°°°
Jhon's POV
Kaagad akong nagtatakbo makalayo lamang sa malaking pusit na ngayo'y humahabol sa akin. Hindi naman ako ininform na ganto pala kalaki ang sumasalakay sa mundo namin. At ang mas nakakatakot pa ay ang nakakasulasok na amoy ng pusit, nakakadiri naman kung makakapitan ako nito.
"Bwiset!!! bakit ayaw mo gumana!" sigaw ko dahil sa hindi gumagana ang kapangyarihan ko ngayon.
Nagtatakbo ako nang marinig ko ang pag ungol ng dambuhalang pusit na to. Favorite ko ang pusit pero hindi naman ganito kalaki ang ginusto ko. Aray ko! Nadapa pa kasi ako, dahil siguro sa adrenaline rush eh kaagad akong nakatayo at nagtatakbo.
"Mukha ka lang tanga diyan. Bakit hindi mo gamitin ang gift mo?"
Natigil ako sa pagtakbo nang makarinig nang nagsalita sa di kalayuan. At ayun nasa itaas siya ng bubong naka upo at nakangiti habang pinapanood ako. Napatitig ako sa estranghero sa taas ng bubong. Hindi maipagkakaila ang kaputiang taglay nito at ang buhok niya na kaunti na lang ay maging kakulay na niya.
Hindi ko alam kung maiinis o magpapaliwanag sa kaniya. Nakita ko siyang ngumisi kaya nagtaka naman ako at huli na para ma-realize na kaya siya ngumiti ay naabot na ako ng galamay ng pusit.
"Ahhh! Puta bitiwan mo ako-ang bahoooo!" pagpalahaw ko dahil sobra akong nandidiri.
"Kung saan saan kasi nakatingin." biglang nagsalita yung lalaki na ikinagulat ko dahil nakatapak na siya sa galamay ng pusit.
Jusko? Paano napunta yun dito?
Umiling siya nang makitang napapangiwi ako sa pandidiri, hindi naman kasi masakit ang pagkakapulupot ng galamay ng pusit sa akin. Itinapat niya ang palad niya sa galamay ng pusit at sa kasabay ng pagtikom ng kamay niya ay ang pagsabog ng galamay ng pusit.
"Ahhh! Aray!" sigaw ko nang mahulog ako sa kalsada dahil sa pagsabog ng galamay ng pusit. Kahit na masakit ang katawan ko dahil sa pagkakabagsak ko ay nagulantang ako dahil sa lakas nitong lalaki.
Nakatayo na sa harapan ko ang lalaking puti ang buhok. Nakangiti ito at nakalahad ang kamay sa akin, nanginginig man ay tinanggap ko ang inaalok niyang tulong. Napatingin ako sa uniform niya at napag alaman na isa siyang student ng Seralo High.
Nanlaki ang mata ko nang sa pagtingin ko sa likuran niya ay ang paparating na galamay ng pusit, sa sobrang bilis non ay hindi na ako nakapag-react at napatulala na lang dahil naiwan ang kamay ko sa ere habang hawak ang putol na kamay ng lalaki dahil sa paghampas ng galamay ng pusit ay ang paglitaw ng mga tusok tusok nito roon na naging dahilan nang pagkasabog ng katawan ng lalaking nasa harapan ko at ang pagtalsik ng dugo't laman nito sa akin. kadiri!
Napakurap ako at naibato ang putol na kamay ng lalaki, gwapo pa naman siya. Nanlalaki ang mata ko nang makitang nasa harapan ko na pala ang mukha ng higanteng pusit at handa na akong atakihin. Para akong tanga rito na nakatingin lang at parang hinihintay ang katapusan ko.
Yung lalaki nga na sobrang lakas ay napatay niya, ako pa kaya nabaguhan dito? Mukha ba akong naging masama lord para ilagay mo ako sa ganitong sitwasyon.
"Tanga ka nga." sambit ng lalaki na kani kanina lang ay kamay na lang ang natira.
Naka-crossed arm siya habang naka-upo sa ibabaw ng malaking trash can. Nagulat ako dahil sa harap ko mismo ay sumabog siya at nagkalat pa sa akin ang dugo't laman niya pero ngayon ay nakaupo siya at nakangiti pa habang pinapanood ako. Walang bakas ng pagkamatay niya.
I-immortal?
Naglaho siya at nakita ko na lang siya na nakatayo paharap sa higanteng pusit. Kakamot kamot pa siya sa ulo niya saka pumaling ang ulo niya sa akin.
"Sobrang lakas ng kapangyarihan mo pero hindi mo ginagamit. Anak ka pa naman ng hari." naiiling niyang sambit bago humarap muli sa higanteng pusit at sa isang kumpas niya sa hangin ay tumalsik ang higanteng pusit na akala mo'y papel na hinangin, rinig na rinig ang sobrang lakas na pag ungol nito dahil siguro sa sakit nang pagkakabagsak niya.
Bumagsak ito sa di kalayuan at kaagad ding nakatayo, sa kabila ng kalakihan ng kaniyang katawan at galamay ay madali lang siyang nakatayo. Galit na galit na ngayon ang expression nito na nakatingin sa lalaking nagpatalsik sa kaniya.
Gulong gulo na ang isip ko dahil sa nasasaksihhan. Ang lalaking namatay at sumabog sa harapan ko mismo ay nakikita ko ngayon na nakikipaglaban sa malaking pusit. Sobrang lakas niya at nararamdaman ko yon.
Tumakbo siya pagilid habang habol nang galamay ng higanteng pusit. Bigla na ulit itong naglaho at lumitaw sa ibabaw ng ulo ng pusit habang nakangiti. Puro ngiti lang ang expression niya na akala mo'y naglalaro lang siya.
"Jhon!" narinig ko ang isang pamilyar na tinig kaya napatingin ako rito.
Ngayon nakikita kong nananakbo sila Dirk palapit sa akin, kasama niya si kuya Aiden, Lia, Ace, Jacq at Ayessa na nakasunod lang kay Fred lahat sila ay napatigil nang makita ang higanteng pusit na nasa harapan ko.
"Shit! Nico ayos ka lang ba?" narinig kong sigaw ni Ace na nakapag balik sa wisyo ko.
"Grabe kalaki!" sigaw ni Jacq na nanlalaki ang mata.
"Anong nangyari? Bakit puro dugo ka?" nag aalalang tanong ni Ace na sinisipat ang buong katawan ko.
Napatingin silang lahat ulit sa akin at naglapitan. Kapwa tanong nang tanong pero wala manlang akong masagot dahil sa gulat ko. Napatingin ako kay Dirk na madilim ang expression na tumingin sa higanteng pusit.
"Teka sino yun?" tanong naman ni Ayessa habang nakatingin sa lalaking ngayon ay nagtatawa na dahil patuloy niyang pinuputol ang galamay ng pusit gamit lamang ang paghawak nito rito. Mukha siyang psychopath sa itsura niya dahil sa puro green na dugo na siya dahil sa pusit at puro pa siya ngiti.
"Huy, Dirk wag ka na pumunta!" narinig namin ang boses ni Jacq kaya napatingin kami kay Dirk na handa nang sumugod, hawak na niya ngayon ang espada niya na naguusok ng itim, kita rin dito ang kuryenteng itim.
"Siya ang dahilan bakit nagka-ganyan si Jhon." napabaling naman kami kay Fred na ngayon ay nagliliwanag naman ang buhok.
Nakaramdam na ako ng inis dahil naalala kong iniwan niya ako, "H'wag mo sabihing susugod ka eh iniwan mo nga ako kanina." saad ko na ikinatingin nilang lahat.
"Kaya pala di mo siya kasama kanina." saad naman ni Lia. Napatingin ako kay kuya Aiden na nakangisi habang pinapanood ang lalaki na nakikipaglaban parin sa pusit, kaya pala tahimik siya ay busy siya panonood.
"That's why I need to avenge you to that Pugsita." sambit ni Fred na mukhang determinado na.
Aangal na sana ako nang magsalita si kuya Aiden na nakatingin parin sa lalaki, "No need. Nakikita mo namang pinaglalaruan na lang niya yang Pugsita." anito na tinutukoy ang lalaking puti ang uhok.
"Bilib talaga ako sa kaniya." ngayon nakatingin na rin si Lia sa lalaki, actually lahat kami nakatingin na.
"So, sino nga siya?" tanong namin.
Lahat kami nagulat maliban kila kuya Aiden at Lia dahil sa pagsabog ng buong katawan ng Pugsita na sinasabi nila ay ang paglitaw ng lalaki sa harapan namin. Nakapamulsa na siya at malinis na ang kaniyang katawan, nakangiti parin siya.
"I am Natan, nice to meet you all."
°°°
BINABASA MO ANG
The Chosen [BxB]
Teen FictionThis story will tell the story between two rival school. A war between the 2 school President will they keep their pride when they fall in love with each other or will they accept the mystery will they found with their schools? The secret of their...