Chapter 14 : Hedry

114 10 1
                                    

°°°

Jhon's POV

Nandito na kami muli sa dorm, bukas pa raw umpisa ng class, kumpara sa real world ay late ng umpisa ng klase rito.

Kanina nung nag-announce ay nakatunganga lang ako, wala rin naman akong maintindihan. Nagkakita rin kami nila Faye kanina pero hindi nakapag-usap dahil bawal mag-usap kanina sa loob.

"Ready na ba?" Tanong ko kay Ace, siya kasi nag-luluto hindi naman kasi ako marunong.

"Wait lang malapit na." Sabi ni Ace at maya maya lang ay hinain na niya.

It's just a pasta, request ko sa kaniya kasi nakakatamad kumain ngayon ng marami kasi mamaya napag-pasyahan namin nila Faye na lumabas ng Washington High para pumunta sa pamilihan dito, maliit lang ang dimension na ginawa nila.

Nandito lang ang apat na school, ang pamilihan, ang gubat, battle field kung saan ginaganap ang Battle of the Schools or mas kilala biglang School War. Taon taon daw iyon kung gawin at sa ngayon ang Davidson ang nangunguna sa ranking ng schools, sumunod ang Washington, sumunod ang Aerilium High tapos ang Seralo High.

Napag-alaman din namin na si Echo ang head dorm kaya pala siya yung unang bumungad sa amin kanina.

"Diretso agad ba tayo sa store?" Tanong ni Jace, kasama namin siya pati na si Trina.

"Oo nga diretso ba agad? Di muna kayo pupunta sa Fa'tic Shop?" Tanong ni Trina na ikinatingin namin sa kaniya.

"Fa'tic Shop?" Tanong ni Tricia, sa amin talaga siya ang mahilig mamili.

"Yes! Ang astig ng shop na yun! Doon mo makikita kung anong nababagay na weapon niyo, swerte kayo kung yung mismong weapon niyo ang pipili sa inyo." Sagot naman ni Jace, mukhang naging hyper siya.

"Interesting." Saad naman ni Blue.

At ayun na nga, sa Fa'tic shop kami nagpunta. Maliit na store ito sa labas pero pagpumasok ka akala mo nasa ibang mundo ka na sa sobrang lawak niya. Coming from the word Fantastic, this shop is indeed fantastic.

"I need this! Wahh!"

Napatingin kami kay Jace na may hawak na belt, it has a design of sea creature. Mukhang tama ang hinala ko, may kinalaman sa tubig ang gift niya.

"500 lang." Saad nung matanda na mahaba ang buhok na makapal tapos makapal na bigote't balbas, mukhang siya yung nasa harry potter ba.

"Mura lang pala." Ani Jace at ibinuka niya yung palad niya na may pink pearl, sa pagkakaalam ko sobrang mahal ng halagang yun.

"Hoy isda ka wala akong panukli!" Natatawang sabi ni Elfie, elf daw kasi siya.

"Kasya na siguro yan para sa aming lahat no?" Tanong ni Jace at napa-isip naman si Elfie at tumango.

"Yes, sobra pa."

"Edi keep the change."

Lumapit ako kay Zach at bumulong, "Paano siya nakakuha ng perlas?" Tanong ko.

Napatingin naman agad sa akin si Zach at saka ngumiti, sinenyasan niya akong tumingin kay Jace at ginawa ko naman.

Unti unting napanganga ang labi ko dahil sa pag-suot niya ng belt niya ay naupo siya sa sofa rito sa shop ni Elfie at unti unting naging buntot ng isang isdang paa niya, kaya ba isda ang itinawag sa kaniya ni Elfie kasi literal na isda siya!?

"Wow!" Chorus na saad ng mga kasama ko.

Ako ay namamanghang nakatingin sa napakagandang buntot niya, he's a merman, nagkaroon siya ng fin sa may braso niya, may mga kaliskis siya sa braso at ang ulo niya ay nagkaroon ng head crown na gawa sa pearl.

Pero mas na-akit ako sa buntot niya na kakulay ng I.D lace niya, napakaganda.

"He's a merman and a pearl manipulator." Saad ni Zach na lalo namin ikinamangha.

Kaniya kaniya na kaming kuha ng weapon, and some of us get armors lalo na sa mga gift na hindi masyadong malakas umatake kagaya ni Mica na healing, kumuha rin naman siya ng weapon pero baril ito.

"Ikaw? Anong kukuhanin mo?" Tanong ni Ace sa akin na may suot suot na bracelet na may chains connected to the five rings na nakasuot sa mga daliri niya, it looks like Kurapika's chain.

"Hindi ko pa ng alam, wala akong magustuhan." Saad ko naman saka kinuha kamay niya at tiningnan ang bracering chain niya.

"Astig no? Bagay na bagay sa akin." Nakangiting saad ni Ace na tinanguan ko, para sa kaniya na metal manipulator nako.

Naglakad ako palibot sa shop habang nag-hahanap kung ano ba ang bagay na weapon or armor sa akin. Habang naglalakad ay napatingin ako sa isang kwintas, ang ganda nito.

Kinuha ko to pero kaagad akong napabitaw dahil sa bigla itong uminit, parang ayaw niya magpa-hawak.

"Sadyang pihikan at mapili ang kwintas na iyan, hindi ko rin mawari kung ano ba ang husto niyan." Bungad ni Elfie na tinguan ko at tinitigan ang kwintas.

Kakaiba kasi siya, color black siya na bato tapos kung titingnan mo ng maigi parang may apoy sa loob niya, napasimangot na lang ako kasi kung kailan may nagustuhan ako saka bawal.

Naglakad ako hanggang sa wala nga akong makita, napabuntong hininga ako saka lumapit kila Ace.

"Wala pa rin?" Tanong ni Ace na inilingan ko.

"Sword na lang kaya, Pres?" Tanong naman ni Anna.

"Bagay sa kaniya bow and arrow eh!" Singit naman ni Tricia.

"A whip will do." Nakangiting usal ni Cathy, Deathly Stares is her gift, absent nga pala siya noon nung nagsabi kami ng mga gifts namin.

Nagsimula silang magtalo talo kung ano ba ang dapat na weapon ko, kung ano anong nisu-suggest nila not until may nakaagaw ng pansin namin, sa isang cabinet na naka-lock, bawal daw yun puntahan eh sabi ni Elfie.

Closed yung cabinet na yun it means hindi namin nakikita kung anong nakalagay sa loob nito.

"Weird." Saad ni Elfie at dali daling lumapit sa cabinet na 'to.

Lahat naman kami ay lumapit dito at sobrang curious kami kasi, may kakaibang energy kasi na nagmumula sa cabinet.

Binuksan ni Elfie ito at kaagad kaming napatakip ng mata dahil sa sobrang liwanag nito, as in sobra talaga.

Unti unting nawala ang ilaw at nang mag adjust ang paningin namin ay napatingin kami sa cabinet pero walang nakalagay roon, tanging maliit na unan lang na puti ang nandon.

"Paanong nangyaring wala iyon!?" Nagpa-panic na tanong ni Elfie.

"Ang alin po?" Tanong naman ni Trina.

"Oh my god!" Sigaw ni Anna at nakatingin sa akin.

Lahat sila ay napatingin sa akin, nagtaka naman ako sa naging reaksyon nila.

"The head dress of the king." Saad naman ni Elfie habang nakatingin sa akin, "The Hedry chose you." Dugtong nito habang nakangiti.

"Hedry? The powerful head dress of Yvann, God of Sky and Heaven!?" Gulat na tanong ni Trina na ikinagulat naming lahat.

Hinila ako ni Elfie papunta sa harap ng salamin, makita ko ang itsura ko at may suot akong isang head dress na sigurado akong isa itong kidlat, but it's a combination of color white and yellow.

Gumagalaw ito na parang umiikot sa ulo ko, may patusok na part ang nasa noo ko, natatakluban ng bagsak na buhok ko ang head dress pero kita ang part na may patusok pababa ang nasa noo ko.

"Only his child can wear it."

°°°

The Chosen [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon