Chapter 6 : Evaluation Day

157 10 1
                                    

°°°

Nicolai's POV

Lumipas ang isang araw at ngayon ay lunes na, kaming mga officers ay sobrang abala dahil anytime ay darating na yung mga bisita.

"Ready na ba yan??" Tanong ko sa isang estudyante.

May mga students kasi na nag-volunteer, at lahat sila ay babae! Hindi ko alam pero mukha silang masaya kasi kanina pa sila mga nakangiti at may pinagbubulungan.

"Yes po, Pres! Masarap ang mga cookies and brownies na ginawa niyo!" Tuwang tuwang sagot ng isang student kaya napangiti ako kasi nagpa taste test kami kanina.

"Haha thanks guys! Alright! Nasa labas na yung mga visitors, mag siayos na kayo!" Sigaw ko at kanya kanya naman kaming pagmamadali.

"Let's go, Asher." Saad ko kay Asher na kakarating lang.

Sumunod naman agad si Asher dahil kami talagang President and Vice President ng school ang nasalubong sa mga bisita ng school maliban na lang kung kailangan ng Principal na siya mismo ang haharap.

Pagkarating namin sa gate ay naandon na sila, ngumiti ako pagkalapit sa kanila at isa isa silang tiningnan pero nawala ang ngiti ko nang ang huling makita ko ay si Dirk na nakatitig lang sa akin.

"Good morning! Welcome to Washington High, let us be your escort and tour guide at the same time." Nakangiti kong sabi sa kanila at hindi pinansin ang titig ni Dirk, bumati naman silang lahat pabalik maliban sa President ng Davidson.

Nagsimula ko silang ilibot, infairness mababait sila maliban na lang sa President ng Davidson na pinaglihi yata sa sama ng loob.

Limang pares ng President and Vice Pres ng school ang nandito. Moonlit High, Subsea High, Airway High, Sander High at ang huli ay ang Davidson High.

"This is the building of Junior High, you see each building has different collors of rooms, the green one is the Grade 7, yellow is the Grade 8, red is the Grade 9 and blue is the Grade 10, naka base sa kanilang color ang uniform nila maliban sa senior high which is us na may vest and beige ang color." Nakangiti kong paliwanag sa kanila.

May dala dala silang tablet and doon nila inilalagay ang evaluation and mukhang form iyon.

Nagpatuloy kami hanggang sa sumapit ang break time, mas dumami ang student na nakiki-isyuso ngayon, kanina ay may mga mangilan-ngilan lang yung mga walang teacher sa subject nila or vacant nila.

At isa lang ang kanilang tinitingnan at tinitilian, sino pa ba? Edi ang President ng Davidson, Dirk Calyx Cervantes.

"So, break time naman na let's go to the office, I'll prepare some snacks for you." Saad ko sa mga bisita at napangiti naman sila kaya tumango ako at ngumiti bago naglakad kasama sila papuntang office namin.


"It's good!"

"Yes, it is!"

"Thanks, President Nicolai!"

Napangiti naman ako sa kanila, sinabi ko rin kasi na Nicolai na lang itawag nila sakin and they insist on calling me with my position before my name.

"Maiwan ko muna kayo, enjoy!" Paalam ko at tumango naman sila habang nakangiti, di nagsalita puno kasi yung bibig.

Hindi naman na sumama si Asher sa loob ng office kanina kasi may pinagawa sa kaniya si Principal.

Pagkalabas ko ay bumungad si Ace na parang may hinahanap, napataas naman ang kilay ko sa kaniya.

"Ginagawa mo diyan?" Tanong ko.

The Chosen [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon