°°°
Nicolai's POV
"Kailangan malinis yan ha? Linisin niyonng mabuti at maglagay rin kayo ng air freshener." Utos ko sa mga estudyanteng naglilinis ng comfort room sa may tabi ng stage sa may covered court.
"Yes, Pres!" Chorus nilang sagot, wala namang nagr-reklamo kasi hindi naman sobrang dumi at baho nitong comfort room dahil daily rin naman itong nililinis pero iba ngayon kasi may mage-evaluate.
"Goods! Mamaya may merienda kayo!" Masigla kong sabi at nag-cheer naman sila.
Nasabi ko na rin to kay Mama, tutal palagi naman siyang nagb-bake ng cookies, why not bigyan ng pakunsuwelo itong mga nag-volunteer na mag linis diba?
Umalis na ako roon at binisita rin ang mga ibang naglilinis, kaliwa't kanan ang mga nakikitang mga naglilinis, ang iba pa ay nagku kulitan. Mga excuse naman to sila sa mga matatabunang subject kapag naglinis na sila and may incentives din kaya wala talagang magrereklamo kasi grade na yun.
"Naks naman, palakad lakad lang ah?" Biglang lapit ni Ace sa akin, may hawak pa akong papel para i-check yung mga naglilinis para siguradong may incentives sila.
"Kesa naman sayo na puro papogi lang di maglinis. Isa pa diba may jowa ka! Bakit humaharot ka?" Nakataas ang kilay na tanong ko.
Ngumiwi siya, "It's just a dare, Nico." Sagot niya na ikinanganga ko.
"What the fuck, Ace?" Naiirita kong sabi sa kaniya, "Hindi mo ba naiisip ang mararamdaman noong jowa mo? Ace, naman! Sinisira mo lalo yang image mo!" Anas ko at saka siya nilagpasan.
Tinatawag pa niya ako pero hindi ko na siya pinansin. Alam niyang ayaw ko sa ganoong tao pero siya mismo na best friend ko ang gumagawa sa ibang tao.
Dumeretso ako sa cafeteria para bumili ng Juice, nag-text na rin kasi si Mama na maya maya ay dadalhin na niya yung Cookies at may Juice pa raw siyang ibibigay.
Ganyan talaga si Mama, masyadong mapag-bigay.
"Mukhang stress, Pres ah?" Nakangiting tanong ng isang estudyante sa counter.
Ganito sa school namin, yung ibang gusto na minsan ay pumasok sa cafeteria ay pinapayagan nila, madalas naman ay mga scholar ang napasok dahil yung ibibigay na suweldo rito ay dagdag allowance rin daw.
"Mainit kasi sa labas." Nakangiting sagot ko naman saka tinanggap ang juice na binibili ko.
Naupo ako sa malapit na lamesa at nag-cellphone na lang muna. Wala naman na akong gagawin at saka hintayin ko na lang muna si Mama.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at sinearch sa Facebook yung Dirk Calyx Cervantes, na-curious ako bigla eh.
"Famous nga." Sabi ko sa sarili ko nang makitang ang dami niyang followers sa fb kesa sa akin.
Napatango tango ako nang makitang anak siya ng boss ni papa! Ang pagkakaalam ko ay only child lang yun, kaya siguro ganon ang ugali non.
Nagkibit balikat na lang ako at pinatay ang phone ko ng mag-text si Mama na nandito na raw siya, mabilis akong lumabas ng cafeteria at dumeretso sa may gymnasium.
"Ma!" Tawag ko kay Mama na ina-assist yung mga tauhan niya sa Cookie shop niya habang nagbababa ng mga boxes ng cookies.
"Nicnic! Kumusta paglilinis nila?" Tanong ni Mama na kinasimangot ko.
"Nicnic na naman." Maktol ko na tinawanan niya lang, "Maayos naman po and good thing walang sakit sa ulo." Sagot ko sa tanong niya.
"Oh siya! Papuntahin mo na sila rito at sabihin mo kay Ace may bukod siyang kaniya." Nakangiting sabi ni Mama na inilingan ko lang saka tumango't nagpaalam.
Ganito si Mama kay Ace parang mas anak pa niya kesa sakin palaging isang box ng cookies kay Ace palibhasa paborito neyon.
"Guys! Tara sa Gym, merienda na!" Sabi ko sa kanila at sinabi na ring pakitawag na rin yung iba.
Masayang nagku-kwentuhan yung mga student habang papunta kaming Gym, may kausap naman akong taga ibang strand, nagtatanong lang tungkol sa acads, may ibang subject kasi na pare parehas kami.
"Hanay ng maayos ha." Saad ko sa kanila at sumaludo pa sila na tinawanan ko lang.
"Mama, asan ang akin?" Malaking ngiting tanong ni Ace kay Mama, tingnan mo! Mama pa ang tawag.
"Oh heto, may ibang flavor yan." Nakangiting saad ni Mama na ikinangiti nitong isa.
"Yiii thanks, Ma. Oo nga pala, Ma, si Nico galit sakin. Di ako pinapansin." Sumbong nitong si Ace na ikinangiwi ko.
Tumingin sa akin si Mama, "Bakit naman, Nico?" Tanong ni Mama, nakakunot ang noo.
"Tanungin niyo yan kung bakit." Pagsusungit ko at saka lumayo sa kanila, tinawag kasi ako ni Anna.
May sinabi lang sa akin si Anna tungkol sa darating na Evaluation, sa lunes na raw mismo eh ngayong araw ay Thursday na, last week lang in-announce yun ah.
"Pres, samahan mo ako sa sabado para bumili ng lulutuin, papakainin din kasi natin yung mga pupunta rito." Sabi ni Anna at napatango ako.
"Ano bang lulutuin niyo?" Tanong ko, hindi naman kasi ako marunong magluto.
"Hindi pa nga namin alam eh, suggest ka kaya?" Tanong niya at napa-isip naman ako.
"Eh kung magpaturo na lang tayo kay Mama mag-bake?" Saad ko at napaisip naman siya roon.
"Magandang idea yan, Pres! Update ko sila, sige pres una na ako! Bye-bye!" Nakangiting paalam ni Anna na tinanguan ko lang.
Lumabas ako ng Gym at dumeretso sa office ko, may sariling office kasi ang School President kasama ang VP at Secretary, iba pa yung meeting room ng SSG officers, kami na rin yun.
May kailangan pa pala akong ipasang report, yung tungkol sa funds ng school, may ginagawa kasi si Tricia kaya ako na lang mismo ang magpapasa tutal wala na rin naman akong gagawin.
Inabala ko ang sarili ko sa paggawa ng report, maya maya lamang ay dumating si Asher para may ipasang report sa akin.
"Eto na ba yung mga bubuksang club?" Tanong ko sa kaniya at tumango siya.
"Next month pa naman yun, Pres, pero sabi kasi ni Principal Smith ay mas maganda raw yung maagang preparation para mahaba raw yung time ng mga student na makapag decide." Sagot niya at tumango naman ako.
"Thank you." Saad ko at tumango naman siya saka lumabas ng office kasi may tatapusin pa raw siyang project.
°°°
[A/n: pa-remind na lang ako kapag may mali akong nalalagay na pangalan sa position ha? Nakakalimutan ko kasi minsan, thank you!]
BINABASA MO ANG
The Chosen [BxB]
Teen FictionThis story will tell the story between two rival school. A war between the 2 school President will they keep their pride when they fall in love with each other or will they accept the mystery will they found with their schools? The secret of their...