Chapter 8 : My Gift(?)

105 8 0
                                    

°°°

Nicolai's POV

"Ehh????" Sabay sabay na reaksyon namin.

"Hello, Officers! I would like to inform you that 2 months from now is the beginning of the School War, not literally but a battle/competition of different school."

Napatingin ulit kami sa malaking speaker sa bawat sulok ng gymnasium.

"What do you mean? And what's happening??" Ako ang nagtanong.

"You as the gifted child will have a proper class and training for you to show your true identity, powers and ability, starting from now you will attend the class everyday, don't worry about the regular subjects of yours because you all are already passed since you became an officer, but for now, rest and be ready."

Pagkatapos ng sinabi ay parang nag-static yung speaker at biglang umingay sa labas, it means bumalik na muli ang daloy ng oras.

"Faye, explain!"

"Naguguluhan ako huhu!"

"Fayeee!"

Samu't saring reaksyon ang natanggap ni Faye mula sa mga kasama namin, ako naman ay tahimik lang na nakaupo.

Kanina pa kami rito sa meeting room, puro tanong ang ibinabato nila kay Faye na kulang na lang ay sumabog na sa irita.

"Wait! Wait! Teka! Isa isa lang pwede??? Sumasakit ulo ko sa inyo! Isa isa lang." Sigaw ni Faye at natigil naman sila.

"Umpisahan mo sa Gifted." Ako ang nagsalita at huminga muna ng malalim si Faye.

"Okay... Ang Gifted ay ang tawag sa mga taong may kakaibang ability, it could be elemental, magic, spell, and enhanced senses. Katulad ko, nabibilang ako a may spell pwede rin ang magic kasi fairy ako, may mga Gifted na may kakaibang kakayahan, pwede silang shape-shifter, natural part of body that came from an animal or mythical creatures.

Ang school natin ay hindi basta basta, actually lahat ng school dito sa lugar natin, mapapabilang ka lang sa Officers if you're gifted, hindi ko nga lang alam kung ganoon din ang ibang schools kung paano nila kokolektahin ang mga gifted students nila.

Kaya rin nag-evaluate ang mga students rito from differents schools is they'll examine the school if it's safe to put a gifted student on that school." Mahabang saad ni Faye.

"Pero bakit kailangan?" Tanong ni Asher.

"Hindi ko alam masyado pero ang sabi kasi ng parents ko maaari raw kasing ngayong generation natin mangyari ang prophecy." Sagot ni Faye.

"Prophecy? About what?" Takhang tanong ko.

"About the chosen two gifted." Sagot niya at tumingin kami sa kaniya nang masinsinan, naghihintay ng sagot pa, "I don't have enough information about that-teka bakit parang clueless kayo? Hindi ba sinabi ng parents niyo?" Tanong niya sa amin.

"Ha? May sinasabi si Mama about magic daw pero di ko pinapansin kasi nasa mental hospital siya, kung ano ano kasi sinasabi na hindi namin maintindihan, and she also handed me a book, eto lagi kong dala sabi kasi ni mama wag ko raw iiwan." Saad naman ni Anna.

Nakita namin ang kakaibang libro, para siyang may ugat ugat sa book cover niya, kakaiba yung sulat parang baybayin? I don't really understand lalo na't hindi naman na ginagamit ang baybayin sa panahon ngayon.


"The book of Gifted." Saad ni Faye at kinuha ang libro.

"What about it?" Tanong naman ni Tricia.

The Chosen [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon