang iyun madami ang lamang niya sa akin. Kung iisipin mas na rarapat siya sayo pero hindi basehan ang estado sa buhay para magsama ang dalawang tao...” Humarap siya sa asawa, “...Mahal kita at panghahawakan ko ang salitang mahal mo rin ako. Ipaglalaban kita dahil asawa kita...” Hinawakan niya ang magkaibang pisngi nito.
“Hindi ako na tatakot kay Katya. Wala akong balak na isuko ka sa kaniya maliban na lang kung bigyan mo ako ng dahilan para ipaubaya kita sa kaniya...” She said straightly to his eyes.
“Hindi kita ipapagpapalit, wala kang ka tumbas sa buhay ko.” Niyakap siya ni Zael. Isiniksik niya ang mukha niya sa dibdib ng asawa at gumanti ng yakap dito.
Kung ano man ang itsura ni Katya na tumambad sa kanila ni Zael lahat iyun Plano ni Katya upang mapaghiwalay sila at makuha nito si Zael. Malinaw na ang ginagawa nito ang lahat para makuha ang lahat ng mayroon siya ngayon.
BINABASA MO ANG
Marriage To Mr CEO [COMPLETED]
Romance‼️‼️ WARNING‼️‼️ 🔞THIS IS MATURE CONTENT.🔞 🧐READ AT YOUR OWN RISK.🧐