Nicolai's POV
"This election has only one way to win the game and that is 'Make your opponent surrender'!"
Announce ng teacher na nag-bigay ingay sa buong arena. Napangisi pa ang katabi kong si kuya Aiden dahil sa in-announce. Tumingin ako sa mga players at lahat ng lalaki ay nakangisi na pawang mga excited sa gaganaping election. Yung Barbie na tinutukoy ni kuya Aiden ay seryoso lang na nakatingin as harapan.
May lumabas na holographic screen sa gitna ng arena, pinapakita roon ang mga picture ng mga players.
"The screen will decide who will be the first to fight. Are you ready, players!?" tanong ng announcer sa players at sumagot naman ang lahat ng players, "Let's see who will be the first two players." saad ng announcer at lahat kami ay tumutok sa sceen, biglang nag-shuffle ang mga pictures nila.
Walang nagsalita sa audience at lahat ay nakatutok sa kung sino ang unang masasalang sa laban. Maya maya ay nagsigawan na ang lahat dahil sa may napili na.
"Jordan Cruz, Rare rank section A versus Brylle Caraguin, Rare rank Section A too! Wow, classmates fight, will they take this battle seriously or they will fight as if they don't know each other? Let's see! Please step forward you two and tell about us about your gift." mahabang litanya ng announcer at parehas na naglakad papunta sa announcer ang dalawang napili ng screen.
Pinagmasdan ko yung dalawa at yung Jordan ay masasabi kong siga, dahil sa datingan at kung paano siya tumingin. Tuwang tuwa pa siya dahil sa mukhang mahina pa yung kaklase niya na makakalaban din niya.
"I'm Brylle Caraguin, I'm a witch." pakilala nung Brylle at narinig naming lahat ang pag-tawa nung Jordan.
"Nagpakilala ka pa talaga eh nakalagay na yung pangalan mo sa screen, tss! Gun manipulator." maangas na sabat nung Jordan at napa 'o' ang lahat ng tao rito dahil sa gaano ka-unique ng gift niya.
"Mukhang banas itong si Jordan kay Brylle... nakasagap ako ng balita na si Jordan pala ang dakilang bully ni Brylle, ito na kaya ang pagkakataon ni Brylle na makaganti o mas ipapamukha ni Jordan na mas malakas siya kay Brylle. Let's the battle begin!" ginawa ba namang laro ng announcer.
Nakangising naglakad papunta sa kabilang dulo si Jordan habang si Brylle naman ay naka-yuko na pumunta sa kabilang dulo. Parehas silang nakatayo sa magkabila ng oval (oval kasi yung size ng arena). nakita ko pang nag-stretching itong si Jordan habang si Brylle naman ay palinga linga rito sa arena.
"Tiyak na mauunahan nitong ni Jordan umatake si Brylle dahil sa mukhang distracted pa itong isa." narinig kong usal ni kuya Aiden na tutok na tutok sa labanan.
Tumakbo si Jordan at mga nag-sigawan ang audience dahil sa ang bilis nito at biglang pagbabago ng kamay niya, naging parang baril ito na nakatutok na ngayon kay Brylle na nanlalaki ang mata habang nakatingin sa papasugod na si Jordan.
"Bumalik ka na sa lungga niyo!" sigaw ni Jordan at tumalon ng napakataas at pinaputukan si Brylle.
Napangiwi ako sa sobrang lakas ng pagbaril ni Jordan at nakita ko pa si Brylle na biglang tumakbo. Nagsisigawan ang mga tao at kinukutya si Brylle dahil sa duwag daw ito at hindi man lang malabanan si Jordan, nakakaawa itong si Brylle.
"Ano bruho? Tatakbo ka na lang ba?" tanong ni Jordan na biglang bumagsak sa harapan ni Brylle na napatigil sa pag-takbo at natumba pa ito dahil sa gulat.
"H-hindi kita pwede labanan!" utal na sambit ni Brylle na ikinatawa ni Jordan.
"Sus! Ang sabihin mo ay duwag ka at mahina! Bakit ka napasama sa rare rank eh tatanga tanga ka!?" singhal ni Jordan at naging baril na naman ang kamay niya, this time it looks like a 45 gun. Binaril niya si Brylle sa binti na ikinasigaw ni Brylle dahil sa sakit.
"Labanan mo yang pangit na yan!"
"Mas malakas ka pa diyan! Laban!"
"Naturingang witch di labanan! Sisiw lang yan!"
Napa-tingin si Brylle sa audience na todo sigaw sa kaniya, marami ang nasuporta sa kaniya pero mas marami ang naiinis at galit sa kaniya dahil sa hindi siya lumalaban.
"Ano? Tumayo ka diyan! Laban!" sigaw ni Jordan at pinaputukan naman niya si Brylle sa balikat.
Muling napasigaw si Brylle sa sakit habang umaatras at patuloy na dumudugo ang mga tama ng bala sa kaniya.
"H-hindi nga kasi kita pwede labanan! Mag-kapatid tayo!" sigaw ni Brylle na ikina-tahimik ng lahat lalo na si Jordan at nakita ko ang pagdaan ng galit sa mata nito.
"So ikaw ang bunga ng kawalangyaan ni Daddy!? ikaw ang anak niya sa labas? Matindi rin pala yang nanay mo ano? Bruha na nga malandi pa!" sigaw ni Jordan at nanlaki ang mata ko dahil sa nagsilabasang baril sa likod niya.
Walang ibang nakikita sa mukha niya kundi galit. Kung hindi mapipigilan si Jordan ay siguradong mapapatay niya si Brylle, pero walang kahit na anong rules sa laban kaya walang ginagawa ang announcer at nakatutok lang ito sa laban.
"Anong sabi mo? M-malandi nanay ko?" tanong ni Brylle na nakatungo na.
"Oh bakit? Totoo naman diba? Malandi ang nanay mo! Makati siya!" sigaw ni Jordan na nakapagpayanig sa buong arena.
Lahat ng baril ni Jordan ay lumaki at tumutok sa direksyon ni Brylle. Biglang tumawa si Brylle habang nakayuko na nakapag-patigil sa ingay ng mga audience maging kay Jordan na ngayon ay nakakunot na ang ang noo.
"Anong itinatawa tawa mo diyan?" tanong ni Jordan at tumigil naman sa pag-tawa si Brylle saka umangat ang tingin kay Brylle.
Lahat kami ay nagulat sa itsura ni Brylle, purong itim na ang mata nito at may ngiti itong nakakapangilabot. Napa-atras si Jordan at mukhang may nararamdaman siya. Dahan dahang tumayo si Brylle na may inuusal na salita at wala sinuman sa amin ang nakakarinig non. Patuloy na napa-atras si Jordan at napapa-tingin pa siya sa katawan niya.
"A-anong ginagawa m-mo sa akin!" nauutal na sigaw ni Jordan at napa-luhod na ito dahil sa sobrang sakit na hindi namin malaman kung ano.
Si Brylle ay patuloy sa inuusal at nakangiti na parang demonyo. May lumalabas na ring itim na likido sa bibig niya at nagsimula na ring humangin ng napakalakas.
"Ahhhh! Ang sakit!" sigaw ni Jordan at nakita naming nagsisilabasan ang dugo sa baril na lumitaw sa likod niya.
"Sa bawat pag-tanghoy, ang sakit mo'y magpapatuloy,
Sa pagpatak ng iyong mga luha, aatungal ka na parang dukha.
Sakit mo'y titindi, dahil sa aking ganti,
Sa patuloy na pagdurugo, ikaw ay hihingi sa akin ng pagsuko!"
Lahat kami napanganga sa isinambit ni Brylle, mas lalong napasigaw si Jordan at napangiwi na lang ako dahil sa nagsimulang lumuha si Jordan ng dugo, nilabasan na rin siya ng dugo sa tenga, ilong at maging sa bibig, napatuon na lang ng kamay si Jordan sa sahig at namimilipit na sumisigaw.
"T-tama na! Ayoko na!" sigaw ni Jordan at sa isang kisap mata ay bumagsak siya sa lupa, walang kahit na anong patak ng dugo ang nandoon. Hingal na hingal si Jordan habang nakasalampak sa sahig. Napatingin ako kay Brylle na nakapamulsang lumapit kay Jordan, naglalaro ang nakakakilabot na ngisi sa kaniyang labi.
"Mabuti naman na sumuko ka na, nakakaawa kang panoorin. Ang dakilang bully na katulad mo hindi nararapat dito." sambit ni Brylle at saka tinadyakan sa likod si Jordan at naglakad palayo pero nakaka-ilang hakbang palang ay tumigil ito saka lumingon sa nakahigang Jordan, "Just a piece of information, your mom is the mistress not my mother." sambit nito at dire-diretsong bumalik sa pwesto ng mga player.
Nagkaron ng katahimikan sa arena pawang gulat at nakaramdam ng takot sa nangyaring labanan. Naglakad papuntang gitna ang announcer at pinakuha sa medic si Jordan at dinala na sa clinic.
"That was an intense and drama like battle! I announce to all of you Brylle Caraguin wins!" announce ng announcer at muling nagsigawan ang mga audience.
Napatingin ako kay kuya Aiden na nakangisi at nakatutok sa oval. Tama nga si kuya Aiden, looks can be deceiving.
BINABASA MO ANG
The Chosen [BxB]
Teen FictionThis story will tell the story between two rival school. A war between the 2 school President will they keep their pride when they fall in love with each other or will they accept the mystery will they found with their schools? The secret of their...