Chapter 13 : First Bully

59 6 0
                                    

[a/n : i'll use the update codename of the characters na:)]

°°°

Jhon's POV

Napamulat ako mula sa pagkakatulog nang biglang may magsalita sa speaker. Hindi ko naman alam na may announcement speaker pala rito sa dorm.

Umayos agad ako ng tayo dahil kailangan na naming pumunta ng hall. May banyo nga pala yung kwarto rito kaya di hassle, diretso agad ako sa banyo at good thing na lahat ng needs nandito na.

Pagkalabas ng kwarto ko ay nakasuot na ako ng black skinny jeans at isang black shirt, tapos nagsapatos na rin ako ng black.

Oo majority sa gamit ko rito ay black, it looks like that nakabase siya sa I.D lace ko kasi nung tiningnan ko yung kwarto ni Ace may kaunting shade of color yung kaniya pero majority ay silver, natural na may ibang color kasi ang metal ay may iba'y ibang kulay iyan.

"Saan ba yung hall?" Tanong namin ni Ace kila Blue pagkalabas ng dorm room.

"Alam ni Jace, let's go!" Masiglang lumabas si Zach sa kwarto niya at lumabas din ang isang lalaki na mukhang bad boy pa pero malamig sa tenga ang boses.

Tiningnan ko ang I.D lace niya at color Aquamarine ito, maybe may kinalaman sa tubig yung kaniya.

Pagkarating namin sa hall ay grabe sa laki nito, sobrang dami ring students at yung iba ay makikita mong matatapang ang expression nila, yung iba ay may mga sariling mundo at yung iba naman ay parang walang pake.

"Tara na! Nakaka-excite!" Sigaw na naman ni Zach na ikinailing ko lang.

Pero bago pa man ako makahakbang papasok ay may tumabig sa akin kaya natumba ako, lahat ng nakakita ay napatigil at napatingin sa akin.

Napadaing ako sa sakit ng pag bagsak ko.

"Oy Nico, ayos ka lang?" Tanong ni Ace pagkalapit sa akin.

"Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan." Saad ng nakabangga sa akin kaya tiningnan ko siya.

Gwapo at malaki siya, matangkad I mean. Kulay dilaw ang buhok niya na kapares ng I.D lace niya na kasing dilaw ng araw, maybe his gift is Sun Manipulating.

"Ikaw na nga itong nakabangga ikaw ba ang nanisi." Saad ko naman at tumayo saka pinagpagan ang sarili.

Nakita at narinig ko naman napasinghap yung ibang mga students na nakapanood sa amin, lumapit sa akin si Zach, Blue at Niel kasama na si Jace na mukhang kinakabahan.

"Ang lakas ng loob mong sagutin ako ah? Bakit sino ka ba?" Maangas na tanong niya at tumingin sa I.D ko, more specifically sa lace ko, "Unknown gifted, or baka hindi ka talaga gifted." Nakangisi niyang saad at dahan dahang lumapit sa akin.

Bigla naman akong kinabahan at napa-atras sa kaniya, nakakatakot ang itsura niya kahit na may dating at gwapo siya.

"Transferee ka diba? Papalagpasin ko to dahil hindi mo pa ako kilala, kung hindi nalintikan ka sa akin." Sabi niya at nakangising tumalikod, napakayabang nga naman.

Nag-init ang ulo ko, being the school president at mukhang nadala ko hanggang dito iyon ay hindi ako pumapayag na may nambu-bully.

"Bakit hindi mo ipakita yang pagbabanta mo?" Hamon ko sa kaniya na nakapagpasinghap sa lahat.

"Zach..." Narinig ko ang boses ni Jace, mukhang kinabahan ito.

"Pres, tara na." Bulong ni Zach, napatingin ako rito at nakatingin din sa akin si Jace na nakakunot ang noo.

"Kilala niyo ako—" hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng matumba na naman ako, this time ramdam ko ang sobrang sakit sa katawan.

Napatingin ako sa lalaking yellow ang buhok na masama ang tingin sa akin, doon ko napansin na may kasama pala siya, dalawa ito yung isa may I.D lace na kulay puti na parang buwan tapos yung isa naman ay dark red.

Itinayo ako nung dalawang kasama niya at pinaharap sa kaniya.

"Nico!" Tawag ni Ace at balak lumapit sa akin pero pinipigilan siya nila Zach, mas mabuti na yun baka madamay pa siya.

"No, Ace baka madamay ka." Pigil ni Zach sa nagpupumiglas na si Ace.

Nabaling ang atensyon ko sa lalaking may yellow ang buhok. Napatingin ako sa I.D niya at napag-alaman na Fred ang pangalan niya.

"Ang lakas ng loob mo para sa maliit mong katawan, humahanap ka ba ng way para maka-alis dito? Ha! Pwes walang makakaalis dito! Matitikman mo ang init ng galit ko!" Anito at nanlilisik ang mata niya sa akin.

Napapapikit naman ako sa sigaw niya, hindi maipagkaka-ila kasi na nakakatakot talaga siya, ano ba yan! First time ko rito tapos nakahanap agad ako ng gulo, nakalimutan ko kasi na sa paaralang ito hindi ako ang school president.

"Tama na yan! Mag-sitigil kayo at pumasok sa loob!" Sigaw ng isang babae na ikinatigil nilang lahat.

Kaagad naman akong natumba nung binitawan ako nung dalawang kasama nitong Fred. Tinginan ako nitong Fred at pinandilatan ako.

"Hindi pa tayo tapos..." Tumingin siya sa I.D ko, "...Jhon." aniya at kaagad na umalis, para namang dagat na nahawi ang mga nanonood at si Fred si Moses.

Kaagad akong nilapitan ni Ace at tinanong kung okay ako, saka ko lang nalaman na inihagis pala ako nung Fred na iyon.

"Nako, delikado po iyong taong yun." Singit ni Jace sa amin.

"That's why you need to avoid him."

May babaeng lumapit sa amin, napatingin ako sa kaniya at napansin ko ang kagandahan niya, color yellow rin ang buhok niya kagaya ni Fred.

"I'm Trina." Pagpapakilala nito at pinakita ang I.D niya at kagaya ng buhok niya, same rin sa lace niya, "Fred is my twin brother, sakit sa ulo talaga yun." Natatawang sabi ni Trina.

Napangiti naman ako, dahil sa kabila ng kagaspangan ng ugali ng kakambal niya eto namang kaibigan niya salungat sa ugali non.

"Sun manipulator?" Tanong ni Blue na tinanguan ni Trina.

"Yes! But my gift is just 50% same as Fred, mas malakas ang gift namin kapag magkasama kami." Sagot niya at napatango tango kami.

"Pero bakit kanina para lang papel na inihagis niya best friend ko?" Nakakunot at simangot ang mukha ni Ace na nagtanong, naka-akbay sa akin si Ace at pangita sa kaniya ang pagka-badtrip.

"Normal physical strength niya yun eh." Nakangiwing sagot ni Trina.

"Yan yung sinasabi ko po na delikado siya." Singit na naman ni Jace.

"Wait teka, sino yung hinagis niya?" Tanong ni Trina at itinuro ako nila Blue, naiiling namang lumapit sa akin si Trina at hinawakan ako sa braso, I felt something heat coming from her hand and slowly my body feels warm.

"Anong ginawa mo?" Tanong ni Ace.

"Pinagaling ko siya, kasama sa gift namin yun diba nga nakakakuha tayo ng energy sa araw?" Ani Trina at namangha naman kami, "Oh siya tara na tayo na lang natitira rito sa labas." Natatawang sabi ni Trina at totoo nga nakapasok na pala lahat sa loob.

°°°

The Chosen [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon