°°°
Jhon's POV
Nakatulala parin ako sa lalaking kausap nila kuya Aiden. Kung titingnan mo ay hindi siya mapagkakamalan na ganoon kalakas. Naalala ko pa kung paano siya makipaglaban kanina.
"Are you okay?" tanong ni Dirk sa akin.
Lumapit siya sa akin habang nandito ako sa ilalim ng puno. Madaling araw na, si Ace ay kasama si Jacq at may pinag uusapan, si Ayessa na katabi si Fred na halata namang naiinis. While sila kuya Aiden ay kausap si Natan, yung Seralion (Seralo student) na tumulong sa akin kanina, kasama pa niya yung atlo pa niyang kasama mula sa Seralo High.
"A-ahh oo." sagot ko na lang.
Punong puno pa rin ako ng dugo sa katawan at gusong gusto ko na maligo dahil sa nandidiri ako.
"Nicnic! Lika rito." pag tawag sa akin ni kuya Aiden, lahat sila ay nakatingin na sa akin kaya nahihiya akong tumayo.
"Punta lang ako ron ha." paalam ko kay Dirk.
"Sama na ako." tipid niyang sambit at nauna pang maglakad palapit kila kuya Aiden. Napangiwi na lang ako sa ginawa niya kaya nagmadali na akong lumapit.
"He's my cousin, and currently the successor of Yvann." pakilala ni kuya Aiden sa akin pagkalapit ko sa kanila.
Napatingin ako sa mga Seralion at mapapansin kong nakaka intimidate ang aura nila lalo na itong si Natan na kahit nakangiti ay hindi ko maiwasan ang makadama ng kaba.
"He's not just a successor, he's more way higher than that." sambit ni Natan na nakangiti pa rin
Naalala ko ang sinabi niya kanina, yung anak daw ako ng hari. Possible ba yun? Na isa akong anak ng hari?
"Paano mo nasabi?" tanong ni Lia kay Natan na ngumisi sa kaniya.
"Trust me, he knows everything." sabat ng isang babae, hanggang balikat ang buhok ito at may bangs pa.
"How sure you are with that?" tanong naman nitong kasama ko na nasa tabi ko.
Ngumisi ang babae, "You're questioning the ability of a minor God?" tanong nito na ikinatingin ko sa kanila.
"Minor God?" tanong ko, dahil sa pagkakaalam ko ay hindi sila madalas nagpapakita sa mga tao.
"I am a minor God and soon to be one of the major God. I am Natan and I know everything." sumabat ang nakangiting si Natan.
"Kulang pa ba ang nakita mo ang lagi niyang pagkabuhay?" tanong na naman nung babae.
"He's immortal, Nicnic. And yes, he's a minor God. God of Judgement." sumabat na muli si kuya Aiden.
Napatitig ako sa kanila dahil hindi ko parin maintindihan. Kaya ba ganito na lang kakaiba ang aura at dating niya? Kung titingnan mo ay papasa siya bilang God dahil sa gandang lalaki niya.
"Anong ibig sabihin non?" tanong naman ni Dirk, napatingin sa kaniya si Natan at nakangisi.
"I know every details of creatures in this world- I know everything, I am the God of Judgement, ako ang hushusga sa kasalanan ng lahat, kahit ng mga mortal at ako ang magpapataw ng parusang nararapat sa kanila. Minor God palang ako dahil sa bata palang ako pero hindi sa pagmamayabang pero mas malakas pa ako sa four major god na kinikilala mo." mahabang sagot ni Natan, lahat kami nawindang sa sinabi niya at mas lalo akong naintimidate dahil sa pag ngiti niya.
"Gulat kayo no?" tanong nitong babae at natatawa pa ito.
"I can't believe that I'm seeing one of the God, their beauty is indeed beyond our expectation." sambit ni Ayessa na ngayon ay nakalapit na pala.
Natawa si Natan, "Thank you for the compliment." anito.
"So paano Aiden? Una na kami." paalam nung babae at ngumiti sila kuya Aiden at Lia.
"Ingat, Naia." sambit ni kuya Aiden. Naia pala ang pangalan non.
Nagsimula na ulit silang maglakad palayo pero nagsalita ako kaya napatigil sila.
"Thank you pala." saad ko kaya napalingon sila.
Napangisi si Natan at dahan dahang lumapit sa akin, "You know what? You can be like me. You have a blood of a God and when the right time comes, trust me, you can execute that creature in just a snap. You hold the power of the three major Gods, you're the chosen Gifted, Nicolai." saad niya at ngumiti sa akin.
"A-ano?" nautal kong tanong.
Alam kong maging ang mga kasamahan namin ay nagulat sa sinabi ng God of judgement. Wala kaming karapatan na kwestiyonin ang salita ng isang diyos.
"And also, don't thank me. I did it because that's one of the mythical creature, mas rare mas malaki ang points para sa school namin." ngumisi ito at tumingin sa amin. "Ngayong nandito na ako sa Seralo High, expect the changes of the rankings." huling sambit nito bago tumalikod at nagsimula na silang lumakad palayo and in just one blink they disappear like a bubble.
"Mayabang din pala ang isang yon porket isa siyang God." naiiritang sambit ni Fred kaya napalingon kami sa kaniya at ganoon na lang ang gulat namin nang makitang nasa likod na niya si Natan at nakangiti.
"And that's because I have all the rights. Magyayabang ako dahil may ipagyayabang ako, watch your mouth, Mortal. See you all in School War." sambit nito at bigla na lang naglaho. Napatingin kami kay Fred na mukhang natakot sa uri ng salitang binitawan ni Natan.
Nakangiti man ang nasabing diyos pero hindi mapagkaka-ila ang nakakatakot na boses nito. Sa isang ngiti niya lang ay kayang kaya ka niya tapusin.
°°°
BINABASA MO ANG
The Chosen [BxB]
Teen FictionThis story will tell the story between two rival school. A war between the 2 school President will they keep their pride when they fall in love with each other or will they accept the mystery will they found with their schools? The secret of their...