°°°
Jhon's POV
Napalibot ang tingin ko sa paligid at napag-alaman na nasa likod kaming parte ng Washington High. Nagtataka naman ako na makitang parang normal lang lahat.
"Welcome back!"
Napatingin kami sa nagsalita. Si Ms. Smith- yung principal ng Washington High sa real world. Ibig sabihin nasa real world na ulit kami.
Tanga! Malamang dito mission niyo at pumasok ng portal, hay nako naman self.
"Ms. Smith! Na-miss ko kayo!" magilis na bati ni Lia, magkakilala pala sila.
"I also miss you two, former President and Vice President of Washington High." nakangiting sagot ni Ms. Smith kaya napatingin kami ni Ace kila kuya Aiden.
"Dati kayong Pres and VP?" tanong ko at tumango si kuya Aiden.
"Yes! They are great leader just like you, Jhon Nicolai." si Ms. Smith ang sumagot kaya napatango tango ako.
"He's a School President?" singit ni Fred na nakangiwi.
Tumango si Ms. Smith, "Yes, and automatically in Gift Dimension he'll be the School President there." sagot ni Ms. Smith, hindi naman na sumagot si Fred kaya inaya na kami ni Ms. Smith sa tutuluyan namin.
"Hindi po ba pwedeng sa bahay na lang po namin kami tumira?" tanong ni Ace, mukhang namiss niya bahay nila.
"No, because anytime you'll work on your mission." sagot ni Ms. Smith.
Nagkibit balikat na lang kami ni Ace ay nanahimik na lang. Nagpunta kami sa library, yung old library ng School at saka pumasok doon.
Ginawa na palang stock room to. Pagpasok namin ay dumeretso kami sa gitna. Naglilibot ang paningin ko sa loob ng old library nang biglang bumagsak ang kinatatapakan namin.
"Potaaaaa!" sigaw ko habang naka-upo, pababa lang ng pababa yung inaapakan namin. Sobrang bilis.
Nakapikit lang ako whole time at nang maramdaman kong tumigil ay dahan dahan akong nag-mulat at tumingin sa mga kasama ko na nakatingin sa akin.
Si Ace naman ay natatawa sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Ayos ka lang?" paglapit ni kuya Aiden sa akin.
"O-oo, n-nagulat lang." sagot ko at tinulungan niya akong tumayo.
"Tss." si fred.
Inaya na kami ni Ms. Smith at doon ko lang napagmasdan ang kabuuan ng kwarto, malawak ang kwarto at puro technology ang nandito. Machines and... AI's?
Naglakad papunta sa holographic table si Ms. Smith at pumalibot naman kami roon. Ang astig sobra ng mga nandito, fantasy with science and technology.
Ang daming ginawa ni Ms. Smith at nagpapakita rito ang iba't ibang pictures.
"The orcs, they usually attack at midnights here as a wild animals." pagsisimula ni Ms. Smith at pinakita ang itsura ng Orcs na sinasabi niya.
Mukha silang duwende na mahahaba ang tenga tapos color blue sila and then yung dila nila is abot hanggang sahig, ang creepy nila lalo na yung mga ngipin nila lahat kasi matitilos.
"What are their abilities?" tanong ni kuya Aiden at kita sa kaniya na focus talaga siya rito.
"They are fast and their tongue has acid that can burn anything, masyado rin itong matalim kaya usually they're using their tongue." sagot ni Ms. Smith.
Napatango tango kami at marami pa siyang sinabi katulad ng Cyclops Dwarf, kagaya ni Mino sa kwarto ng legends pero iba ang kulay nito, bluish gray.
They're a fire element at mismong katawan nila ay sobrang init na makakapaso talaga sa kahit na sino.
BINABASA MO ANG
The Chosen [BxB]
Teen FictionThis story will tell the story between two rival school. A war between the 2 school President will they keep their pride when they fall in love with each other or will they accept the mystery will they found with their schools? The secret of their...