"So, kailan ang kasal?" masiglang hirit ng dad ni Jhon Rey. Kapwa naman sila lumingon sa aming dalawa, pero mas nanaig ang tingin nila sa akin.
"As soon as possible po," sagot ko bago nilingon si Jhon Rey. Nakita ko na naman siyang lumuha. Bakit ba iyak nang iyak ang isang ito? Hindi niya ba alam na kanina pa ako nagpipigil?
"Then, katulad ng dati, kami na ang bahala sa venue," presinta pa ng daddy ni Jhon Rey.
"Dad, we wanted it to be an intimate wedding. Gusto ni Sheen May na katulad ng dati, mga malalapit lang sa pamilya natin ang naroon."
"Of course, anak. I know that." Ngumiti ang dad ni Jhon Rey sa akin. "The private, the better." I smiled back at him. I mouthed my gratitude and he just shook his head pleasingly.
Natapos ang pamamanhikan nang hindi namin namamalayan ang oras. Ginabi na kaming lahat.
"Next time, bumisita rin kayo sa residence natin para makapag-bonding tayong muli ng mommy mo," wika sa akin ng mommy ni Jhon Rey. "Alam mo na, mag-bake."
"Opo, mom. I'll make sure na bibisitahin ko kayo. Maybe after the wedding po."
Natawa siya. "Naku, mukhang matatagalan. Remember, may honeymoon phase after the wedding?"
Namula naman at nag-init ang pisngi ko. "M-mom naman."
"Ano ka ba? Basta, kung wala kang mapag-iiwanan kay baby Joshen, narito lang ako."
"At, ano itong naririnig ko?" Napalingon kaming pareho kay mommy nang magsalita siya. "Sheen May, kapag kailangan mo ng magbabantay sa baby mo, nandito ako."
Natawa naman ako sa pagbibiruan nilang dalawa. "Opo, tatandaan ko po iyan. Maraming salamat po sa inyo."
Niyakap ko sila nang mahigpit bago tuluyang nagpaalam para puntahan na si Jhon Rey sa sasakyan. Kanina rin ay kausap niya sila dad. Mukhang nagkakasundo na talaga silang tatlo.
"All set?" tanong niya nang makaupo ako sa tabi niya buhat-buhat si Joshen.
"Yes."
"Alright, let's go home." Iminaneobra niya ang sasakyan at tahimik naming binaybay ang daan pauwi.
*****
"Tulog na si Joshen?" tanong ko kay Jhon Rey nang makabalik siya sa kama.
"Yeah. How about you? Hindi ka pa matutulog?"
"Matutulog. Hinihintay lang kita," sagot ko. Napangiti naman siya tsaka pumasok sa kumot.
"Ilang araw na lang ay ikakasal na tayo. Hindi na rin ako makatulog sa sobrang excitement."
"Biruin mo, darating pa rin pala ang araw na ito. Akala ko hindi na."
"Bakit naman?" Ngumuso siya at tila ba nalungkot. Nakaharap siya sa akin habang nakaunan siya sa braso niya.
"Ang dami kasing nangyari. Halos mawalan na ako ng pag-asa."
"Wala ka bang tiwala sa akin? Sa atin. Mahal natin ang isa't isa kaya walang imposible, Sheen May."
"Ang dami nating pinagdaanan. Sobrang daming problema. Sobrang kumplikado. Hindi ko inakalang maaayos lahat ng gulo."
Hinaplos niya ang pisngi ko. "Because you fight so well, Sheen May. You are so brave and courageous. You are so strong to manage living despite all the sorrows. Kahit na isa ako sa mga nagpahirap sa 'yo. Salamat dahil lumaban ka para sa atin noon. Hayaan mo, babawi ako. Wala ka nang dapat pang ipag-alala dahil ako nang bahala sa lahat. I will do everything for you."
BINABASA MO ANG
Mr. Right (Mr. Series #3)
RomanceWarning: Mature Content | R18 MR. SERIES BOOK 3: Mr. Right Getting on her feet again. Sheen May decided to focus on her studies after her miscarriage. She doesn't want to get back with the man who repeatedly messed with her life and made her heart b...