°°°
Nicolai's PoV
"Wow! Sa tinagal nang laban ay silang dalawa lang ang matigas na natitira! Biruin niyo iyon? Sa kabila nang mala diyosa niyang kagandahan may itinatago pala siyang karahasan! Now, let's meet once again Barbie Sorogon!"
Announce ng announcer at nagpalakpakan at hiyawan ang mga tao rito habang naglalakad sa kabilang bahagi ng oval si Barbie.
Nakangiti ito at kumakaway pa sa mga tao na lalong ikina-ingay nito, lalo na ang mga lalaki.
"And the opponent is Ace Serriano!"
Nakangiti si Ace na lumabas ng isang pintuan, nagpahinga kasi sila kanina binigyan sila ng oras para maghanda sa huling laban para hirangin ang Jack.
Pagkaharap nilang dalawa ay nag-ngitian sila at tumungo pa, pagbibigay respeto ba.
"I'm getting nervous." natatawang sambit ni kuya Aiden.
"Juice colored! Nakakakaba naman itong dalawang to, parehas silang long range." sambit naman ni Lia na ikinatango ko.
Long range ang mga ability nila at mukhang matatagalan ang labanang mangyayari.
"Let the battle... Begin!"
Naghiyawan ang mga tao nang bigla na lang naging itim ang buhok ni Barbie, she's slowly transforming into ghotic like.
Kinilabutan ako sa uri nang aura niya, masyadong mabigat. Naging puti lang ang mata niya at mas lalo iyong nakakakaba.
"Wow! May pa-change appearance!" natutuwang sambit ni Ace at pumalakpak pa ito.
"Syempre naman! Ako na to eh!" pagsakay naman ni Barbie sa banat ni Ace at nag-pose pa ito dahilan para gumaan kahit papaano ang atmosphere sa arena.
Hayun nagtawanan yung dalawa. Nagkatinginan kami nila kuya Aiden at natatawang umiiling na lang kami.
"Change outfit ka rin para naman happy tayo rito diba!" udyok ni Barbie, despite of her appearance she has a bubbly personality.
"Teka isip muna ako nang maganda!" sambit ni Ace at humawak pa ito sa baba niya na akala mo'y nag-iisip talaga.
Napangiwi kami sa ginagawang pag-uusap nun dalawa. Ganon na lang ang gulat namin nang tumalon si Ace at ginamit ang kadena niya para putulin ang buhok na balak umatake sa kaniya sa likod.
Nakangisi itong lumanding sa di kalayuan, "Nah-uh I know this trick of yours, Barbie." sambit ni Ace at napangisi rin si Barbie.
"Hindi ko akalain na mapapansin mo ang isa sa technique ko." nai-impress na sambit ni Barbie.
"Naman! Ako na to eh." pang gagaya ni Ace kay Barbie na ikinatawa ng isa.
Biglang naglaho si Ace na nagbigay signal kay Barbie para maging alerto sa paligid niya, palinga linga ang mata niya at kita ko ang wave of her energy na kumakalat sa oval.
Napapitlag ako nang sunud sunod na kalabog ang naririnig sa oval, kita rin ang kakaibang kulay na nagagawa ng paglalaban ng invisible hair ni Barbie at ng kadena ni Ace.
"I'm just changing my outfit tapos umatake ka naman agad." out of nowhere Ace spoke.
"Di mo naman kasi sinabi." sambit ni Barbie pero alerto parin siya.
"Kailangan ba? Well, anyways may regalo ako sayo." sagot ni Ace na hindi parin nagpapakita, si Barbie naman ay palinga linga na siguradong naririnig niya ito sa kaniyang tenga.
BINABASA MO ANG
The Chosen [BxB]
Teen FictionThis story will tell the story between two rival school. A war between the 2 school President will they keep their pride when they fall in love with each other or will they accept the mystery will they found with their schools? The secret of their...