Chapter 12 : Other Side of WH

110 8 0
                                    

°°°

Nicolai's POV

"Woah!" Manghang sabay sabay na sabi ng mga kasama ko maliban sa amin ni Faye.

"Welcome to the other side of Washington High!" Nakangiting saad ni Faye.

"Another dimension?" Tanong ko na tinanguan ni Faye.

"Yes! And sa labas nito nasa tapat lang natin ang Davidson High. May apat na school sa dimension na to, maya ipakita ko sa inyo." Sagot niya at nagsimula nang maglakad, papunta sa principal's office.

"Welcome, Gifteds!" Bungad ni Ms. Smith na ibang iba na yung itsura niya ngayon, she has a fierce look on his face.

"Totoo na talaga to." Pagbulong sa akin ni Ace na nakalapit na pala sa akin.

"Please fill up here and choose the dorm room you want, take note that you will have a room mate, two Gifted in one room." Saad ni Ms. Smith at may inilabas na parang tablet na parang mini hologram.

Pare-parehas kaming nagulat, "Ha? Bakit may dorm room?" Tanong ni Anna.

Ayun din ang ipinagtaka ko bakit may dorm room eh papasok lang naman kami rito para lang mag-aral about our gifts and such.

"Hindi ba sinabi sa inyo ni Samantha na dito na kayo mamamalagi simula ngayong araw?" May irita sa boses nito.

Teka? Samantha? Samantha Smith? Si Principal!?

"Hindi po ba kayo si Ms. Smith?" Tanong ni Asher.

"I'm not, I'm her twin sister. Sarah Smith." Saad niya at nagulat kami.

So, it make sense kung bakit parang nag-iba ang expression ni Ms. Smith kasi kakambal pala niya ito.

"So, I was saying dito na kayo titira hanggang sa matapos ang term niyo at makakabalik na kayo sa earth." Sabi niya na ikinangiwi ko.

"Pero paano po ang pamilya namin?" Tanong ko dahil baka talaga mag-alala sila mama sa akin.

"You don't have to worry, as of now I did some illusion in everyone's mind in your world where you're existing in their mind and sight while you all are here studying." Sagot niya sa akin.

Nakakuha naman siya nang iba't ibang response sa amin, ako ay naguguluhan parin. So anong gift niya? Illusions? Hallucination?

"But for the one who's their parents knows about this thing will not going to under my gift, we already sent some card letting them know that you're here. Again it's for the one who's their parents knows about this thing. You may start filling up now and choose your dorm room together with your room mate." Mahabang litaniya.

Wala naman na kaming nagawa at nagsimula nang mag-fill up. Napatingin din ako kay Faye na bakas sa mukha na nagtataka rin siya, mukhang hindi niya inaasahan ang ganito.

Pagkatapos namin mag-fill up ay namili na kami ng dorm room, no. 135 akin at ka-room mate ko ang walang iba kung hindi si Ace, tapos si Asher at Nathaniel, while si Zach ay may ka-room mate na raw sa dorm.

Natanong ko na rin kung paano ang mga gamit namin pero wala nang sinabi ang kambal ni Ms. Smith kaya lumabas na lang kami.

Pagkalabas namin ay doon ko lang napagmasdan yung kabuuan ng Washington High, masyadong advance ang technology nila rito nakakamangha parang yung mga napapanood ko sa movies.

May mga students din pala rito, pero ang kaibahan ay malaya silang kung anong suotin nila, hindi ko alam kung galing ba sila sa dimension namin or dito talaga sila.

"They're from Earth too, kusa lang silang dumeretso rito sa Gift Dimension, sa kaso niyo kasi hindi niyo alam na may Gifts kayo kaya nasa normal Washington High kayo." Paliwanag ni Faye.

Magkaiba ang dorm ng boys at girls kaya nahiwalay ang way namin nila, kasama ko si Ace, Asher, Zach at si Nathaniel/Nathan.

