Chapter 34 : Chain Curse

72 4 0
                                    

°°°

Nicolai's PoV

Nag-iingayan ang mga tao rito sa arena dahil sa tatlo na lang ang natitirang player si Barbie, si Zach at si Ace na lang ang natitira.

Grabe ang intense nang laban nila, nakita ko kung paano lumaban si Barbie at tama si kuya Aiden, sobra ang lakas niya kaya niyang pasukuin ang kalaban niya sa isang tira lang. Take note that she hasn't use her gift, her ability and knowledge is enough.

"Ooookayyyy! Where still have 3 remaining players for this position! Next duel is Zach from Rare Section B and Ace from Rare Section B too! This is more exciting because it looks like they're friends... Hindi ko na patatagalin pa! Please forward and introduce yourself!"

"I'm Zacharrio Elias, Weather Manipulation."

"I'm Ace Serriano, Metal Manipulator."

Nag-sigawan ang mga audience at karamihan doon ay babae dahil sa pag-ngiti nung dalawa, hindi rin naman maipagkakaila na parehas silang gwapo.

Tumayo sa magkabilang dulo ng oval si Zach at Ace, si Zach ay seryoso ang mukha habang si Ace ay nagpapa-cute pa sa audience.

"Loko loko talaga." naiiling kong sambit at narinig ko ang mahinang tawa ni kuya Aiden.

"Friendly fight lang ha! Baka naman itodo mo, Zach, anong laban ko sa weather mo." natatawang sambit ni Ace kay Zach na seryoso parin ang mukha.

Sigurado ba si Ace na papayag itong si Zach sa sinasabi niya? Mukha kasing seryosong seryoso sa laban si Zach.

"Let the battle begin!"

Pagkasabi ng announcer ay nag-stretching pa si Ace at mukhang wala talaga siyang balak seryosohin ang laban nila ni Zach samantalang ang isa ay seryoso.

Unang umatake si Zach at bigla itong naglaho sa kinatatayuan niya kaya nagulat si Ace at napatigil, biglang tumalsik si Ace sa kabilang bahagi ng oval dahil sa pag-sipa ni Zach na lumitaw bigla sa likuran nito.

"Don't get your guards off, Ace." sambit ni Zach at may ngisi sa labi.

"Sakit non ha! Di ko alam na kaya mo yung ganon!" angil ni Ace at nakahawak pa sa balakang niya nang tumayo siya.

"As what they say, don't let others know your next move." sambit ni Zach na ikinalito ni Ace.

"Ha?—" di natuloy ang sasabihin ni Ace nang tumalsik na naman siya dahil sa malakas na hangin galing sa likod niya.

"Kakasabi ko lang." parang bored na saad ni Zach.

Nakiling ko ang ulo ko. Hindi mo kilala Zach iyang kinakausap mo. Napabuntong hininga na lang ako dahil iba ang kalalabasan nito kapag napikon itong si Ace.

Tumayo si Ace at nag-stretch ng leeg niya. Natatawa itong tumingin kay Zach na nakangisi sa kaniya.

"I'm holding myself back because you're my friend, but I guess you don't recognise me as one." sambit ni Ace habang naiiling.

"Dami mong satsat." sambit ni Zach at napasingkit ang mata ko dahil sa kakaibang pag uugali niya.

Ace scoffed and smirk at Zach. He's now serious, mas magiging intense ang laban na ito. Pumikit si Zach na ikinagulo ni Ace pero kita sa mata nito ang pag-obserba sa paligid niya.

Napatili at napasigaw ang audience nang biglang kumulog at dumilim ang kalangitan, dahil iyon kay Zach na ngayon ay may inuusal parin.

Biglang umulan na ikinatigil ni Ace.

"Patay." sambit ko habang nakatingin kay Ace at Zach.

"Why?" tanong ni kuya Aiden.

Hindi naman kami mababasa ritong mga nasa bleachers dahil may bubong ito maliban sa oval sa gitna.

The Chosen [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon