"Sheen May."
Agad na bumilis ang tibok ng puso ko. Boses palang niya halos mabaliw na ako.
"Jhon Rey? Ikaw ba 'yan?" tanong ko. I asked. The sound of his voice almost moved me to tears.
"Oo, ako nga. Binura mo pala ang number ko."
"Oo, dati." Napakagat ako sa labi ko. "Pero ise-save ko na. Don't worry," dagdag ko pa. Hindi ko inaasahang tatawagan niya ako. Tila ba naging sapat na sa aking marinig ko lang ang boses niya at ngayon para akong tangang buhay na buhay.
"N-napatawag ka?" Shit. Bakit ako nauutal? Obvious ba na masyado akong naeexcite na kausap ko siya?
"I just missed you."
Parang may fireworks na sumabago sa likod ko sa sobrang taas ng kilig na nararamdaman ko. Shit. Shit. Sana hindi ko na lang sinagot ang tawag niya. Ito yata ang magiging kamatayan ko.
"Did you miss me too?"
Napalunok ako. Ganito ba talaga ang pakiramdam kapag kausap mo na ang taong mahal mo sa telepono? Napapapadyak ng paa sa kilig.
"Kung alam mo lang, Jhon Rey, kung gaano kita ka-miss. Nagsisisi na akong binura ko ang number mo."
Narinig ko siyang tumawa. Fuck. His laughter is killing me. I want to see that face-to-face!
"Kumain ka na?" tanong niya na nagpangiti sa akin.
"Oo, katatapos lang. Ikaw?"
"Mamaya pa. Hindi ako marunong magluto kaya nagpadeliver na lang ako. Hinihintay ko pa."
'Kung nand'yan lang ako sa tabi mo, ipagluluto kita." Sinubukan kong pakiligin siya, pero bakit parang ako 'yong naaapektuhan?
"Yeah, I wish you were here."
Sandaling katahimikan ang pumagitna sa aming dalawa. At ang katahimikang 'yon ay para bang nagbigay daan para mapakinggan namin ang tibok ng aming mga puso. I feel so in love. I want this feeling to remain in my memory. Lalo na itong tagpong ito na simple lang kaming magkatawagan.
"Nasa'n ka? D'yan ka ba matutulog sa bahay natin?" pag-uumpisa ko muli ng usapan.
"Oo, dito lang ako. Hihintayin kita rito hanggang maikasal tayo."
"Hindi na ako makapaghintay," sambit ko na naging dahilan ng muli niyang pagtawa.
"Don't worry. May kailangan lang akong gawin. Ikakasal din tayo kapag natapos ko na iyon."
"Ano 'yon? 'Yon ba ang dahilan bakit ka nag-drop out? Hindi na nga kita makakapiling, hindi pa kita makikita sa school," reklamo ko. Muli niya na naman akong tinawanan.
Ano bang nakakatawa sa pagsusumamo ko?
"Balang araw makikita at makakasama mo rin ako palagi. Baka magsawa ka."
Ako naman ang natawa. "Bakit ako magsasawa? Kapag ba paborito mo, magsasawa ka?"
Muli, tumawa siya. Kinikilig ba siya sa 'kin? Sabi na nga ba't may epekto na ako sa kaniya.
"Tama ka, hindi nga ako magsasawa sa iyo. Gagabi-gabihin kita."
Natawa ako. Kahit kailan talaga katawan ko ang habol niya sa akin.
"Gabi lang?" biro ko.
Pareho kaming humalakhak. "Tama nga si Rod, mabilis kang matuto. Matatalo mo pa ako."
"Syempre ikaw nagturo sa akin, eh."
"Mali, ikaw ang nagturo sa akin."
Kumunot ang noo ko. "Ng?"
BINABASA MO ANG
Mr. Right (Mr. Series #3)
RomanceWarning: Mature Content | R18 MR. SERIES BOOK 3: Mr. Right Getting on her feet again. Sheen May decided to focus on her studies after her miscarriage. She doesn't want to get back with the man who repeatedly messed with her life and made her heart b...