Chapter 36: His Sweet Side

174 6 11
                                    

°°°

Nicolai's PoV

"Di ka pa rin ba nakaka-move on?" tanong ko kay Ace habang naglalakad kami rito sa labas ng campus.

Nag-aya kasi bigla iton si Ace pagkatapos ng laban, tutal bukas pa naman matutuloy ang battle. Ako na nga pala ang lalaban bukas, hays sana naman hindi ako pumalpak ano?

"I didn't expect that, really." anito at napanguso pa.

Tinutukoy niya ang nangyari kay Barbie, marami ang nagulat sa nangyari. May mga nagalit pa nga kay Ace dahil daw ito ang dahilan bakit namatay si Barbie.

"Hayaan mo na, hindi mo naman kasalanan yun." pampalubag loob ko sa kaniya, "Bakit ka nga pala nag-aya bigla?" tanong ko sa kaniya.

Ngumiti naman siya, "Inaya ako ni Jacq eh celebration daw, nasabi ko kasi yung panalo ko." sagot nito.

"Basta ba libre niyo eh." aniko at natawa naman siya.

"Bakit, Nic? Naghihirap ka na ba?" tanong niya at inakbayan pa ako.

"Ulol, nasa dorm lang yung pera ko." saad ko na ikinatawa niya.



"Jhon!!!"

Napatingin kami sa isang restaurant nang may sumigaw sa pangalan ko, nandon si Jacq sa pintuan at malaki ang ngiting kumakaway sa amin.

"Grabe, si Nic talaga ang binati mo imbes na ako." reklamo ni Ace at parang batang nag-crossed arm sa harap ng dibdib nito.

"Ang pabebe mo." saad ko at natatawang lumapit kay Jacq, "Libre mo?" malaki ang ngiting tanong ko.

"Siya libre ko." tinuro ni Jacq si Ace kaya napasimangot ako, "Pero si Dirk ang manlilibre sayo." dugtong ni Jacq kaya napa-iwas ako nang tingin.

Bigla ba naman bumilis tibok ng puso ko dahil sa pagbanggit niya ng pangalan ni Calyx.

"Aren't you all going to sit?"

Sabay sabay kaming napatingin sa likuran namin at nakita si Calyx na nakatayo roon at naka-pamulsa pa.

"Oo nga, nakaharang pa tayo rito." natatawang saad ni Jacq at nagpunta na kami sa table na inuupuan nila kanina.

"Hi." nakangiting bati ni Calyx sa akin na ikinabigla ko.

Ano ba namang sarili to ang bilis bilis magulat. Kakakape ko to eh.

"H-hi." nakangiti kong bati pabalik.


Napaiwas ako nang tingin at nahiya bigla dahil ipinang-urong pa niya ako ng upuan para maka-upo ako.

"Thanks." aniko at naupo na.

"Lalandi oh." dinig kong saad ni Jacq kaya sinamaan ko siya nang tingin.


...



"Huy kayo na um-order! Ngayon lang ako nakapasok dito!" biglang sabat ni Ace, hindi ko alam kung matatawa ako dahil sa sinabi niya o sa paglilibot niya nang tingin sa paligid kasi para kaming nasa loob ng kastilyo.

"Ay paano ba um-order dito, Dirk?" natatawang saad ni Jacq na tinawanan ko rin.

"It's also my first time here." kibit balikat na sagot ni Calyx.

Lahat sila napatingin sa akin. Napataas kilay ako, hello! Ngangayon lang din ako nakapunta rito! Pero dahil medyo hyper ako ngayon...


"Lemme try, lemme try!" natatawa kong sabi, hindi ko alam kung anong meron sa akin ngayon pero parang ang hyper ko bigla.

The Chosen [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon