Chapter 19 : Meet The Legends

89 7 0
                                    

°°°

Jhon's POV

"Kuya..." gulat kong bigkas nang makilala ang nakabunggo sa akin.

"Nicnic!? Anong ginagawa mo rito?" gulat niyang anong saka ako tinulungan makatayo.

Nagpagpag naman ako ng pants ko dahil nagkadumi, napatingin ako sa lace ni Kuya Aiden at nakita kong color Mermaid Blue ito with a gold lining at the edge of it.

Siya kaya yun!?

"Nicnic!" napabalikwas ako ng tayo dahil sa pagtawag ni Kuya sa akin.

"Gifted ka rin!? Oh shit!" singhal niya nang tumingin siya sa I.D lace ko at nakitang may gold lining din yon.

"Yes po, Kuya." Nakangiti kong sagot.

"You're in rank legend too?" tanong niya at tumango ako.o

"Yes kuya, ikaw rin po ba?" tanong ko at tumango siya kaya napangiti ako, "Ano pong gift mo?" tanong ko ulit, siguradong related yun sa dagat.

"I'm the successor of Aquanna, Master of Sea and Ocean." sagot niya kaya napanganga ako, direct successor of a Goddess!

"Wow! Ang astig!" tuwa kong sabi na ikinangiti niya saka napatingin sa lace ko.

He frowned, "Why is it unknown?" tanong ni kuya pero nag-kibit balikat lang ako.

Aiden Ponce is my cousin, older cousin kasing tanda siya ni Ate. Ang tagal ko siyang hindi nakita yun pala ay nandito lang siya.

Isinama ako ni Kuya sa pupuntahan niya dahil wala raw klase yung rank ko, so anong gagawin ko rito? Tutunganga? Dapat kasi nilagay man lang ko sa premium tutal eh hindi ko pa nmn alam kung paano kontrolin ng maayos tong gift ko.

"So, ikaw po yung sinasabi nilang King?" tanong ko habang naglalakad kami, ang lawak kasi ng Washington High na to kumpara sa real world.

He nodded, "Kind of but we really don't address ourselves as the king and queen because we're just two in Legend, who knows that you might be more stronger than me." he said and smile.

Nakarating kami rito sa isang balon, maganda naman siya at puro mga halaman at bulaklak sa paligid nito. May mga fairy pa akong nakikitang naaligid sa balon, they're so pretty.

"Nicnic." pagtawag ni Kuya Aiden sa likuran ko, nakarating na pala ako rito sa may tapat ng balon pero wala akong makita puro itim lang.

Pagharap ko sa likuran ko ay saktong pagtulak niya sa akin na nagsanhi nang pagkahulog ko sa balon. Sumigaw ako ng sumigaw dahil sa takot.

Bakit niya nagawa sakin to? Pinsan niya ako! He treated me like his own brother!

"Ang ingay naman! Sino ba yan!?"

Napatigil ako sa pagsigaw nang may sumigaw, napamulat ako ng mata ko at napatingin sa paligid.

Kwarto! Nasa kwarto ako at sobrang ganda rito! Sobrang high-tech with a bit of fanstasy!

"Aiden ano ba yan? Nagdala ka ba ng kaibigan mo?"

Lumabas ang isang magandang babae sa kusina yata, straight ang buhok niya na hanggang balikat lang, color brown ito na may highlights na beige.

Napatingin naman ako kay Kuya Aiden na nagtatawa sa isang tabi, nakaupo siya sa couch na nakadikit sa sahig? May para kasing stage sa taas nito which is nandon ang kakaibang monitor and other stuffs, high tech.

"Ohh? Who's this?" nakangiting tanong nung babaeng lumabas, nag-iba bigla yung boses niya kanina.

Natigil si kuya saka tumayo at inakbayan ako na wala paring reaksyon dahl naguguluhan ako, panong napunta ako rito? Nag-teleport ba kami??

"Seriously, Aiden? You used the illusion again?" tanong nung babae na mukhang sawang sawa na sa kalokohan ng ni Kuya.

Natawa na naman si Kuya, "Gusto ko lang i-surprise si Nicnic, hindi ko alam na matatakot siya." sagot nito sa babae na agad naman siyang binato ng putik sa mukha.

Nagulat na nmn ako kaya napalayo ako kay Kuya na parang may cake sa mukha pero chocolate flavor.

"What the eff, Lia!" sigaw ni kuya at parang may shower na bumuhos sa mukha ni Kuya para mawala yung putik, napa-atras pa ako nang makita ang gigil na expression ni Kuya.

May nag-form na water ball sa kamay ni Kuya at binato ito kay Lia raw na agad naman naka-iwas, tumawa pa ito ay nag-make face kay Kuya pero napangiwi na lang ako nang makitang may tubig sa taas ng ulo niya, mukhang hindi napansin kaya nakangisi si Kuya at nakataas ang isang kilay.

"What the— ang daya mo!" sigaw ni Lia nang mabasa ito, nagtawa na nmn si Kuya Aiden.

Biglang bumato ng malaking bato si Lia na hindi ko alam kung saan nanggaling, pero hindi natamaan si kuya Aiden dahil naging water figure siya kaya tumagos lang yung bato.

After that tumatawang bumalik sa dating anyo si Kuya, inaasar si Lia. I think she's the successor of the God Lejan, Mistress of Land and Earth.

Mas nagtago ako sa isang table dahil nagsimula na silang magbatuhan ng kung ano ano.

"Ewwww! Kadiri!" sigaw ni Lia nang biglang may tumamang pusit sa mukha niya, as in saktong sakto sa mukha niya.

Narinig ko na naman ng tawa ni kuya Aiden, ang lakas nila mag-asaran! Pero natigil lang si kuya sa pagtawa nang matumba sya kasi may ugat ng puno ang pumulupot sa paa niya saka inangat pabaliktad.

"Nae-expose ang abs ko, Lia!" sigaw ni kuya Aiden na ikinangiwi ko, abs amp.

"Ang gulo nila no? Ganyan talaga bonding nila."

Napakunot ang noo ko nang may magsalita sa tabi ko kaya napatingin ako roon, nanlaki ng mata ako ng makita ng mukhang cyclops pero kasing liit lang siya ng aso.

"Ahhh pota!" sigaw ko at napadaing ng tumama ang ulo ko sa lamesa, sa sobrang gulat ko kasi napatayo ako eh nasa ilalim ako ng lamesa.

"Ahhh!" sigaw rin ng maliit na halimaw na cyclops na duwende! Basta ewan!

"What happened!?" biglang sumulpot si kuya Aiden kasama si Lia.

"Lumayo ka sakin!" sigaw ko at bumato ng kidlat sa kaniya, dahil na siguro sa takot at bigla ko ay bigla ko na lang nagawa yun.

"Wahhhh!" mas lalong nagulat itong maliit na nilalang at nagtatakbo tapos biglang naglaho.

"Hey!" lapit sa akin ni kuya Aiden na ikinagulat ko na nmn.

"Relax, si Mino yon, he's a cyclops dwarf." saad naman ni Lia na nasa likuran ko.

Hinihingal akong napatingin kay Mino na sumisilip sa likod ng vase. Bumuntong hininga ako saka ngumiwi.

"Bigla kasing sumulpot, sorry." sabi ko at tumingin kay Mino na halatang natakot sakin.

"It's okay, understood naman kasi bago ka lang dito." sabi ni kuya Aiden at pinaupo ako sa couch.

"He's new here?" tanong ni Lia at tumango si Kuya, "Diba dapat nasa klase siya kung ganon?" dugtong ni Lia, Kuya Aiden look at her flatly.

"Seriously?" Kuya Aiden sarcastically asked and point at my I.D lace.

"Ohh? Hehe sorry— wait what!? You're a legend? So that means... Oh my god! A successor of God Yvann!? The Master of Sky and Heaven!? The Chosen Gifted!?"

°°°

The Chosen [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon