Chapter 2 : Dirk Calyx

211 11 0
                                    

°°°

Nicolai's POV

"Hayaan mo na yun! Mayayabang talaga mga Davson." Pagpapalubag loob ni Ace sa akin na sinamaan ko lng ng tingin.

"Bwiset ka hindi mo man lang ako tinulungan kanina." Singhal ko sa kaniya na tinawanan niya lang.

Papunta ako sa principal's office at nakisabay lang sa paglalakad si Ace dahil dito rin naman yung daan papuntang building ng mga Senior High.

Nagpaalam lang kami ni Ace sa isa't isa bago ako pumasok ng principal's office.

Kumatok muna ako bago ko buksan, "Good morning, Ma'am." Bati ko kay Ms. Smith, principal namin.

Ngumiti ito, "Good morning din, Mr. Ponce." Bati nito pabalik, pumasok naman ako at agad na maingat na nilapag yung mga papel sa table niya.

"Here's the papers of the transferee, ma'am." Sabi ko at tinanguan naman niya ako.

"Thank you, and by the way, have you already check the funds of the school?" Tanong ni Ms. Smith, napangiwi naman ako sa tinanong niya.

Diba dapat sa treasurer niya tinatanong to?

"Not yet, ma'am, I'll ask Tricia for that." Nakangiti kong sagot.

She nodded, "Okay." Tipid na sagot nito.

Nagpaalam na ako at saka lumabas ng office niya. Kahit hindi ko gawain ay sa akin itinatanong, wala ba siyang tiwala sa ibang officers? Hays.

Dumeretso agad ako sa room dahil malapit na magsimula ang first subject namin. Hindi ko kaklase si Ace kasi nasa ABM siya, gusto niya raw mag Accountancy.

Natawa nga ako nung una pero seryoso siya, I mean matalino naman siya kaso baka mahirapan siya ron, sakit pa naman sa utak non.

Wow! Nahiya naman sayong STEM student.

Yes, I'm a STEM Student. Gusto ko maging Doctor eh pero anong kinalaman ng Calculus sa Medicine! Shet na malaki talaga!

Pagkapasok ko sa room ay binati agad ako ng mga kaklase ko, nagsitahimik naman silang lahat dahil ayaw ko talaga sa lahat ay maingay pero minsan ako nangunguna sa ingay.

"Balita ko muntik ka na raw mabangga kanina ng isang Davson, Pres?" Tanong ni Karl, class president. Dapat nga ako ino-nominate nila pero tumanggi ako kasi sinabihan na ako ng homeroom teacher namin na tumakbo ako bilang School President.

"Oo yung kanina, ang yabang non! Porket naka lamborghini siya." Nakasimangot kong saad nang biglang may tumili sa klase.

Si Maria yun. Kabaliktaran ng pangalan niya sobrang kalog niya, napaka-ingay pa.

"Wahhh! Si Calyx yon!!!" Sigaw niya at nagsunod sunod na nang sigawan ng mga babae.

"Tahimik!" Sigaw ko at nagtahimikan naman sila, "Sino ba yon?" Curious kong tanong kay Maria.

"Nako, Pres! Hindi mo kilala yon? He's the famous Davidson School President! The handsome and tall as hell, Dirk Calyx Cervantes!" Tumili na naman si Maria na sinundan na naman ng mga kaklase ko.

Hindi ko na sila sinita dahil nabaling ang atensyon ko sa pangalan ng lalaking yon, sounds familiar pero hindi ko matandaan kung saan ko narinig, pero baka naman narinig ko lang sa tabi tabi kasi diba? Famous daw.

Ilang saglit lang ay dumating na ang teacher namin sa basic calculus. Hindi naman ako hangal dito sa subject na to, ano lang joke joke lang yung reklamo ko.

Actually lahat kami active sa subject na ito, nung una nga maraming walang alam dito at walang balak na aralin to eh ang kaso tinutulungan naming matatalino ang iba para makasabay sila.

"Karl, ikaw na ang mag-group sa mga kaklase mo dahil magkakaroon tayo ng game sa susunod na lecture, be prepare kasi may premyo yon!" Nakangiting sabi ni Sir Alejo.

"Yes, sir!" Sagot ni Karl.

"Class dismiss."

Pagkalabas ni sir Alejo ay nag-ingay na naman mga kaklase ko kasi nag-announce si Karl na wala yung teacher namin sa next subject, ganito talaga mga kaklase ko tuwang tuwa kapag walang teacher.

Nagpaalam na lang muna ako kay Karl na pupunta munang library kasi may kailangan akong hanapin para sa isang subject namin, assignment talaga yun eh.

Wala naman akong sariling laptop or computer kasi ayaw ko pa magpabili, siguro kapag college na ako.

"Pres, pinapatawag ka sa office." Napatigil ako sa paglalakad ng lumapit si Anna, School Secretary.

"Bakit daw?" Tanong ko sa kaniya, sumabay na ako sa paglalakad mukhang papunta naman siya ron.

"May ia-announce yata ih." Sagot niya at nagkibit balikat.

Nagpunta agad kami sa office ng principal at dumeretso sa meeting room, nandon na lahat ng mga officers at kami na lang pala ni Anna ang kulang.

"Finally." Bumuntong hininga pa si Asher, School Vice President, mayabang talaga tong lalaking to at mainitin pa ang ulo.

"Manahimik ka nga." Sita naman sa kaniya ni Mica, School Treasurer na laging kaaway ni Asher.

"Oh wag nang sasagot, mag aaway na naman kayo." Singit naman ni Faye, School Peace Officer.

"Eto kasi!" Sabay na tugon ni Asher at Mica na nagsamaan pa ng tingin.

"Nako! Diyan nagsimula ang lolo't lola ko." Singit naman ni Ace, School Escort. Oo yung best friend ko School Escort, captain pa ng Basketball.

"Che!" Anas ni Mica.

"Yuck!" Saad naman ni Asher.

"Magsimula na nga tayo, nasaan ba si Ms. Smith?" Pag singit ko na lang at natigil naman sila pag aaway.

Nagpunta na ako sa desired seat ko at naupo, may papel sa lamesa kaya kinuha ko ito at nakitang iyun yong ia-announce.

"May biglaang meeting si Ms. Smith with the directors, ayan daw yung announcement, basahin mo na lang daw." Saad ni Asher na tinanguan ko bago binasa yung announcement.

"Evaluation? Magkakaroon ng Evaluation ang appearance ng school natin? At ang mage-evaluate non ay mga taga ibang school?" Nakakunot noo kong tanong na nakapagpakunot ng noo nila.

"What? Bakit parang iba ngayon?" Si Asher.

"Oo nga no? Ano kayang meron?" Si Mica.

"Ganon din yata tayo sa ibang school, pupunta tayo sa ibang school para i-evaluate rin sila, babase yata sa kalinisan at estudyante yan." Singit ni Ace.

Napatingin ako kay Ace, "Bakit parang alam mo na kung anong gagawin dito?" Tanong ko kay Ace na nag-iwas din agad ng tingin.

"Hula lang." Sagot niya at tinitigan ko pa siya.

Something's fishy.

°°°

The Chosen [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon