Chapter 23 : Visitor

81 6 0
                                    

°°°

Jhon's POV

Nagising ako ng kulay puti ang nakikita. Napakunot ang noo ko dahil wala akong naaalala bago ako makatulog. Inilibot ko yung mata ko at nakakita ng machine sa tabi.

Nasa hospital ba ako?

"Mabuti naman at gising ka na."

Napabaling ako sa nag-salita, si Ace kakapasok lng ng kwarto. Teka nasa Washington High ako diba? Edi baka nasa clinic ako pero bakit?

"Kumusta pakiramdam mo?" tanong niya at na-upo sa bangko na sa tabi ng kamang kinahihigaan ko.

May dala pa siyang prutas na inilagay niya sa lamesa na nasa kabilang tabi ng kama.

"Anong nangyari?" mahina kong tanong, iniisip parin ang nangyari bago ako napunta rito.

"Hindi mo ba naaalala?" tanong niya at umiling ako, bumuntong hininga siya, "You lose control to your power, according to Ms. Smith kaya siguro wala kang naaalala, you need some proper training." sagot niya.

Sasagot na sana ako ng bumukas ang pinto at pumasok doon si Lia. May ngiti siya sa labi nang makapasok siya kasama niya sa likuran si kuya Aiden.

"Kumusta pakiramdam mo?" tanong ni kuya Aiden pagkalapit.

Nang tumingin ako kay Lia ay biglang pumasok sa isip ko ang buong pangyayari bago ako mawalan ng ulirat. Naalala ko na may isang lalaking lumitaw sa harapan ko at dinala ako sa liwanag.

Sobrang liwanag at tanging kami na lang dalawa ang naandon, nakangiti siya sa akin. He has that handsome face tapos mukhang kasing edad lang siya ni kuya Aiden.

Naalala ko rin na kinausap niya ako, may mga sinasabi siya na hindi ko maalala ang kahit na ano ang sinabi niya, basta ang tumatak lang sa isipan ko ang huling sinabi niya bago ako nakatulog.

"You're the chosen one, child."

"Jhon..."

"jhon..."

"Jhon!"

Nabalik ako sa ulirat at sobrang hingal na hingal na tumingin sa kanila. Marami na pala sila rito pero ang nakaagaw ng pansin ko ay ang tumawag ng pangalan ko kaya napabaling ako sa kaniya.

"Dirk..."

"Anong nangyari?" tanong niya, hindi ko alam pero naguguluhan ako dahil may paga-alala sa boses niya ang naririnig ko.

"Ha?" takhang tanong ko sabay tingin sa iba na ganoon din, mukha silang nag-aalala.

"What the fuck, Jhon?" asik na naman ni Dirk na ikinagulat ko.

"Bakit ka ba nagmumura?" sinamaan ko siya ng tingin na ikinatigil niya, kumurap kurap pa siya bago tumingin sa iba na nakatingin din sa kaniya.

Napansin ko si Ace at Jacq n nagpipigil ng tawa, habang ako ay naguguluhan bakit nandito sila, kanina tatlo palang sila eh?

"Ano ba talagang nangyari? Kanina nag uusap lang tayo Ace diba? Tatlo palang kayo kanina." kakamot kamot kong tanong kay Ace at napabaling na ulit sila sa akin, mukhang sila ay nagtataka.

"Bigla ka na lang natulala tapos naging parang ulap yang mata mo, makulimlim na ulap." sagot ni Ace na ikinapagtaka ko.

"Kanina ka pa namin kinakausap pero wala ka sa ulirat, it looks like you're not in your body." sagot naman ni kuya Aiden.

"At bigla naman dumating to sila at ohh eksenang eksena si kuya mo Dirk akala mo may anak na namatay." sagot naman ni Ace at natawa naman si Jacq habang si Dirk ay sinamaan siya ng tingin.

"Pero di niyo napansin nung si Dirk yun tumawag biglang nagising sa day dreaming to si Jhon." sabat ni Jacq.

Nagkatinginan kami ni Dirk at parehas na nag-iwas ng tingin, naramdaman ko ang init na napunta sa pisngi ko.

"Oo nga no? Meant to be yata!" gatong ni Ace.

"Hala namumula si Jhon ohh!" gatong naman ni Faye, oo nandito sila Faye, Blue at Zach.

"Pres ikaw ha!" singit naman ni Blue.

"Hoy Dick bata pa tong si Nicnic ha!" sabat naman ni kuya Aiden.

Nangiwi si Dirk, "It's Dirk not Dick, so gross." sabi ni Dirk.

"Okay jerk."

"Damn."

Nagtawanan silang lahat pero ako nakatingin lang kay Dirk na masama ng tingin kay kuya Aiden.

"Bakit pala nandito sila?" tanong ko na ikinatigil ng tawanan nila.

"Parang ayaw mo kami rito ah? Sige alis na lang kami." sabi ni Jacq na akala mo'y pinagkaitan ng langit at lupa at natawa naman si Ace.

"Nukajan, Babe O.A ha." saad ni Ace at natawa na rin si Jacq.

"Oo nga, diba Davson kayo?" singit ni Zach.

Naiwas naman ng tingin si Dirk, tinitigan ko siya at mukhang walang balak sumagot, namumula pa ang tenga niya kaya tumingin ako kay Jacq.

"Hays mahiyaing tanga." ani Jacq at inirapan pa si Dirk, "Gusto ka raw niya madalaw kasi nalaman namin kay Ace nangyari sayo." saad ni Jacq kaya napatingin ako ulit kay Dirk.

"Yun lang pala ayaw pa mag-salita, pabebe." sabi ko at nginiwian si Dirk.

"Ikaw na nga dinalaw di ka pa nagpasalamat." asik ni Dirk at inirapan ako kaya napa-ayos ako ng upo sa kinahihigaan ko.

"Aba ikaw na nga ang dumalaw may lakas ng loob ka pa mang-away! Hoy wala ka sa Davidson tadyakan kita diyan!" bulyaw ko sa kaniya at sa gulat niya ay humawak siya sa bewang niya at tumingin sa akin na nandidilat ang mata.

"Can't you just be thankful that we visited you? At least appreciate us even though we're Davson, we still come here just to visit you!" sigaw niya kaya napaawang ang labi ko.

"Aba naninigaw ka pa eh kung kidlatan kita diyan?" nakataas ang kilay kong tanong at napaismid naman siya ng maglabas ako ng kidlat.

"Baka ikaw ang sunugin ko!?" sabi niya at nagpalabas nmn ng itim na apoy sa kamay.

Nanggigigil kaming dalawa at magkatitigan na magkatitigan, magkalapit pa ang mukha naman dahil sa gigil.

"Aww!" sabay naming daing nang magkauntugan kami dahil may bumatok sa amin.

"Para kayong mga tanga, ikaw Davson guy balik na sa school niyo! At ikaw naman Nicnic magpahinga ka pa, hindi pa sapat ang apat na araw kang tulog." sermon sa amin ni kuya Aiden na ikinatigil ko.

"What? Apat na araw akong tulog?"

°°°

The Chosen [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon