Chapter 26 : Hot Headed

84 8 0
                                    

°°°

Jhon's POV

"Sige po ma, may kailangan na po kaming gawin ni kuya Aiden." paalam ko kay mama pagkatapos namin kumain.

Dito na kasi kami pinakain ni mama, dahil nga sa nasa trabaho si papa at siya lang mag isa.

"Oh sige mag-ingat kayo sa kung anong gagawin niyo, alam ba ng school mo yan, Nicnic?" tanong ni mama sa akin habang naghuhugas siya ng pinagkainan.

"Si principal nga nagbigay ng gawain eh." natatawa kong sagot.

"Siguraduhin mo lang." saad ni mama kaya napangiwi na lang ako.

"Sige po tita, kumusta niyo na lang po ko kay tito." paalam naman ni kuya Aiden at sumagot na lamang si mama.

Nakaupo lang sa balikat ko si Ferry. Kilala pala siya ni kuya Aiden. Nagtalo pa nga sila kanina kasi iniwan daw ni Ferry si Erwin, yung Solter ni kuya Aiden. Merman daw ito eh.

Habang naglalakad papuntang school ay nakasalubong namin sila Dirk.

"Jhon!" tawag sa akin ni Jacq kaya napangiti ako.

Kasama nila yung babaeng technology manipulator. At nakalingkis na naman yung Hannah kay Dirk.

"Jacq! San kayo galing?" tanong ko pagkatapos naming mag-yakap.

"Sa Davidson High, papunta kami ngayong mall eh, gusto raw mamasyal nitong si Hannah." sagot ni Jacq at tinuro si Hannah.

Ngumiti ng peke si Hannah at maarteng kumaway pa sa akin kaya tinanguan ko lang siya at hindi na pinansin.

"Oo nga pala, this is Ayessa, electr—" hindi ko na pinatapos si Jacq.

"Alam ko na, sinabi sa akin ni Lia." nakangiti kong saad at tiningnan si Ayessa.

"Oh si couz, nice to meet you Jhon." nakangiting nag abot ng kamay si Ayessa na masaya ko naman tinanggap yon.

Napapansin ko ang tingin ni Dirk pero di ko pinapansin, naaasiwa ako sa paglilingkisan nilang dalawa.

"Eh kayo saan ba pupunta?" tanong ni Jacq.

"Ah sa Washington High, kakagaling lang namin ni Kuya—" nabitin ang sasabihin ko nang makita si kuya Aiden na kausap na pala sa di kalayuan si Fred, hindi ko man lang naramdaman o napansin na umalis siya, "Hindi man lang nagsabi, anyway kakagaling nga lang namin sa bahay." sagot ko.

"Sino yun?" tanong ni Ayessa at itinuro si Fred.

"Ah si Fred! Successor of Sol, God of Sun." nakangiti kong sagot at nakita ko ang pag titig ni Ayessa.

"He's cute." naiusal ni Ayessa kaya napalatak ako na ikinatingin nila sa akin.

"Bakit?" tanong ko.

"Bakit ka tumawa?" tanong naman ni Ayessa habang nakatingin kila kuya Aiden na papalapit sa amin, masama na nmn ang timpla ng mukha ni Fred.

"You'll see." saad ko at hinintay na makalapit sila kuya Aiden.

"Nagpapasama si Fred, gusto niya raw bumili." saad ni kuya Aiden kaya napataas dalawa kong kilay kay Fred na nakasimangot sa akin.

"May mga kasama naman siya hindi na natin siya kailangan isama, para lang tayong nagsama ng bata." saad ni Fred kaya napangiwi ako sabay sulayp kila Ayessa.

Ngumiti ako kila Ayessa saka humarap kay Fred, "As if naman kasi na sasamahan kita." ismid ko sa kaniya.

"That's the point, matagal na akong hindi nakakabalik dito di ko na kabisado ang syudad." saad naman ni kuya Aiden kaya napabuntong hininga ako, si Fred ay umirap lang sa akin.

The Chosen [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon