Chapter 32 : Election pt.1

85 4 3
                                    



Nicolai's POV


"May position ka na bang naisip na salihan?" 

"I'm aiming for the Ace position." sagot ko kay Ace.


Nandito kami ngayon sa cafeteria nila Ace kumakain, mamaya pa naman yung start ng election eh. Everyone is so busy with their training kaya makonti lang kami rito sa cafeteria. Eto namang kasama ko ay sapat na raw yung knowledge niya at kaunting training magmula pa sa umpisa naming pasok dito.

Makikita mong halos lahat na nandito sa cafeteria ay mga premium dahil hindi pa pala sila allowed na sumali sa election, why? kasi hindi pa nila kayang kontrolin ang mga gifts nila.


"Sa Jack ako, syempre I want to be judge ba, alam mo na kasama na roon na ako ang hahatol hehe." nakangising saad ni Ace kaya napakunot ang noo ko.

"Sasali ka dahil don?" tanong ko sa kaniya, baka puro pa kalokohan ang gawin niya sa student council.

"Joke lang, hindi naman kasi ako bagay sa King at mas lalong sa Queen, ayaw ko naman makalaban ka." aniya kaya napangiti ako bago pa man lang uminnom sa fruitie.

"Ingat ka na lang, dahil sa dadating na Royal Election which is the School War ay paniguradong si Natan ang makakalaban mo." aniko at mukha naman siyang kinabahan sa sinabi ko.

"Hala oo nga no? Hays, sana h'wag na siya sumali." nakanguso niyang sambit na ikinatawa ko.


"Everyone please proceed to the arena, the election will about to begin." 


Halos lahat kami ay napatigil sa pagkain nang may mag-announce sa speaker. Kaagad naming tinapos ni Ace ang pagkain at sabay na lumabas ng cafeteria. Pagkalabas palang namin sa cafeteria ay nakita na namin angmga galang estudyante, para na rin kasing naging intrams ang ganap, walang klase ng ilang araw dahil sa election na magaganap. Sa unang araw ay election for Jack, sa susunod ay Ace tapos sunod ang Queen at pang huli ay King. Hindi ko alam kung may lalaban pa sa Queen at King dahil kasali roon ang dalawa sa Legend rank.

Pagkarating namin sa arena ay mas maraming estudyante ang nandito, mga nakaupo na sa bleachers ang karamihan sa premium rank section. Ang ibang audience rito ay yung mga sasali sa ibang position kagaya ko.


"Oh diyan ka na ha? Good luck sa laban mo! Ingat na rin." paalam ko kay Ace pagkapasok namin.

"Sige sige punta na ako sa may mga contestant." sambit ni Ace at tinapik pa muna yung balikat ko bago nakangiting umalis.


Mukhang excited pa si mokong. Naiiling akong naglakad paputa sa pwesto nila kuya Aiden, nakita ko kasi sila ni Lia sa di kalayuan sa pwesto ko. 


"Nico!" napatingin ako sa kumakaway sa akin at nakita ko sila Faye roon, kumaway ako pabalik.

"Hi! Kumusta na kayo?" tanong ko pagkalapit ko, sumenyas naman ako kay kuya Aiden na makikipag usap lang muna ako.

"Heto, medyo napapalakas na namin ang mga kapangyarihan namin." nakangiting sagot ni Faye kaya napangiti rin ako.

"Elite rank section na ako!" masayang sambit naman nitong isang lalaki.


Napakunot ang noo ko kasi familiar siya sa akin. Nagtawanan naman sila nang makita ang pagkalito sa mukha ko habang nakatingin sa lalaking nakatayo. Kasing tangkad ko lang siya at naka brush up ang buhok niya revealing his well formed eyebrows na sobrang bagay na bagay sa kaniya.


"Si Niel yan!" natatawang sambit ni Mica kaya napaawang ang labi ko.

"Totoo?" gulat kong tanong at tinitigan mabuti si NIel, grabe yung pagbabago niya. Nerd pa siya nung huling kita ko eh.

"Yep! Nabu-bully kasi siya eh kaya ayan pinilit namig mag-ayos ng sarili and it turns out better." sambit ni Faye kaya napangiti ako at nag thumbs up kay Niel na namumula pa dahil sa hiya.

"Wait, di niyo kasama si Zach?" tanong ko habang palinga linga.

"Kasali siya sa election. Siya lang yung may lakas ng loob sa aming sumali sa election na to." sagot ni Niel.

"Hoy kasali ako sa Ace no!" protesta naman ni Faye na ikinatawa nila.

"Sa Ace rin ako." saad ko na ikinatigil nila lalo na si Faye.

"Wala munang president president dito ha?" natatawangg sambit ni Faye na ikinatawa ko.

"Friendly fight lang, di pa ako masyadong ano sa gift ko." sambit ko.

"May chance pa pala akong manalo sayo." nakangising sambit ni Faye at napalatak naman si Mica.

"H'wag mo na lang masyadong gagalitin si Nico. Baka nakakalimutan mo nangyari last time." sambit nito na ikinatigil ni Faye maging ako.

Ang tinutukoy niya ay yung nag-laban kami ni Lia noon, "Ahh doon na ako kila kuya Aiden ha? Malapit na rin kasi mag-simula yung  election."  nakangiti kong paalam sa kanila at nakangiti naman silang nagpaalam sa akin.


Naglakad ako palapit kila kuya Aiden, narinig ko pang medyo nagsisihan pa sila dahil sa pag-bring up ng topic na iniiwasan kong dahil nag-guilty ako sa ginawa ko noon. Pagka-upo ko sa tabi ni kuya Aiden ay binati niya lang ako at ni Lia, seryoso silang nakatanaw sa gitna ng arena kung saan maglalaban ang mga kasali.

Balita ko nga ay sampu lang ang kasali sa Jack, dalawa roon ay si Ace at Zach. Siguradong magkakatapat yung dalawa dahil hindi rin naman biro ang gift ng dalawang yon. 


"Now, let's call the players!"


Nagsalita ang isang lalaking biglang lumitaw sa gitna ng arena. Sigurado akong isa siya sa teacher dito dahil na rin sa presence niya. Nagsilabasan ang mga players na tinutukoy niya, puro tilian ang mga babae na nandito sa arena dahil halos lahat ng player ay lalaki at lahat ito'y may mga itsura. Wagas pa ang pag-ngiti ni Ace at kumakaway pa na akala mo'y isa siyang artista.

May nag-iisang babae roon, napangiwi pa ako dahil sa buhok niyang blonde na hanggang dibdib niya. Sobrang straight non na akala mo bagong rebond tapos ang suot pa niya ay naglalaro lang sa dalawang kulay, pink at white.


"Mukhang hindi makabasag pinggan yung babae kuya." bulong ko sa katabi ko at narinig kong natawa siya.

"Si Barbie. Wait mo lang, isa siya sa top 2 diyan." sambit ni kuya Aiden kaya napatingin ako sa kaniya.

"You sounds so sure." naniningkit ang mata kong sambit at tumingin naman siya sa akin.

"She's my classmate when I was in rare rank section. She looks innocent but dangerous. Always remember this Nicnic, looks can be deceiving." 


The Chosen [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon