Chapter 40

201 7 0
                                    

"Why are you being like this?" tanong niya na hindi sinagot ang tanong ko.

"What do you mean by why am I being like this, Jhon Rey? Hindi ba't iyon ang usapan natin? Babantayan mo lang ang anak natin saglit para makatulog ako. Tapos na. Nakakain na rin ako. Pwede ka nang bumalik sa kwarto mo at ibigay mo na sa akin si baby Joshen."

"Hanggang kailan mo balak ilihim sa akin ang anak natin? Kung hindi kita nakita rito, kung hindi nagkaroon ng lagnat ang anak natin, hindi ko malalaman ang totoo. Why would you do this?"

Napabuga ako. "Talagang tinanong mo pa ako. Nakalimutan mo na ba ang lahat? Tell me, why would I do this? Ask yourself."

"Bakit tayo nagkaganito, Sheen May?"

Nangilid ang luha sa mga mata ko, pero sinubukan kong pigilang umalpas. No, hindi na ako iiyak. 

"Kaya ba hindi ka uminom ng alak ng gabing iyon ay dahil buntis ka?"

Siya ang tumulo ang luha para sa akin. Now, mas lalo akong nakukumbinsi na parang hindi na siya ang Jhon Rey na kilala ko. Ako ang madalas umiyak sa aming dalawa, pero bakit siya umiiyak sa harapan ko?

"Now I see why you said those words... you were supposed to marry him after all, right? At dahil sa mga nagawa ko, tama nga, tama talaga na siya ang piliin mo kaysa sa akin. I don't know when I will forgive myself, Sheen May. I hate myself but here I am being greedy, holding our baby just to feel a little bit of relief because for all of the wrong I've done in my life, here he is... the only right thing I did. Having you pregnant with this cute little boy."

I averted my gaze. Tama siya, paano nga ba kami napunta sa ganitong sitwasyon? Masyado bang tutol ang langit para sa aming dalawa kaya nangyayari ang mga ito?

At ngayong nakita ko siyang muli, tsaka ko pa naramdamang pagod na pagod na ako? And worst of all, I don't love him anymore.

"Here." Iniabot niya sa akin si baby Joshen tsaka ako tinitigan nang matagal. Nagulat ako nang hawakan niya ang pisngi ko. Hindi ako nakapalag dahil hawak-hawak ko na ang anak ko. "I know your eyes and they don't look at me the same way. I understand why that happened." Ngumiti siya, ngiting hindi masaya kung hindi puro pait. "If ever you need someone to take care of the baby, just call my name. I would be glad to take that chance to see him and see you, Sheen May." 

"I'm sorry, Sheen May. I'm sorry for everything."

Iniwan niya na ako sa kwarto ko kasama si baby Joshen at tuluyan na siyang lumabas. Napabuntong-hininga na lamang ako dahil sa naging sagutan namin ni Jhon Rey.

*****

Lumipas ang ilang buwan na hindi kami nagkakausap ni Jhon Rey. Hindi ko rin naman kasi kailangan ng tulong niya. Kaya ko ang sarili ko at isa pa, hindi naman ganoon kahirap ang alagaan ang isang sanggol. Nangailangan lang talaga ako ng tulong noon dahil nataranta ako.

Hindi naman din ako kinukulit ni Jhon Rey o kung ano pa man. Alam ko lang na nariyan siya sa katapat na kwarto. Wala akong ideya sa kung anong ginagawa niya dahil minsan lang naman kami magkadaupang palad. Tinatanguan nga lang namin ang isa't isa kapag nagkakasalubong kami na para bang wala kaming naging relasyon noon.

I'm glad dahil hindi niya pinipilit na umuwi ako sa amin. Marami lang akong tanong kung bakit narito siya, pero hindi ko magawang maitanong dahil unang-una bakit ko naman iyon itatanong sa kaniya?

"Let's go, baby Joshen! Pupunta tayo sa grocery! Samahan mo ako, ha? Hindi naman kita maiiwan dito sa bahay. Hindi ko naman gustong ipabantay ka kay Aling Martha dahil alam kong abala din siya," pagkausap ko sa anak ko habang nakapatong siya sa baby carrier. Ngumiti lang siya. 

Mr. Right (Mr. Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon