"Ayos ka lang, May?" tanong sa akin ni Danica nang makaupo kami sa isang kainan dito sa bayan. Tumango ako. Nanibago pa ako sa paraan ng pagtawag niya sa akin.
"Totoo? Nakita kong nag-iba ang ekspresyon ng mukha mo noong magpakilala si Rey John. Namumula rin ang mga mata mo. Lumuha ka ba? Bakit? May mali ba sa pangalan niya?"
Umiling ako. Nagbabadya na namang pumatak ang mga luha ko. "N-naalala ko lang 'yong nobyo ko."
"M-may nobyo ka?"
"Dati, pero nakipaghiwalay siya."
Nakita ko siyang ngumanga. "I'm sorry to hear that. Kaya ka ba narito para makalimutan mo siya?"
Umiling ako. "Hindi ko makakalimutan ang taong mahal ko. Masyadong mahirap at imposible."
"Kung gano'n bakit ka narito?"
Tumingin ako sa kaniya. Nakita ko sa kaniya ang pagkabahala na parang kahit ngayon ko lang siya nakilala ay handa siyang makinig at hindi ako huhusgahan. Parang nagkaroon ako ng Anne Marie dito sa lugar na ito.
"Para maging ligtas ang batang dinadala ko sa lahat ng sakit."
Mas lalong nanlaki ang mga mata niya. "B-buntis ka?"
Tumango ako. "At inilayo mo ang bata sa ama niya? Tama ba ang pagkaintindi ko?" Halatang nagpa-panic siya sa mga nalaman niya. Hindi ko alam kung matatawa ba ako dahil naaalala ko si Anne sa kaniya.
"Hindi ko nasabi sa kaniyang magkakaroon kami ng anak. Balak ko kasi sana siyang sorpresahin sa kasal namin."
"Ano?! Ikakasal ka na dapat? Sandali, hindi ko kinakaya ito!"
Kumuha siya ng tubig para inumin at kahit malamig sa lugar kung nasaan kami ay nagbukas siya ng pamaypay para paypayan ang kaniyang sarili.
"Bukod sa nababahala ako para sa 'yo, nag-aalala lang din ako sa kapatid ko. Alam kong mayaman ang mga taong nakapaligid sa kaniya at lalo na sa 'yo. Ano na lang ang gagawin nila sa kuya ko kapag nalaman ng magiging asawa mo na tinago ka ni kuya rito? Gayong buntis ka pa sa ex mo?"
"Hindi alam ng kuya mo na buntis ako. At sisiguraduhin ko namang hindi siya mapapahamak dahil sa akin. Kaya huwag kang mag-alala, kung mahanap man nila ako, hindi ko idadamay ang kapatid mo."
Tila ba nakahinga siya nang maluwag. "Hindi ako makapaniwala. Kaya ayokong mag-asawa, ginagawa niyang komplikado ang buhay."
Natawa ako sa paratang niya.
"Bakit? Hindi ka pa ba nakakaranas magmahal?"
Nakita kong nag-iba ang reaksyon niya. "H-hindi pa." Pero mukhang nagsisinungaling siya dahil nakita ko ang pamumula ng kaniyang pisngi.
"Crush? May crush ka, ano?"
"Hindi ako lumalabas ng bahay kaya paano ako magkaka-crush?" sambit niya.
"Syempre, pinupuntahan ka. Siguro isa sa mga manliligaw mo, crush mo," pang-aasar ko pa. Mabuti naman at nalihis ang usapan namin tungkol sa kaniya dahil ayokong umiyak dito sa kainan. Masyadong maraming tao.
"Hindi 'no! Kumain na nga lang tayo!"
Natawa ako bago piniling tigilan na ang pang-aasar sa kaniya. Natuwa ako dahil bumili siya noong pork na maliliit ang pagkakahiwa into cubes and then may kasamang onion and chili. Pinatakan din iyon ng kalamansi. Ngayon lang ako nakakain nito pero solid ang sarap.
Pagkatapos naming kumain, niyaya naman niya ako sa peryahan. Kaya pala may kasiyahan dito sa plaza ay dahil malapit na ang pyesta. Hindi ko na naman tuloy maiwasang maalala ang pagpunta namin ni Jhon Rey noon sa isang fair.
BINABASA MO ANG
Mr. Right (Mr. Series #3)
RomanceWarning: Mature Content | R18 MR. SERIES BOOK 3: Mr. Right Getting on her feet again. Sheen May decided to focus on her studies after her miscarriage. She doesn't want to get back with the man who repeatedly messed with her life and made her heart b...