Chapter 9 : Your Name

106 9 0
                                    

°°°

Nicolai's POV

Nang mabasa namin ang libro ay nalaman ko na ng lahat. Noong sinaunang panahon kasi may four major God, God of Sky and Heaven, God of Earth, the Goddess of Sea and Ocean and lastly the God of Hell and Underworld.

They are siblings actually, but the God of all Gods chose the second Child, Yvann the God of Sky and Heaven as the king of all.

Dahil sa kumpyansa ni Terran, the God of Hell and Underworld na siya ang susunod na hari dahil siya ang panganay ay matindi ang naging sama ng loob nito sa kaniyang mga kapatid at ama.

Inaway ni Terran si Yvann na hindi magawang lumaban dahil sa mahal na mahal nito ang kapatid na si Terran pero tumulong si Lejan, The God of Earth at Aquanna, the Goddess of Sea and Ocean para matigil si Terran at mapaalis sa lupang kanilang sinilangan.

Mas lalong nagalit si Terran at sumumpa ito na sa takdang oras ay may itatalaga siyang isang mortal upang maghiganti sa ngalan niya.

After that fight, evil and darkness started to spread on the mortal world so the other Gods make a move to give a gift to the chosen mortals. Mga bata palang o hindi pa man nabubuo ay nabigyan na agad nila ito nang gift.

Sa katagalan ng panahon ang mga naunang Gifted peoples ay nagpatayo ng mga schools for the Gifted ang iba pa ay gumawa ng ibang dimension para lang matago sa paningin ng mga mortal ang kakaibang kakayahan nila.

May isang Gifted person ang nakakuha nang kakayahang makakita ng hinaharap at propesiya.

Nakasaad sa propesiya na may isang mortal ang makakakuha ng kapangyarihan na tanging ang Diyos ng Impyerno lamang ang nagma-may ari.

Nabahala ang tatlong Diyos at Diyosa at simula noon ay hinahanap na nila ang batang maaaring makatanggap nang ganoong kapangyarihan pero dahil sa katagalan na hindi nila malaman dahil sa pino-protektahan ito ni Terran ay napagpasyahan nila na pagsama samahin ang kapangyarihan nila sa mapipiling mortal na kayang magtaglay ng tatlong kapangyarihan ng mga Diyos at Diyosa.

"Ngek? Bakit parang ang unfair naman? Dibaaaa yung successor ni Terran isa lang kapangyarihan tapos yung successor nung tatlong God and Goddess eh tatlong kapangyarihan?" Nakangiwing sabi ni Aica, school auditor.

"Well, may point ka diyan pero siguradong may dahilan sila." Sagot naman ni Faye.

"Kulang pa kasi yung nakasulat, hindi pa nabuo, sayang lang at hindi na gumagana yung ginawa ni Nico." Sabat ni Ace.

Tama si Ace kasi nang matapos naming basahin ay sinubukan ko ulit ang ginawa ko, nagawa ko naman pero hindi na nadugtungan yung nakasulat.

"Pero hula ko talaga may lihim pa yang si Terran! Kasi hindi nila pagtutulungan si Terran kung mahina lang siya, diba?" Saad ni Anna na ikinatango naming lahat.

"Well, anyway! Let's call it a day, since alam niyo na ang meron kayo pero hindi niyo pa alam mga Gift niyo, malalaman niyo naman yan kapag nag-start na tayo sa class natin as the Gifted child!" Ani Faye.

"Teka! May tanong ako ih! Diba ang Gods and Goddess ang nagbibigay ng gifts? Eh bakit ka naging fairy? Wala namang fairy sa kanila?" Halata mong naguguluhan talaga si Cathy, School Muse.

"Ayy isang slow din!" Gagad naman ni Asher.

"Cathy diba nakasaad naman diyan na four major Gods and Goddess? So it means there's a lot of Minor Gods and Goddesses." Sagot naman ni Faye kay Cathy na bumilog ang bibig sa narinig.

"Oo nga no? Ang galing!" Anito na ikinatawa ng iba sa amin.

Pagkatapos namin mag-usap usap ay kaniya kaniya na kaming labas ng office, naiwan ako rito kasama si Ace na hawak hawak pa rin ang libro, sa akin kasi iniwan at baka sakali raw na madagdagan ang nakasulat doon.

"Nico." Tawag sa akin ni Ace at tiningnan ko naman siya, "Akalain mo yon, totoo pala yung mga powers powers? Akala ko sa movies ko lang makikita." Natatawang sabi ni Ace na tinanguan ko rin.

"Sinabi mo pa, nac-curious ako. Sino sino kaya diyan yung may mga Gift, siguradong marami na riyan hindi lang natin napapansin." Sagot ko at napatango siya.

"You have a point and natatanong ko rin sa sarili ko, bakit hindi sinabi ng mga magulang natin ang tungkol dito? Ay teka! Naalala ko sabi ni Mommy noon kapag tumungtong daw ako sa legal age ay may iku-kwento siya! Baka ito na yun?" Saad ni Ace habang nakangiti.

"Natanong ko na rin yan pero diba sabi may mga mortal na hindi pa man nabubuo ay nabigyan na ng Gift? Baka yung iba sa atin ay ganoon, what if hindi alam ng parents ko to diba?" Aniko at tumango tango naman sa akin si Ace.

"Exactly, mamaya nga tatanungin ko na sila mommy! Excited na ako!" Kita ko sa mata ni Ace ang excitement pero ako wala akong nararamdaman.

Umuwi ako na maraming iniisip, pagkarating sa bahay ay nagmano at nagpaalam lang ako na sa kwarto muna ako, naguguluhan pa rin kasi ako.

Nakaupo ako ngayon sa study table ko at nakatitig sa labas ng binyana, kita rito ang magandang sunset, ever since gustong gusto ko na ang ganito, kaya sa tuwing malungkot, masaya at may iniisip ako ay pinapanood ko ang araw na lumubog.

Nagkibit balikat ako at saka lumabas ng kwarto pababa sa first floor.

"Ma, punta lang po ako sa convenient store." Paalam ko at tumango naman agad ito, wala pa pala si Papa nasa trabaho pa.

Lumabas ako ng bahay at kinuha ang motor ko. Pagkarating sa convenient store ay pumasok agad ako at bumili ng ice cream.

Nakatingin lang ako sa labas habang nakain nang may umupo sa harapan ko. Hindi ko na sana papansinin nang makilala ko siya.

"Ginagawa mo rito?" Tanong ko sa kaniya at tiningnan niya ako na walang emosyon sa mukha.

"I'll eat, I guess?" Sarcastic niyang sagot.

Tumingin ako sa ibang table rito at wala namang tao, "Ang daming table tapos dito ka pa naupo." Saad ko at sumubo ng ice cream.

Doon ko rin napansin na naka black hoodie lang siya at may cup noodles sa tapat niya. Napaangat ang tingin ko sa mukha niya napaiwas agad ng tingin kasi nakatingin pala siya sa akin.

"Why you look so bothered?" He asked and I look at him.

"I have a lot of stuffs in my head." Sagot ko.

"Then, remove it." He said and started to mix his cup noodles while looking at me, grabe naman ang mga titig!

"Kung kaya ko lang edi sana nagawa ko na diba?" Saad ko at napabuntong hininga, "Teka, bakit ang bait mo ngayon?" Tanong ko sa kaniya na ikinatingin niya sa akin.

"Am I not allowed?" Tanong niya, pilosopo pa nga.

"Hindi naman, eh kasi sa tuwing nakikita kita or nakikita mo ako palagi kang galit." Nakangiwi kong sagot sa kaniya.

"You're annoying kasi." Sabi niya at bigla akong natawa sa accent niya, conyo.

"Ano namang nakakainis sa akin aber?" Tanong ko sa kaniya na nakatitig sa akin.

He shrugged, "I just found you annoying." He casually said and I just look at him in disbelief.

"The audacity!?!" I raised my voice that made him chuckled.

Napaayos pa ako ng upo dahil sa pagtawa niya, he looks... handsome and cute at the same time.

"Why are you looking at me like that, Wingtong Boy?" Tanong niya na ikinabalik ko sa realidad.

"Wala, ngayon lang kita nakita kasing tumawa." Sagot ko naman.

"Of course, ngayon lang din naman ulit tayo nagkita." Sabi niya na ikinangiwi ko.

"Ewan sayo pilosopo ka, bye na nga!" Aniko at tumayo na saka dumeretso sa pintuan ng convenient store pero di pa ako nakakalabas nang salita siya.

"What's your name again?"

I look at him at nakatalikod lang siya, "Why?" I asked him and he shrugged, "Jhon Nicolai." Saad ko at dahan dahan siyang tumingin sa akin, nakangisi.

"Nice to meet you, Jhon." He said and I smiled.

"Nice to meet you too, Dirk." I said and went outside the store.

°°°

[A/n : humaharot na sila!]

The Chosen [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon