Chapter 29

210 9 0
                                    

"Let's break up."

Those words crushed me.

Natatandaan ko pang hinabol ko siya ng gabing iyon pero hindi niya na ako nilingon pa.

"Miss Velasco!"

At mabuti na lang naroon si Derrick para iligtas ako dahil muntikan na pala akong mabangga kahahabol sa lalaking hindi naman humihinto sa pagtakbo palayo sa akin.

After those words, wala na akong narinig na balita mula sa kaniya. It's been a week simula nang magkulong ako sa kwarto ko at hindi sinubukang lumabas. Ayokong lumabas, dahil alam kong sa paglabas ko, siya ang maaalala ko sa bawat sulok ng bahay na ito. Tama nang dito na lang ako sa kwarto ko. Kung may maalala man ako, limited lang. At makakaiyak ako nang walang nakakakita.

Everybody's worried about me and curious about what happened but I told Derrick to not tell anyone what he saw that night.

"Sheen May? I'm here. Can you please go out from your room? Nag-aalala na kami ng daddy mo sa iyo. Ano bang nangyari?" rinig kong tanong ni mom sa likod ng pinto ng kwarto ko pero hindi ako umimik. Ni isang tanong nila ay hindi ko sinagot.

They don't know what happened and wala sa plano kong ipaalam. Ayokong sa akin nila marinig ang balitang hiwalay na kami ni Jhon Rey. Mukhang hindi rin naman sinasabi sa kanila ni Jhon Rey kasi if they know, they surely won't ask. I don't know his plan and why he ended up asking for break up. Hindi pa rin malinaw sa akin ang lahat. Bakit kailangan niya akong hiwalayan kung pwede naman naming ayusin? May iba na ba siya? Hindi niya na ba ako mahal? And because of that, my anxiety grows. Muli na namang bumukas sa alaala ko na baka all this time, kasinungalingan lang ang lahat kung kaya't madali lang para sa kaniya ang hiwalayan ako. Tipong ilang buwan na lang ay ikakasal na kami, naisipan niya pa akong hiwalayan.

Sobrang sakit. Para akong pinapatay ng ilang beses. Ni hindi ko man lang nasabi sa kaniyang may baby na kami na iyon ang dahilan kung bakit mas pinili kong sabihing hindi ko siya mahal kaysa inumin ang alak na iyon.

Ilang araw pa akong nagkulong sa kwarto ko at pinipilit na sagutin ang mga bakit pero wala akong mahanap na kasagutan. Hinihintay ko na baka tumawag siya at bawiin ang lahat ng sinabi niya pero wala, wala siyang paramdam. Napatutunayan kong baka wala na nga kaming babalikan.

Muli na namang tumulo ang mga luha ko habang pinipilit na kumain. Nasa harap ko si Anne Marie na dinulutan at pinapanood akong sumubo ng lugaw na pinahanda ni mom.

Siya lang ang nakakapasok kahit hindi ko pahintulutan. Balak niya pang wasakin ang pinto ng kwarto ko kung magpumilit akong huwag siyang papasukin.

"I don't know what really happened that night but still you need to eat for your baby, Sheen May."

Her eyes were really concerned about me. Nakikita ko ring lumuluha siya dahil sa kalagayan ko. Malaki na ang abala ko sa kaniya pero kahit anong taboy ang gawin ko ay palagi niya pa ring pinipiling mag-stay. Sana ganoon din si Jhon Rey.

"I won't force you to say things to me but if you find your strength enough to tell me everything, I'll be here for you. I am always here, your best friend."

Napakagat ako sa labi ko. She's always here kahit noon pang nag-s-struggle ako sa aming dalawa ni Jhon Rey. I sighed. Naalala ko na naman siya. Akala ko kasi talaga okay na kami. Akala ko wala nang problema. I've been trying to do my best din naman to our relationship pero hindi ko inaasahang dahil lang sa hindi pagkakaintindihan ay maghihiwalay kami. Wala na ba talaga?

"I am not forcing you pero hindi ba't mas makabubuting lumabas ka rin? Mas lalo kang malulugmok kung narito ka lang."

Umiling ako. "Wala akong gana. Pakiramdam ko, wala na akong buhay. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa," sambit ko at muli na naman akong umiyak. "Wala sa hinuha kong maghihiwalay pa kami. Paano na ako ngayon? Wala akong magagawa ngayong iniwan niya na ako. Pakiramdam ko hindi ko na kaya pang mabuhay."

Mr. Right (Mr. Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon