Chapter 1 : Presidents

394 13 0
                                    

°°°

Nicolai's POV


"Ma! Pasok na po ako!" Sigaw ko habang nababa sa hagdan.

Oh Hi there! I am Jhon Nicolai Ponce and I'm already 17 years old! I'm currently grade 12 student sa Washington High, scholar ako diyan kasi di naman kakayanin ng pamilya ko ang makapagbayad sa private school na yan.

I mean, may kaya naman kami sa buhay pero para makatulong na rin nag-apply ako bilang scholar, hindi naman ako nahirapan dahil sa talino ko rin naman. Hindi sa pagmamayabang pero matalino talaga ako.


"Kumain ka muna, Nicnic!" Sigaw ni Mama pagkababa ko ng hagdan, siya ay nagha-hain ng pagkain sa lamesa.


"Ma! Ang pangit ng Nicnic na yan! Nagmukha pa akong peste." Reklamo ko pagkalapit sa kaniya, "At saka isa pa, Ma, may kailangan akong tapusin sa school ipapasa na ngayon yun." Saad ko habang nagpapalaman ng bacon sa loaf bread.

"Hay nako naman, Nicolai, sinasabi ko sa'yo hane! Hindi ako tutol simula una diyan sa pagiging school president mo pero sana naman alagaan mo ang sarili mo." Sermon naman niya na ikinangiti ko.

Iba talaga kapag nakikita mong ganito ang magulang mo, kahit na sinisigawan ka pa nila okay lang at least alam mo na may care sila sayo.

"Ma, hindi ko naman pinapabayaan ang sarili ko po." Sabi ko naman at kumagat sa loaf bread.

"Hon, hayaan mo na si Nicolai, malaki na yan alam na niya ang tama at mali." Singit naman ni Papa na kakalabas lang ng kwarto nila ni Mama.

Nasa baba kasi ang kwarto nila ni Mama habang ang kwarto naman namin ni ate ng nasa taas.

Dalawang palapag lang ang bahay namin, sakto lang para sa aming pamilya, si Papa ay nagt trabaho sa isang kompanya, sa isang kilalang firm, di ko na sasabihin pangalan nung firm basta yun na yon. Hehe.

"Kinampihan mo na naman yang magaling mong anak!" Singhal naman ni Mama kay Papa na hinalikan lang nito sa sentido.

"Pa, baon." Malaki ang ngiti kong sabi kay Papa, kay Papa na syempre kasi malaki magbigay ito ng baon.

"Hayon! Laging sa ama mo ikaw nahingi para malaki hano?" Sarkastikang sabi ni Mama na tinawanan lang namin ni Papa.

"Hayaan mo na at kailangan din niya sa school, what if may biglaang project or ambagan diba?" Kunsinte ni Papa.


At hayon nagsagutan na naman sila, actually si Mama lang nagr-rap tapos si Papa ay kalmado lang at minsan ay inaasar pa si Mama.

Nailing na lang ako habang palabas ng bahay, wala si ate kasi nasa dorm niya siya. College na yun eh BSBA ang course niya eh malayo ang pinasukan niyang University kaya nag-dorm siya, gaya ko ayaw niya rin umasa sa magulang namin kaya working student siya pero nalapit din naman siya kila Mama kapag di na talaga niya kaya yung gastusin.

I'm on my way to Washington High, and yes, I am school president, naging school president ako nung grade 10, dahil sa galing at talino ko raw kaya nila ako binoto at sabi pa may leadership skills daw ako, sus!

Tungkol naman sa school ko? Wala na akong ibang masasabi dahil sobrang ganda naman talaga nitong school na 'to, lalo na ang uniform!

White short sleeve polo na may kulay dark brown line sa sleeve nito, may brown neck tie. Pinatungan ito ng beige knitted vest na may badge ng school sa kaliwang dibdib nito. Tapos dark brown slacks and a white shoes. Depende na sayo kung kahit anong kulay ng sapatos gusto mo.

"Hi!"

"Good morning, Pres!"

"Cute Nico!"

Nginingitian ko lahat nang bumabati sa akin, napaayos tuloy ako ng eye glasses ko dahil sa kakangiti. Hindi naman makapal yung salamin ko tama lang dahil hindi pa naman mataas ang grado ng mata ko.

Iyang grade lang na yan ang ayaw kong tumaas!

"Nico!"

Napabaling ako sa sumigaw at nakita ko si Ace, best friend ko since childhood. Sobrang dikit niya talaga sa akin kaya hindi rin malabo na madamay ako sa nasasangkutan niyang away.

"Oh hindi na nmn ayos polo mo, nasaan ang vest mo?" Tanong ko agad sa kaniya pagkalapit niya,"Ang ID mo pa." Dugtong ko sa kaniya na agad niyang kinasimangot.

Si Ace Serriano. basagulero at mayaman na babaero. Oo, babaero to kung sino sinong babae ang dine-date lagi pero kahit ganoon best friend ko pa rin to.

"Grabe namang agang sermon nyan, Pres!" Reklamo ni Ace.

"Paanong hindi ka sesermonan ay ganyan agad ang ayos mo." Anas ko naman sa kaniya.

"Oo na nga, pero samahan mo muna ako sa cr mag-aayos ako." Sabi niya pero umiling ako.

"May kailangan ako ipasa kay Ms. Principal." Sabi ko sa kaniya na ikinaikot ng mata niya.

Nandito pa nga pala kami sa kabilang bahagi ng kalsada sa tapat ng Washington High, nag-red light na ang traffic light kaya pwede na kami tumawid, walking distance lang naman ang bahay namin sa school na 'to kaya hindi talaga ako mal-late.

Malapit na sana ako sa kabilang kalsada nang lumipad yung isang index card kaya padabog pa akong bumalik para kuhanin yon, may ilang seconds pa nama bago mag-green light.

"Shet kang index card ka-puta!" Napa-sigaw ako at natumba pa dahil sa gulay ng bumusina yung kotse na nasa tapat ko.

Woooo lamborghini!

"Can you make it faster!? What are you? A main character in a story who's picking up his stupid thing!? Get out of my way! I'm late now!" Sigaw ng lalaking lumabas, naka-sun glasses pa ito at naka suot ng white polo na may black lining sa collar nito na may black neck tie na pinatungan ng navy blue coat na may logo ng school nila sa kaliwang dibdib nito.

A Davidson High Student.


"Hey! Are you now asleep!?" Sigaw nito sa harapan ko at pumitik pa na nakapagpabalik sa akin sa katinuan.

Shet na malaki! Nakakahiya nakatingin na sa akin ang mga tao habang si Ace ay natatawa lang sa'kin! Nice! Kaibigan nga naman!

"Ano bingi ka ba? I said, late na'ko!" Sigaw ng lalaking kaharap ko kaya nagulat na nman ako.

"Eh bakit ka ba sigaw nang sigaw diyan!? Kanina ka pa ah!" Sigaw ko pabalik, hindi naman nagkakalayo ang height namin kaya di ko uurungan tong hinayupak na to.

Napaawang ang labi niya, "You're shouting back, huh? Argg! Fuck! Get out of my way, I'm already late! Idiot!" Anito at itinulak tulak pa ako papunta sa pwesto ni Ace na pinapanood lang ako.

Nakanganga ako habang pinapanood siyang bumalik sa kotse niya at pinaharurot ang kotse paalis!

Yabang talaga! Bwisit na Davson yun! Hintayin niyo lang ang School Competition! Talagang totodasin ko kayo!

°°°

[A/n: Davson : Davidson Student]

The Chosen [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon