°°°
Dirk's POV
"Bitawan mo nga ako!" Anas ko at inalis ang kamay ni Hannah.
Hindi ko makalimutan yung inis sa mukha ni Jhon, nab-bother ako.
"Bakit ba?" Tanong nito at sinamaan ko siya ng tingin.
"You're irritating me." Asik ko at lumabas ng shop.
Nagpalinga linga ako at wala na si Jhon agad. Napakunot ang noo ko, bakit ang bilis non?
"Hinahanap mo? Si Jhon ba? Yiiii ikaw ha! Akala ko ba galit ka ron?" Biglang sulpot ni Jacq sa tabi ko.
"Shut up, Jacq." Aniko at natawa naman siya.
"Okayyy! But anyway ang astig nang ginawa niya kanina." Nakangiting sabi ni Jacq.
Napatigin ako sa kaniya, hindi ko masyadong nasubaybayan ang ginawa kanina ni Jhon dahil nahihirapan ako.
"What did he do?" Tanong ko.
"Yiiii curious!" Ani Jacq at sinamaan ko siya ng tingin, "Eto na nga! Teka punta muna tayo sa malapit na bench." Ani Jacq at naglakad na.
Hindi naman na sumunod si Hannah at mabuti iyon, naiirita lang ako sa kaniya. There's something in her that makes me ugh!
"So eto na nga! He held your necklace earlier, parang may nakikita kasi siya sa loob, wala naman kaming makita. And then he snapped his finger and point his index finger in that pendant, ang astig kasi nung lumabas yung kuryente niya may lumabas din na kuryente sa pendant pero color black siya! Tapos maya maya ay sumabog yung pendant and then charannnn ayan na skull na yung pendant at yung black fire sa pendant mo pumasok sa dibdib mo!" Mahabang kwento ni Jacq at may pag action pa siya kaya wala akong ibang reaksyon kundi pag-ngiwi.
I realized what he just said, black fire sa pendant ng kwintas pumasok sa dibdib ko. Kaya pala may kakaibang init sa dibdib ko kanina, I felt something in me.
"Tapos umeksena na yung babae mo." Nakabusangot na saad ni Jacq kaya napatingin na nman ako sa kaniya.
"Si Hannah?" Tanong ko naman.
He nodded, "Oo kaya nga lumayo sa inyo si Jhon kasi baka nakakaistorbo sa lampungan niyo." Natatawang sabi ni Jacq kaya napangiwi ako.
Mas lalo akong na-bother, I don't know why but I feel anxious with that. Is it possible that Jhon is mad about Hannah?
"He's also a Gifted." Sabi ko sa kawalan.
"Indeed! And he owns the Legendary head crown of the King Yvann." Saad ni Jacq na ikinatingin ko lalo sa kaniya.
The Hedry? That's why I noticed the head crown on his forehead. I remember the looks on his face, he is so fucking fine with it.
Nakahiga ako ngayon sa kama ko dito sa dorm, gabi na at hindi parin ako maka-tulog. Hindi mawala sa isip ko si Jhon.
Sa inis ko ay bumangon ako sa kinahihigaan ko at lumabas ng kwarto, naabutan ko pa si Jacq na may ginagawa sa salas.
"San ka punta?" Tanong niya habang tutok sa inaayos niya, it's about his wings.
"Sa labas lang, magpapahangin." Sabi ko at hindi na hinintay ang sagot niya.
Medyo late na rin naman at wala ng ibang students ang nandito dahil may curfew rito sa Davidson. Nagdiretso ako sa likod ng dorm dahil wala roong gaanong cctv.
Yes! There's CCTV here!
Tumingin muna ako sa paligid ng wall kung may way ba parang lumabas pero wala akong makita. Bumwelo ako at tumakbo saka tumalon pero hindi umabot.
BINABASA MO ANG
The Chosen [BxB]
Teen FictionThis story will tell the story between two rival school. A war between the 2 school President will they keep their pride when they fall in love with each other or will they accept the mystery will they found with their schools? The secret of their...