Chapter 24 : Mission

53 6 0
                                    

°°°

Jhon's POV

"Yes, apat na araw kang walang malay." sagot naman ni Lia, "I'm sorry nga pala hehe napag utusan lang." sabi niya kaya napatango ako at ngumiti.

"Ayos lang naman." sagot ko at napansin ko si Dirk na nasa may pintuan at nakikinig pa, masama ang tingin nito kay Lia.



Umalis na rin sila Dirk kanina pa dahil may kailangan pa raw silang puntahan, bumalik lang daw sila rito sa gift dimension dahil sa akin, 4 days ago na nagsimula yung mission nila, bumalik lang talaga sila, maging sila kuya Aiden ay bumalik.

Nandito ako ngayon sa room ng legend rank, kung saan ako dinala ni kiya Aiden nung unang pasukan.

Yung election na-move raw 3 days from now dahil nga sa nangyari sa may field, nasira kasi inaayos pa ng mga staff.

"Ano ready ka na?" tanong ni Ace sa akin, nasa harap siya ng pinto ng kwarto ko at may hawak na back pack.

Kasama na kasi siya sa mission dahil hiniling niya kay Ms. Smith na makasama siya para raw sa akin. Hindi ko alam kung pano na-kumbinse ni Ace si Ms. Smith.

"Bakit ka pa kasi sasama?" tanong ko sa kaniya, hindi naman sa ayaw ko ha pero nagtataka lang.

"For you, baka may mangyaring masama sa best friend ko." sabi niya at may malaki pang ngiti.

Now that he calls me best friend, I know something is up, "Kasama si Jacq sa mission no?" tanong ko at mas lalong lumapad ang ngiti niya.

Sabi na eh. Umirap na lang ako sa kaniya at saka binitbit ang back pack ko, mga 2 days lang naman kami roon, need lang namin i-wipe out yung mga hell creatures.

Sabay kaming lumabas ng dorm at nakasalubong sa baba ng building si kuya Aiden at Lia, syempre kasama si Fred na naaasiwa parin sa presensya ko.

"Okay, let's go?" aya ni kuya Aiden at nakangiti pa, wala siyang dala ni isang gamit.

Habang naglalakad kami palabas ng Washington High ay may mga nakatingin sa amin, maraming nagbubulungan at marami ring mga kinikilig. Paano? Eh tatlong lalaki ang nagga-gwapuhan na kasama namin, isama mo pa na King yung isa tapos magandang babae ang Queen.

Syempre di ako mawawala sa kinakikiligan nila, may ibubuga ako unang una na diyan ang may pagkasingkit kong mata at lalim ng boses.

Lumabas kami ng Washington High at naglakad papunta sa malawak na open field. May mga nakasalubong pa kaming students from other schools.

"President Nicolai?"

Napabaling ako sa tumawag sa akin at nakita ko ang isang babae, napakunot ang noo ko habang tinititigan siya, lumapit pa siya sa amin.

"President Kyla?" tanong ko at tumango siya.

"Yes! Aerilium High!" sagot niya at pinakita ng badge ng school nila sa kaliwang bahagi ng dibdib ng uniform nila.

Tama nga! Siya rin yung nagpunta sa evaluation noon sa real world. Natuwa pa ako kasi ang gift niya ay no gravity, it means nakalutang lang siya pero meron siyang suot ng anklet just to stay her in the ground.

Sabi pa nga niya kapag pinag-umpog niya ang dalawang paa niya ay matatanggal anklet niya at magf-form as her armor. Kaya sobrang astig nito.

"Ikaw ba anong gift mo?" tanong niya sa akin.

Napa-isip ako kung anong isasagot ko, nasabi na kasi sa akin nila kuya Aiden kung anong gift meron ako, at nang tingnan ko ang lace ko noon doon ko napansin na kulay puti ito na may naglalarong kidlat dito.

"It's hard to explain but let's just say that, i'm the master of Sky and Heaven." sagot ko na ikinabilog ng bibig niya.

"The successor of Yvann?" gulat niyang tanong at tumango ako.

After that convo she went back to her classmates, she bid goodbye at me and Ace. Nakita kong may ginawa si Kyla at may nag-form na jet mula sa bolang ibinato niya.

Grabeng astig!

"Wow!" bulong ni Ace at nakangiti.

Ang Seralo High ay may nag-create ng portal kaya mabilis silang naka-alis. Habang ang Davidson High ay bago palang aalis, si Jacq kasi nakipag kwentuhan pa kay Ace kanina, habang si Dirk ay kasama na naman yung Hannah tapos may isa pang babae.

Yung babaeng kasama nila ay nag-step forward at napa-awang ang labi ko nang makitang sa harapan niya nagkaroon ng parang screen, tapos nakita ko ang mata niya na parang technology, maybe that's her gift.

After she did something to that screen, may biglang nag-form na kotse sa tapay nila pero hindi bastang kotse kasi nakaangat lang to sa lupa, wala yong gulong.

Nagpaalam muna sa amin si Jacq bago sila sumakay sa kotse. Pagkasakay nila automatic na nagkaroon sila ng glass cover as the roof of the car and just like the lightning, that car moved.

"Grabe ang astig ng gift talaga niya!" saad ni Lia.

"Kilala mo?" tanong ko at tumango ito.

"She's my cousin, Ayessa, Electricity and Technology manipulator." sagot niya at napatango kami, now that's indeed awesome.

Kami naman ang aalis. May kinuhang device si kuya Aiden, para siyang bracelet pero matigas lang siyang pabilog. I don't really know what it is.

Itinapat niya yun sa field and para niya iyong binaril at naging malaki ito kaya nagulat talaga ako kasi sa lakas ng impact non na-out of balance ako.

"Careful." sambit ni Fred na sumalo sa akin kaya di ako natumba.

"Thanks." saad ko na lang at umayos ng tayo.

Tiningnan ko ang malaking bilog, nakalutang lang siya sa ere habang nakaharap samin ang butas noon. Alam kong magiging portal yon pero wala akong nakikitang sign na may ibang lugar sa kabila non.

Itinutok ni kuya Aiden yung daliri niya na parang babaril siya at may lumabas doon na tornado na gawa sa tubig na dumeretso sa portal ring.

After a seconds parang whirlpool na ito.

"Nakakabilib talaga kapangyarihan niyo." sabi ni Ace habang excited ang mukha.

"Isip bata." saad ni Fred at nauna nang pumasok sa portal.

"High blood lagi amp." saad ni Ace na kakamot kamot sa ulo, natawa na lang kami nila kuya Aiden bago sabay sabay na pumasok ng portal.

°°°

The Chosen [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon