Chapter 5 : We Meet Again

161 10 0
                                    

°°°

Nicolai's POV

Dumating ang araw ng sabado, naghahanda na ako para pumuntang mall, doon na kami magkikita ni Anna kasama si Asher, mag-pinsan kasi sila para madaling maabala si Asher.

Nagsabi na rin ako kay Mama na magpapaturo kami ng pagb-bake at tuwang tuwa naman si Mama sa amin, naging teacher din kasi siya sa baking kaya ganon.

Naka suot lang ako ng beige trouser at white shirt, naka sapatos lang din ako na puti. Bago lumabas ng kwarto ay inayos ko pa ang eye glasses ko sa harap ng salamin.

"Oh eto ang listahan ng ingredients ha? Sundin niyo lahat yan." Nakangiting salubong sa akin ni Mama pagkababa ko ng hagdan.

"Thanks, Ma, sige po una na ako." Paalam ko at tumango naman sa akin si Mama.

Binibigyan pa nga niya ako ng pera pero tumanggi ako kasi may pera pa naman ako sa wallet ko.

Pumunta akong garahe at kinuha ang NMAX ko, yes! You read it right! Regalo sakin to ni Papa noong birthday ko para raw kapag may pupuntahan ako ay may magagamit ako.

Saglit lang naman ako bago makarating sa mall, di naman kasi kalayuan ito sa bahay namin. Nasa city kami after all.

"Wow naman, Pres!" Manghang salubong sa akin ni Asher.

Natawa ako sa kaniya, hilig talaga niya ang mga motor. Naalala ko na iba't ibang motor ang ginagamit niya kapag napasok.

"Sayo?" Tanong ni Anna na tinanguan ko.

"Regalo sa'kin ni Papa last birthday ko." Sagot ko sa kaniya at nakita ko na lang si Asher na sinusuri yung motor ko, "Try mo?" Tanong ko kay Asher at para naman siyang batang tumatango ng paulit ulit habang may malaking ngiti sa mukha.

"Basta motor talaga." Naiiling na sabi ni Anna.

"Hayaan mo siya baka maging abala pa sa atin sa pamimili." Natatawa kong sabi at inabot kay Asher yung susi, "Balik ka after an hour, okay?" Sabi ko at sumaludo pa sa akin si Asher.

"Pres, yes, pres!" Anito at umakto pang sundalo kaya natatawa na lang kami ni Anna bago ito umalis sakay ng motor ko.


Nagsimula kaming mamili ng ingredients, good thing at narito lahat ng nasa lisatahan ni Mama. Nagtatawanan pa nga kami ni Anna habang namimili.

"Teka, tingin lang alo rito." Saad ko at tinuro ang bookstore.

"Okiee! Bili lang ako ice cream." Sabi ni Anna at kinuha ang grocery bag sa akin, may eco bag naman kasi siya.

Pumasok ako ng store at nag-diretso sa academic books, naghahanap ako ng pwedeng magamit sa medicine, advance study na ba.

"Oh that one!" Napangiti ako sa sarili ko at paghawak ko sa libro ay saktong may humawak din.

"Aww!"
"Shit!"

Parehas kaming napatingin ng lalaking humawak sa libro nang bawiin namin pareho ang kamay namin dahil sa kakaibang kuryenteng dumaloy sa balat namin nang magdikit ito.

"Ikaw?" Tanong niya na ikinakunot ng noo ko habang hinihimas ang kamay ko.

Nakita ko ang ngisi niya na nagpagulo ng isip ko.

"Kilala ba kita?" Tanong ko sa kaniya na nakapagpataas ng dalawang kilay niya.

"What a stupid, Wington." Anito at napaawang ang labi ko.

"Ohh you're that Davson guy!" Sabi ko ng maalala siya saka siya sinamaan ng tingin, "Bakit ka nandito?" Katangahan kong tanong.

"Stupid! It's a public store!" Anito at sinimangutan ako bago niya kinuha yung librong dapat kukuhanin ko.

"Hoy akin yan!" Sigaw ko at napatigil naman siya.

"May pangalan mo?" Tanong niya, sobrang yabang!

"Ako nakauna riyan!" Aniko at hinigit yung libro sa kamay niya pero hindi siya bumitaw.

"But I took it first." Saad niya at hinigit pa yung libro kaya nabitawan ko.

"Ano ba!" Sigaw ko at itinulak siya na nakapagpa-atras sa kaniya.

Napaawang ang labi niya, "Tapang ah?" Aniya.

"Akin na kasi yan!" Sabi ko at sinusubukang kuhanin pero itinaas niya ito, wala na! Matangkad siya pano ko maaabot yan?

"Go on, if you can." Aniya habang nakangisi.

Nakuyumos ko ang kamao ko at sinamaan siya ng tingin, there's something in me that wanted to come out, nakita kong natigilan siya habang nakatitig sa mata ko.

Naibaba niya ang kamay niya na naging sign para maabot ko ang libro, kaagad kong kinuha ito at nginisihan siya.

"Oh but I did." Asik ko at nilampasan siya at dumeretso agad sa counter.

Napatingin ako sa gawi niya na nakatitig parin sa akin kaya napakunot na ang noo ko.

Ano namang ka-weirduhan yan?

Nginiwian ko siya bago ko kinuha yung paper bag na laman ng libro at nagbayad na bago lumabas ng bookstore.

Napaka weird naman nung lalaking yon. Nagpunta na akong parking lot dahil nag-text na si Anna na nandon na raw siya.

"Kumusta?" Tanong ko kay Asher nang makabalik siya, hindi naman kami matagal na naghintay sa kaniya.

"Ang angas, Pres!" Tuwang sabi ni Asher pagkababa niya, may dala pa nga siyang inumin.

"May sasakyan ba kayo?" Tanong ko at umiling sila, "Oh edi ikaw muna mag drive niyan hanggang sa bahay niyong dalawa hatid ko na kayo." Sabi ko at nagning ning na naman ang mata ni Asher.

Naiiling na lang si Anna sa kaniyang pinsan. Ilang saglit ay nasa byahe na kami, si Asher ang driver sumunod ako at sumunod si Anna. She insist on being the last, as a sign of respect na rin for me kasi alam mo na ang nasa pagitan ng hita ko.

"Nakasalubong ko sa bookstore yung School President ng Davidson High." Sabi ko at nakita ko namang bahagyang napapaling ang ulo ni Asher.

Hindi naman masyadong maingay yung byahe namin, "Si Dirk Calyx Cervantes?" Tanong ni Anna na tinanguan ko.

"Nagkasagutan kami kanina, ang weird nga eh kasi bigla na lang siyang tumitig sa mata ko tapos after non wala na, titig lang siya nang titig." Saad ko.

"Baka na-inlove sa ka-kyutan mo, Pres." Natatawang sabi ni Asher kaya nahampas ko siya sa balikat.

"Baliw ka pero ang weird niya kasi talaga para siyang nakakita ng multo." Sabi ko pa at inalala ang reaksyon ng lalaking yon.

°°°

The Chosen [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon