°°°
Jhon's POV
"Ang astig talaga ng iyo, Nico." Sabi ni Ace habang tinitingnan parin yung nasa noo ko.
Natawa ako, "Hindi maka-move on?" Saad ko at hinampas siya sa braso.
Nandito kami sa pamilihan, ang daming mga gamit ang nandito, may mga pagkain din. Kung anong nasa market sa real world eh nandito rin dahil galing din naman ang mga nakatira rito.
"Punta tayong Candy House!" Tuwang tuwang sabi ni Trina.
Energetic talaga si Trina, she's representing the sun malamang talagang energetic siya.
Sumang-ayon kaming lahat at nagpunta na nga sa Candy House. Super cute sa loob at pink theme ang shop. Tuwang tuwa ang mga girls samantalang ang mga boys ay nakabusangot, well except me.
"It's so girly." Bulong sa akin ni Ace na ikinatawa ko.
"Cute nga ihh!" Aniko at lumapit sa isang estante, nakakita ako ng iba't ibang candy ron, iba't ibang klase ng sweets.
"Anong iyo?" Tanong nung babae at pagtingin ko ay nagulat pa kaming dalawa.
"Ate Shiela!" Tuwa kong sabi at maging siya ay natuwa, lumabas pa siya roon para mayakap ako.
"Hindi ko alam na nandito ka pala?" Nakangiting tanong ni ate Shiela.
"Kakarating ko lang po rito, mag-aaral na ako sa Washington High." Sagot ko at napa-awang ang labi niya.
"Totoo? Wow naman! Diba sa real world don ka rin nag-aaral?" Tanong niya na tinanguan ko.
"Ehem! Kasama niyo ako." Singit ni Ace at may sarcastic smile siyang suot.
"Loh bakit ka nandito? Di ka belong." Pang-aasar ni ate Shiela na ikinatawa ko.
Ilang years lang naman agwat samin ni ate Shiela kaya nakakapag biruan kami ng ganito.
"Sus baka ikaw hindi belong dito." Ismid ni Ace at umirap pa, attitude talaga.
"Sungit talaga nitong best friend mo hano? Buti nakakayanan mo?" Tanong sa akin ni ate Shiela.
"Siya ang buti nakakayanan ako." Nakangisi kong sabi at ngumiwi si Ace.
"Malamang daig mo pa jowa ko sa ka-toyo-an mo." Aniya at nagtawanan kami ni ate Shiela.
Nagk-kwentuhan kami habang naglilibot sa Candy House, nililibot kami ni ate Shiela at pinapatikim ng mga products nila rito at in fairness sobrang sarap grabe!
Nagtatawanan kami sa isang table ng biglang bumukas yung pintuan, may dalawang kasing edad lang namin ang pumasok, babae at lalaki.
"Babe?" Si Ace ang nagsalita, napaharap naman sa gawi namin yung lalaki.
"Babe! Buti nandito kayo, sino si Jhon?" Tanong agad nitong lalaki pagkalapit sa amin.
Tumayo si Ace at lumapit sa lalaki, hinalikan nito sa ulo iyon kaya napangiwi kaming lahat, PDA! PDA!
"Anong kailangan mo kay Nico, Babe?" Naniningkit ang mata ni Ace, aba't pinagselosan pa ako! Akala ko ba dare lang iyan?
"Calyx need him asap! Siya ba?" Tanong nitong lalaki at itinuro ako, kita ko sa kaniya na nag-mamadali siya.
"Huh? Bakit?" Tanong ko at napatayo na rin, medyo kinabahan ako sa uri ng expression niya.
"Don't ask too many question, just go with us!" Singit nung babaeng kasama nitong jowa ni Ace at hinila ako.
BINABASA MO ANG
The Chosen [BxB]
Teen FictionThis story will tell the story between two rival school. A war between the 2 school President will they keep their pride when they fall in love with each other or will they accept the mystery will they found with their schools? The secret of their...