Chapter 30 : The Fate and The Judge

91 5 0
                                    


°°°

Natan's POV


"You already know who's the chosen?" tanong ni Naia sa akin na ikinangiti ko na lang.

I nodded, "I already know everything and the future, that two young people are meant to be with each other but fate made them become her main player in her own game." nagseryoso akong tumingin sa kaniya.

Napatigil sila sa paglalakad kaya tumigil din ako para humarap sa kaniya. Kita ko ang pagkalito sa kani-kanilang mga mukhha.

"What do you mean?" tanong niya.

"Calyx and Nicolai will be attach to each other romantically, pero sila rin ang dalawang nakatakda upang maglaban sa darating na panahon." seryosong sagot ko at kita ko ang kaba sa mukha nila.

"You mean that Nicolai is the vessel of the three major gods?" tanong ni Zadkiel.

"Yes, and that Calyx is the successor of Terran." sagot ko sa kaniya na ikinatingin nila sa isa't isa.

"Kung ganoon hangga't hindi pa dumadating ang nakatakdang paglilipon kailangan na natin unahan at patayin ang itinakda." sambit ni Naia pero umiling ako.

"Ano? H'wag mong sabihin na wala tayong gagawin gayong alam na natin ang nakatakdang sasakop sa buong mundo?" nababanas na tanong ni Astley sa akin.

"Mahirap pangunahan si Fate. She's one of the mythical goddess, Astley." matalim ko siyang tiningnan.

Natahimik silang tatlo sa binitawan kong salita at sa paraan nang pagtitig ko. Bihira lang akong magpakita ng inis o galit kaya hindi nila ako masasagot sa oras na magseryoso na ako.

"Ayokong makealam sa plano ng Mythical Goddess, this isn't my battle. This is Nicolai and Calyx's battle." saad ko at tumalikod sa kanila, "Kahit anong mangyari sa tama kayo papanig, mapaglinlang si Fate. Don't trust for what you believe in a first place. Ang tanging magagawa niyo ang umayon sa agos nang pangyayari at mangyayari." huling sinabi ko bago naglaho sa paningin nila.

Kailangan nilang matuto. They need to be wise dahil hindi sa lahat ay tama ang liwanag, hindi sa lahat nang pagkakataon ay tama sila. Minsan mas mapanganib pa ang liwanag kaysa kadiliman.

"Hindi nga maipagkakaila na alam mo ang lahat."

Napatingin ako sa likuran ko. Nandito ako sa tuktok ng building, dito ako nagtungo upang hindi nila ako masundan. Ngayon ibang nilalang pa ang sumunod, hindi ko lang inaasahan na magpapakita sya.

"Kung ano man ang plano mo sinasabi ko sayo Fate hindi maganda ang kalalabasan nito." seryoso kong sambit sa mythical goddess na nasa harapan ko.

Suot suot niya ang gown na gawa sa ginto, every detailes of her wearing are pure golds. Hinding hindi ko maiintindihan ang kasuotan na gusto nila, wala silang ibang ginusto kundi maipakita na malakas sila, na nakaka-angat sila.

Tumawa siya, "Kung ako sayo, h'wag ka mangengealam sa gusto kong laro. You're already playing with mortals, mind your own business kumbaga." nakangiti niyang sambit na ikinangisi ko.

"Magagawa kong pakilaman at baguhin ang nais mo dahil after all, what you're playing is a sin." saad ko at siya naman ang napangisi sa akin.

"H'wag mo akong tinatakot, isa ka palang hamak na minor pero kung umasta ay akala mo'y kasing pantay ko na." may pagmamalaking sambit nito na tinaasan ko ng kilay.

I crossed my arm and look at her, "We all know that even though I'm still a minor I can surpass your ability and powers, Fate. At hindi kita kailagan pantayan dahil mas mataas ako." sambit ko at pinakita ang matamis kong ngiti na ikinawala ng emotion niya.

"Mayabang ka ngang talaga." nangngi-ngitngit ang ngipin niyang saad sa akin.

"May ipagyayabang ako, Fate. Pababayan kita sa larong gusto mo ngunit sa oras na dumating ang paghuhukom sa kasalanang ginawa mo, maghanda ka sa parusang ipapataw ko sayo."



Jhon's POV


"Okay ka na ba?" tanong ni Ace sa akin pagkasilip sa kwarto ko rito sa old library.

Ngayon na ang araw na babalik kami sa school. Nalaman ko na lang na nakipag kasundo sila kuya Aiden sa mga sumasalakay na mga nilalang, hindi ko alam kung anong ipinagkasundo nila.

"Ahh oo, teka hintayin mo na ako." sambit ko at sinukbit ang bag ko.

"Para kasing babae kung kumilos." panenermon pa niya na sinamaan ko lang ng tingin.

Aagahan namin ng uwi ngayon dahil bukas na simula ng election. Nalaman ko ang bagong position ang ginawa ng bawat school. Inalis na nila ang nakasanayang officers. Lahat ng student ay may chances na lumaban at makamit ang major cards position, the King, Queen, Jack and the Ace.

Magpapalista ka kung saan position ka gustong lumaban, hindi ko alam kung anong position ba ang papasukan ko. Maaga kami para na rin makapag ensayo pa ako, matinding training ang kailangan ko.

Isa pa sa bumabagabag sa isip ko ang sinabi ni Natan. Ako raw ay ang successor ni Yvann, at siya ang tatay ko. Pero paano nangyari yon? Ibig bang sabihin ay ampon ako? Ang gulo! Nakakagulo naman magbigay ng info ang diyos na yun! At ano nga ulit? Nasa akin ang kapangyarihan ng tatlong major gods? Ako ang nakatakdang lumaban sa successor ni Terran? Whatt???

"Hoy ano ba! Tumingin ka sa dinadaanan mo." napabalik ako sa wisyo nang may sumigaw sa harapan ko.

Nakikita ko ang galit na mukha ni Fred na hindi ko alam ay nabangga ko na pala. Sa dami nang iniisip ko ay nawala na lang ako sa sarili ko.

"Pwede ba tigilan mo na yang pag iisip mo. Ibaling mo ang atensyon mo sa darating na election, bawal ang tanga ron." sambit nito at dire-diretsong pumasok sa portal na hindi ko alam ay nakabukas na pala kanina pa.

Napalibot ang tingin ko sa paligid dahil hindi ko alam na nasa likod na pala kami ng school. Hindi na kami naihatid ni Ms. Smith dahil marami pa siyang gagawin kasi. Napabuntong hininga na lang ako nang makitang nasa kabila na pala silang lahat at nakatingin sa akin.

"Bilis, Nico!" sigaw ni Ace kaya wala akong nagawa kundi ang pumasok sa portal.

°°°

The Chosen [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon