Chapter 7 : Gifted

150 9 0
                                    

°°°

Nicolai's POV

"What happened, Mr. Ponce?" Tanong ni Principal Smith.

Nandito kami ngayon sa office niya dahil nakarating sa kaniya ang pag-aaway namin ng bwiset na Dirk yan.

"We're just having misunderstanding, Ms." Saad ko na lang at umiwas ng tingin.

"Is that right, Mr. Cervantes?" Baling naman ni Ms. Smith kay Dirk.

"Yes, Ms."



"Kairita." Asik ko pagkarating sa room.

Sinabihan na lang ako ni Ms. Smith na sana wag nang mauulit iyon, at mabuti na lamang at walang parusa kaso ang kinakatakot ko baka babaan ng hinayupak na yun ang evaluation nila sa school namin.

"Nico..."

Napatingin ako kay Ace na nakatungo, guilty yata si loko kasi siya puno't dulo nito.

"I'm sorry." Anito at napabuntong hininga na lang ako.

"H'wag mo na isipin yun, ang isipin mo ang magiging reaksyon ng jowa mo, goodluck." Nakangisi kong saad at naglakad palabas, wala namang klase ngayon kami at saka excuse naman ako dahil sa pagdating ng mga bisita.

Nagpunta akong field, tutal kanina pa naman nakaalis yung mga nag-evaluate, nakapagpaalam kami ng maayos pero hindi sa mayabang na president ng Davidson.

Nakaupo lang ako sa lapag ng field, hindi naman masyadong mainit ngayon, hindi ko rin alam basta kanina diba naging makulimlim pero hindi naman umulan.

Nakatingin lang ako mga puno sa malayo, tanaw kasi rito yung bundok kaya medyo maganda rin ang view.


"Ah!" Napahiyaw ako ng may biglang tumunog ng napakatinis na ang sakit sa tenga't ulo.

Namilipit ako sa sakit at napatayo hanggang sa nawala ito, kukurap kurap akong napatingin sa paligid, nakakunot ang noo dahil naguguluhan ako kung saan nanggaling yung matinis na tunog na yon.

Naglakad ako paalis ng field, napapatingin pa ako sa paligid kasi parang ng weird, may mga naka-stuck na dust sa hangin pati nga yung ibang dahon.

"Ay!" Nagulat ako ng may mabangga ako, "Sorry-eh?" Naguluhan ako nang makitang hindi nag-react yung estudyante at napansin na lang na hindi ito gumagalaw.

Nakakunot ko itong pinagmasdan, naglalakad siya at may dalang pagkain, galing yatang cafeteria ito.

Napapakamot ako sa ulo, anong meron? Napatingin ako sa paligid at napa-hakbang paatras nang makitang lahat sila naka-hinto, parang naka freeze yung time.

"Ahhhhhh!"

Napatingin ako sa direksyon nung sumigaw at nakita ko si Anna, naka-upo sa sahig at napapatingin siya sa paligid niya, teka? Bakit kami lang ang nakaka-galaw?

Kaagad akong nanakbo palapit sa kaniya, bakas sa mukha niya ang pagkalito at takot.

"Anna!" Tawag ko sa kaniya at agad naman siyang napatingin sa akin.

"P-pres!" Tawag niya at agad na tumayo't lumapit sa akin, "Anong nangyayari?" Tanong niya habang nililibot ang tingin sa paligid.

Umiling ako, "Hindi ko rin alam eh, basta kanina may matinis na tunog ang narinig ko sa field and then ganito na siya." Sagot ko sa kaniya at napatingin naman siya sa akin.

"You heard it too?" Tanong niya na ikinataas ng kilay ko saka tumango.

Napa-isip kami pareho, anong nangyayari sa school? Pinagti tripan ba kami? Pero hindi! Paano mangyayari yun eh hindi mga humihinga ang mga tao rito ngayon.

"Please, proceed to the gymnasium."

Bigla kaming nagkatinginan ni Anna nang magsalita ang nasa speaker.

"May iba pa bang nakakagalaw bukod sa atin?" Tanong niya at nagkibit balikat ako.

"It looks like, let's go para malaman natin." Sabi ko at sumang ayon naman siya.

Mabilis kaming nanakbo papuntang gymnasium ng school, pagpasok ko nakita ko ron si Asher kasama niya si Tricia, nakakagalaw sila.

"Pres!" Tawag ni Tricia at lumapit naman silang dalawa sa amin.

"Anong nangyayari? Bakit tayo lang nakakagalaw?" Takhang tanong ni Asher sa amin na hindi rin namin nasagot ni Anna.

"Guys!" May sumigaw sa likuran namin at nakita namin si Faye na nakangiti habang papalapit kasama niya si Ace, at yung iba pa.

At isa lang ang napansin ko.

"Bakit parang tayong mga officers lang ang nakakagalaw?" Tanong ko at nagkatinginan naman kaming lahat.

"Malalaman niyo latur! Exciting itu!" Saad ni Faye at mukhang may alam siya.

"May alam ka rito, Faye?" Tanong ko sa kaniya at nakangiti naman siyang tumango.

"So anong meron?" Tanong ni Asher.

Ngumiti si Faye at nagbato siya bigla ng dust na color gold, nagkatinginan kaming lahat at napunta sa kaniya ang atensyon namin.

"Ano naman yun?" Tanong ni Anna ay napasimangot naman si Faye.

"Hay nako ang slow niyo naman." Anito at saka naglakad papuntang stage, sinundan lang namin siya ng tingin.

Pinanood namin ang ginagawa niya at kinuha niya ang isang teddy bear sa bag niyang dala, inilagay niya sa lapag iyon at tumayo siya. Nakangiti niyang binudburan ng gold dust yung teddy bear.

Saan galing yung dust?

"Shit!"

"Oh my god!"

"Pota!"

Sari sari kaming reaksyon ng biglang tumayo yung teddy bear at kumaway sa amin, si Faye naman ay tuwang tuwang pinapanood yung teddy bear.

"What the fuck is that?" Tanong ni Asher at mukhang natakot siya.

"Teddy bear?... Pero buhay na siya! Diba ang cute???" Tanong ni Faye at mga nakangiwi kami sa kaniya at mukhang napansin niya yun, pumitik siya sa hangin at bigla na lang natumba yung teddy bear na parang wala ng buhay.

Gumalaw ang kamay ni Faye na may gold dust na lumalabas tapos papunta yung sa teddy bear na lumulutang na sa ere, lahat kami mga nakatanga at yung iba ay natatakot pero ako ay nakatulala.

Nang mawala yung teddy bear ay bumaba ng stage si Faye at nakangiting lumapit sa amin pero napatigil siya nang mapa-atras kami.

Natawa siya, "Relax! H'wag kayo matakot, hindi lang naman ako ang hindi normal dito." Aniya at nagkibit balikat.

"Sino?" Tanong ni Tricia.

"Kayo."

Napatanga kami sa kaniya nang sabihin niya iyon, napakunot ang noo ko, hindi kaya ay pinaglololoko kami ni Faye? Kasabwat ang mga estudyante?

"Wow! Naging scammer pa ako." Saad ni Faye na nakatingin sa akin.

Nagulat ako, "N-nabasa mo?" Tanong ko sa kaniya pero umiling siya.

"Nope, narinig ko, actually lahat kayo naririnig ko isip niyo at ang ingay, sakit sa head my god!" Ani Faye at nakahawak pa sa ulo niya.

"Teka! Teka! Sino ka ba-i mean ano ka?" Singit ni Ace na ikinangiti ni Faye.

"Nice question! I'm a Fairy!"

°°°

The Chosen [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon