Chapter 27 : First Encounter

102 5 0
                                    

°°°

Jhon's POV

"Aww!" Reklamo ko kay Fred na gumagamot sa sugat ko sa likod ng ulo ko.

Nandito kami sa may malapit na public clinic, may iba pa kasing inaasikaso ang nurse rito kaya nag-volunteer na lang si Fred na gamutin ako.

Nasa loob din silang lahat, at si kuya Aiden ay nanenermon ang tingin, si Dirk ay nakakunot ang noo habang ginagamot ako, syempre si Hannah nakalingkis parin sa kaniya.

"Nawala lang ako tapos napahamak ka na, Nicnic." Sermon ni kuya Aiden kaya napanguso na lang ako.

"Di ko naman kasi akalain na ganon ka-agresibo yung adik na yun." Sagot ko at narinig ko ang bungisngis ni Jacq.

"Ang tabil kasi ng dila mo." Singit ni Fred na ikina-awang ko ng labi saka masama siyang tiningnan.

"Aba ikaw na nga ang tinulungan don nanenermon ka pa!" Asik ko at inirapan siya.

"I didn't seek for your help." Sibat ni Fred kaya nag-init ang ulo ko, "Fuck!" Singhal ni Fred saka napalayo sa akin dahil nakuryente siya sa kinauupuan ko.

"Tumigil na nga kayo, bilisan niyo diyan at tayo'y uuwi na." Singit ni kuya Aiden at parehas na lang kaming umirap ni Fred sa isa't isa, si Jacq na ang nagpatuloy ng panggagamot sa akin dahil baka mag-away na naman daw kami.

Sinalubong kami ni Ace sa labas ng Washington, kakaunti na lang kasi ang students na nandito dahil hapon na.

"Kasama namin sila Jacq kanina." Saad ko pagkalapit namin, napasimangot naman agad si Ace.

"Ayyy nakakainis naman, hindi kasi ako sinama ni Fred!" Reklamo ni Ace saka nagdadabog na tumabi sa akin.

"Tsk!" Fred.

"Teka bakit may benda ka?" Tanong ni Ace saka ako hinarap kaya napatigil kami sa paglalakad, "Si Fred ba gumawa nito? Teka papakainin ko ng bakal yan." Asik ni Ace at susundan sana si Fred na tuloy tuloy lang na naglakad, pinakita pa nito ang middle finger niya sa amin.

"Teka, hindi! Napaaway kasi siya kanina tinulungan ko lang tapos engk nadamay ako." Pagku-kwento ko at natatawa pa pero sinamaan ako nito ng tingin.

"Nako naman, Nico. Tara na nga at magpahinga at magro-ronda pa tayo mamaya." Sabi niya at hinila na ako kaya wala na rin akong nagawa kundi magpatianod sa kaniya.

Pagkarating namin sa old library ay nakaluto na si Lia at kumain na lang kaming lima. Pagkatapos ay nag-usap lang kami about sa pag-ronda, maghahati kami sa tatlong grupo.

Si kuya Aiden ay mag-isa lang dahil kaya naman na raw niya ang sarili niya, habang si Lia ay kasama si Ace, umangal pa nga si Ace na gusto niya ako kasama pero di pumayag si kuya Aiden dahil parehas daw kaming baguhan sa mission kaya ang ending na kay Fred na naman ako!

"You all ready?" Tanong ni kuya Aiden at tumango naman kami.

Si kuya Aiden na may singsing na sea creature ang design. Si Lia na may gloves na gawa sa vines. Si Fred na may kakaibang sapatos, medyo nagg-glow rin kasi siya kahit nasa dilim. Si Ace na suot ng bracering niya habang ako ay suot ang Hedry.

Pagkalabas namin ng old library ay madilim na at nagni-ningning na ang buwan at bituin.

Napahawak pa ako sa braso ko dahil sa biglang hangin, ang lamig nito sobra. Naka sleeveless gray shirt ako at black skinny jeans na pinaresan ng sapatos.

"Sleeveless pa kasi." Rikig kong saad ni Fred na nginiwian ko lang.

Pagkalabas namin ng Washington ay tiningnan ko pa ang relo ko sa left arm, it's 11:43pm, malapit na mag-12 kung saan aatake ang mga abyss. Hindi ko alam bakit wala man lang nakakaalam sa mga tao na may kababalaghan nang nangyayari sa lugar nila.

Humiwalay na sa amin si kuya Aiden na lumiko sa isang street, sila Lia naman ay sa kabilang daan pumunta.

Nakasunod lang ako kay Fred, medyo maliwanag ang dinadaanan namin dahil sa sapatos at buhok ni Fred, he's a walking sun kaya napabungisngis ako.

"Tinatawa mo?" Tanong ni Fred na tumigil pala kaya para akong tatalon sa gulat.

"W-wala! Jusmeyo." Sabi ko at napahawak sa dibdib.

"Tsk! We need to work faster baka may mauna pa sa ating taga ibang school." Sabi niya kaya napatango tango na lang ako at sumunod sa kaniya.

Wala naman nakakatakot na nangyayari eh maliban sa malamig na simoy ng hangin, naglalakad lakad pa kami at napatingin ako sa ere nang makita ko ang isang ibon, sobrang laki naman yata nito at sobrang bilis pa ng lipad.

Nakatitig lang ako rito at nakitang tao pala ito na may pakpak, kumaway pa ito sa akin at doon ko lang napagtanto na si Jacq pala ito.

Sing bilis ng kidlat ay nakababa siya sa harapan ko kaya medyo nagulat pa ako.

"Shit!" Singhal ni Fred na nasa may tabi ko at natingin sa paligid nang marinig ang bagsak ni Jacq.

"Nagro-ronda na rin kayo?" Tanong ni Jacq at napatingin ako sa ayos niya, shit na malaki dahil sobrang astig nang itsura niya.

"Isn't it obvious?" Sarcastic na tanong ni Fred na ikinatawa ni Jacq.

"Init ng ulo parang buhok niya." Saad ni Jacq bago tumingin sa akin, "Bakit naglalakad lakad kayo?" Tanong niya kaya napatingin ako sa kaniya.

"Kasi nagro-ronda?" Inosente kong sagot na ikinatawa na naman ni Jacq.

"Sira! Kasi lahat ng ibang school ay nasa kani-kanilang iisang lugar lang." Sabi ni Jacq na ikinalito ng isip namin ni Fred.

"Ha?"

"Wait for the exact 12am, may roong sign kung saan lalabas ang mga abyss, and it's for you to find out." Sabi ni Jacq at napaubo na lang ako dahil sa alikabok na naiwan niya dahil sa bilis ng lipad niya paalis.

Napatingin ako kay Fred na nagtatakbo na, napakunot ang noo ko dahil sa hindi niya ako hinintay.

Bwisit!

Napatingin ako sa relo ko at nakitang saktong nag-12:00 ito na ikinatigil ko sa pag-sunod kay Fred. Napatingin ako sa manhole sa kalsada ng umilaw ito.

Napa-atras ako at napatingin sa paligid, hindi ko na makita si Fred kaya nakakapag-taka na nawala siyang agad, ginamit niya ba ang sapatos niya?

"Pota!" Naisiwalat ko nang biglang tumalsik ang takip ng manhole at unti-unting may lumabas doong galamay ng pusit.

Unti-unti akong napa-atras, dahil nangalingasaw ang amoy imbornal na nanggaling sa manhole. Nakarinig ako ng sobrang lalim kasabay nang matinis na ungol.

Lumaki ang mata ko nang mawarak pa ang kalsada at lumabas ang dambuhalang pusit at ang nakakatwa rito ay ang nag-iisang mata niya sa ulo, at puro tinik ang ulo nito while ang galamay niya ay sobrang lalaki.

"What the hell." Sabi ko dahil sa pag-tingin sa akin nung nag-iisa niyang mata, nanlilisik ang mata nito kaya nakaramdam ako ng takot.

Jusmeyo ginoo ko! Tulonggggg!

°°°

The Chosen [BxB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon