Yes malapit ng mag-epilogue. Kapit lang guys. Thank you for reading this story talaga. This chapter breaks my heart. :(
-kathycarrot26
***
Id Ego Villadiego
Ginagawa ko ang lahat para maging maayos ulit ang kompanya, Mr. Melencion is helping us. Bumitaw na sa amin si Tito Enrique, wala na kasi siyang mapapala.
Sabagay, bakit mo hahawakan kung wala ka namang mapapala? Mas magandang bitiwan mo na lang kesa mawalan ka pa. And that's what happened to me. I gave my all, but I just end up on losing everything.
Everyday she is calling me, but I am not answering her calls. She even texted me, but I didn't reply. Wala na kaming dapat pag-usapan. Malinaw na sa'kin na pinaglaruan niya lang ako, she had her great show. Well, she is a good actress! Napabilib niya ako.
Tumayo ako, at sumilip sa bintana.
Why is she here? Nasa labas siya ng building namin. Nakaupo siya sa isang bench. Tanaw na tanaw ko ang mukha niya mula dito sa office ko.
Huminga ako ng malalim.
Halata sa mukha niya na malungkot siya, she seems pale, medyo pumayat din siya. But, I can't lie that she is still beautiful.
Napatingin siya dito sa taas kaya napalayo ako sa bintana.
What am I literally doing?
Biglang nagring ang phone ko.
Incoming call...Baby♡
Napaupo ako sa couch na malapit sa desk ko.
Nababaliw na ako. She ruined me, pero heto ako nami-miss siya. Ang buong pagkatao niya.
Accept the fact that you can't resist her.
That you can't hurt her.
And that you can't unlove her.
Sa hindi ko namalayang pagkakataon, biglang tumulo ang luha sa mga mata ko. Tears are just running down my face. F*ck it! F*ck these tears!
Dad just came in, so I wiped away my tears hurriedly.
"Why are your eyes red, son?"
Bigla niyang tanong. Napaiwas ako ng tingin, kaya tumingin na lang ako sa ibang direksyon.
"I didn't sleep well last night."
"Don't lie to me, you were crying because of her."
He didn't understand. Paano ba niya malalaman lahat? Eh wala nga siyang kaalam-alam.
Tumayo siya, at lumapit sa'kin. Bigla niya akong niyakap.
Hindi ko yun inaasahan.
26 years had passed.
Pero ngayon lang niya ako niyakap.
Is he my dad?
Baka ibang lalake 'to?
I just can't believe.
"Id. You love her, right? Fight for her."
Dad said.
"She hurt me. Dad, she is the reason of this problem. Kung bakit nagkaganito ang kompanya, she did it."
He just tapped my back.
"But you love her. You know, son I can build a new company. I saved enough money for a new business, hindi nga lang agad sisikat, pero I can do that. Alam kong tutulungan mo ako. Si Irish, iisang babae lang siya sa mundo. Hindi ka na makakakita ng kagaya niya, pero this business we can establish new one."
"Dad..."
"She might be regretting now, or maybe she didn't mean to do that. She changed you, kaya alam kong mabuti para sa'yo si Irish. Wag mo siyang sayangin. She is the best, like your mother, Id."
Niyakap ko si Dad pabalik. He wants to cheer me up, but I already lose the battle. Sumusuko na ako.
*
When I am about to go home, nakita ko siya sa parking lot. Nakatayo siya sa harapan ng kotse ko. Para bang pinapanood niya lang ang isang pelikulang paborito niya.
I can't talk to her.
I can't even look at her.
Feeling ko, ginag*g* ko na naman ang sarili ko.
Tumalikod ako sa kanya, pero nakita niya ako. She just called my name.
"Id..."
Parang isang anghel ang nagbanggit ng pangalan ko. Yung puso ko, parang gustong kumawala sa katawan ko.
G*g*.
She is not an angel.
"Please. Baby, let's talk."
Hindi ako humarap sa kanya.
Hindi ko kaya.
Bakit?
Parang pinipiga yung puso ko sa 'twing nakikita ko siya. Just like I gave my all because I thought her love was real. But, no it's not.
"We don't need to talk."
I heard her footsteps. It's getting nearer.
"I need to talk to you..."
Nawalan na ako ng pasensya.
"T*ng *n*! Ano bang hindi mo maintindihan sa we don't need to talk?! WALA TAYONG KAILANGANG PAG-USAPAN!"
I just can't say her f*ck*ng name.
Naramdaman ko ang pagtigil niya sa paglalakad patungo sa'kin. She just stopped at her place and talk again.
"Sige, hayaan mo na lang akong magsalita. I just want to say something Id. Just listen. Gustung-gusto kong sabihin sa'yo 'to kasi alam kong nagagalit ka sa'kin ngayon. I know, you are in trouble right now. Hindi lang ikaw pati si Tito Ignacio. I want to say sorry---------"
I just cut her off. I am tired of her lies.
"Will you please shut up?! Liar!"
Hindi siya natakot sa pagkakasigaw ko.
"God. I know you love me, and I do really love you, Id. Kung iniisip mong lahat ng sinasabi, sinabi, at sasabihin ko kasinungalingan, just identify this one as truth. I love you, Id. And sorry! Sorry for what I have done, I know, I was wrong...Sobrang miss na miss na kita...Please baby, forgive me. Mahal kita, at totoo yun."
Her sobs. Umiiyak siya.
Nakatalikod pa rin ako sa kanya, hindi ko kayang makita siyang umiiyak. Baka manghina ang mga tuhod ko, at bumagsak ako sa ground.
"T*ng *n*. Shut the f*ck up! I am sorry, but I don't love you, I didn't love you, either. Katawan mo lang ang nagustuhan ko, Please, kung may pride pang natitira sa pagkatao mo, wag ka ng pumunta sa office, and don't see me anymore. Goodbye."
Lalakad na sana ako paalis, pero sumigaw siya.
"You thought I would believe in you? Hindi mo nga ako matingnan sa mga mata ko. Hindi ikaw si Id! Gosh. Kung merong sinungaling dito, hindi ako yun Id. Ikaw 'yon!"
Hanggang wala na akong naintindihan sa sinasabi niya dahil lumakad ako palayo sa kanya. Tears fell from my eyes.
Sh*t these tears. P*t*.
Why am I so emotional? Sinabi ko yung gustong sabihin ng utak ko. Hindi yung gustong sabihin ng puso ko. Kung puso ko ang ginamit ko, hindi ko na alam ang mangyayari. Pero ngayong utak ang pinagana ko, umiiyak naman ako.
I just lost my self control.
BINABASA MO ANG
Lust Lasts (Completed)
Ficción GeneralLust (noun) : a strong feeling of sexual desire : a strong desire for something (c) Merriam Webster This story would contain explicit and implicit terms and words that may not be appropriate to young readers. There are also scenes that are not appli...