"Hi! Kayo yung mga transferee from Earth, right?" Bumungad ang isang lalaki sa amin pagkarating sa sa tapat ng dorm.

Yung dorm parang mansion sa Earth, ang kulay niya ay black and gray, malamlam lang sa mata at maayos tingnan.

"Yes, kami nga." Sagot ko.

Tiningnan ko siya at nakasalamin siya saka may hawak na ballpen na walang ink tube para siyang stylus. Ngumiti siya at pinindot ang relo niya na hologram pala.

May ine-encode siya and he's looking at us one by one and he'll write something to the hologram.

"Codename?" Tanong ng lalaki habang may sinusulat siya.

Naguluhan kami sa kaniya kaya nakatitig lang kami na ikinatingin niya at natawa.

"Codename niyo para malagay ko sa mga i.d niyo and also para itawag ng mga student and teachers niyo here." Sabi niya, kung magsalita siya ay salitang Earth talaga, indeed they're from there.

"Niel akin." Sagot ni Nathaniel na agad naman in-encode nung lalaki.

Napahanga na nmn kami ng may biglang bumagsak sa harapan ni Nathaniel or Niel na I.D na may lace na rin, tiningnan niya ito at nakita namin may info siya ron at may picture niya na rin, may QR code yun at nakalagay ron ang codename kuno niya and lastly ang lace niya ay Brown.

"Ace na lang akin." Sumagot si Ace at tumango ang lalaki saka nag-encode na naman.

Later on nagkaroon din si Ace ng I.D at may lace na silver, sumunod naman si Asher.

"Blue na lang akin." Saad naman ni Asher at ganon din ang ginawa nung lalaki.

Nakangiti namang natanggap ni Asher ang I.D niya with lace of color blue bagay na bagay sa codename niya.

"Zach." Maikling saad ni Zach na naglilibot kasi ng tingin sa paligid, namamangha kasi siya.

Color Ash yung I.D lace ni Zach na excited na excited pang isinuot ito.

Napatingin sa akin yung lalaki at napa-isip naman ako, "Jhon." Sagot ko, unusual dahil madalas nila akong tinatawag na Nic, Nico or Nicolai, ewan ko bakit biglang sumagi sa isip ko yung boses ni Dirk.

Dahil sa kalutangan ko gulat na gulat pa ako nung biglang lumitaw sa harapan ko yung I.D ko kaya agad ko itong sinambot, out of nowhere lang kasi kung lumabas.

"Bakit black lace?" Tanong ko, kasi nagtataka ako bakit akin black tapos yung kila ace ay colorful maging yung ibang student nakikita ko.

"Oh it's based on your gift but as for you, I don't know why is it black because that's the default color of I.D lace here, maybe your lace still didn't recognize your gift." Nakangiti niyang sabi.

Napatingin naman ako sa lace niya at it's black with a line of neon green, para siyang computer system.

"By the way, I'm Echo. Computer manipulator." Nakangiti niyang sabi, napatango kami.

In-assist kami ni Echo sa mga rooms namin, magkakatabi lang naman  kami ng room, 134 si Zach together with his room mate, sumunod kami ni Ace at sumunod sila Blue at Niel.

"Okay so rest well and we'll call later in the hall to announce something, make sure to go there, okay?" Ani Echo at tumango naman kaming lima.

Umalis na si Echo at kami naman ay nagpasok na sa kani-kaniyang mga dorm, namangha pa nga kami sa lawak at ganda ng dorm, may sariling kusina rin at banyo. May dalawang kwarto at namili na lang kami ni Ace tapos ay pumasok na para makapagpahinga muna.

Pagpasok ko sa room ko ay maayos at maganda, may malambot na kama rito at may cabinet na puno na rin ng damit, sakto para sa akin ang kaso nga lang ay hindi ko masyadong gusto yung fashion taste ng naglagay nito, masyadong bad boy look na ewan.

°°°

The Chosen [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon