Chapter 46

211 9 0
                                    

"Because it was his last money... the money he spent to bring you to Japan."

Nahulog nang kusa ang mga luha ko. 

"Oh, bakit ka umiiyak, anak?"

Umiling ako. "H-hindi ko lang po alam ang tungkol d'yan. All I know was he was so hardworking because it was his dream and it was because of his father but I did not know that there's something deep beyond his reasons."

At hindi ko alam na iaalay pa sa akin ni Jhon Rey ang huling pera niya para lang makapag-propose sa akin at madala ako sa pangarap kong lugar. 

"I hope you open up your heart to him, sweetie. He really loves you, I knew it from the start. Hindi lang niya siguro kayang i-handle ang nag-uumapaw niyang nararamdaman para sa 'yo. Sana ay bigyan mo pa siya ng huling pagkakataon. I know this time, magiging okay na ang lahat para sa inyo. Lalo na't may baby na kayo."

Napansin ko nga ang malaking pagbabago ni Jhon Rey simula nang malaman niyang may anak na kami. Para bang tuluyan niya nang naipakita sa akin ang right side niya. Naging mas maalaga siya sa akin, sa amin ng anak niya.

Nagpaalam na si mom at sandali niyang hiniram si Joshen dahil gusto niya pa raw itong makapiling bago kami umalis. Nabanggit na rin kasi namin sa kanila ang plano naming tumira na sa bahay namin noon.

Kahihiga ko lang sa kama nang bumukas ang pinto. Napalingon ako roon at nakita ko si Jhon Rey. "Tired?" tanong niya.

"Slight. Ikaw? Gusto mong matulog muna rito?"

"Can I?"

"Of course."

Ngumiti siya tsaka tumabi sa akin. "Anong pinag-usapan niyo ni dad?" tanong ko naman.

"Just a few things about us and what happened."

"Kinuwento mo ba ang nangyari sa akin?"

"I need to."

"What did he say?"

"He'll make sure that Quency will be in jail and that Jameson. Hindi rin ako papayag na hindi, Sheen May."

Napalingon ako sa kaniya. "Maraming salamat, Jhon Rey."

"Wala 'yon."

Matagal kaming nagkatitigan. At hindi ko alam kung ano na naman ang nagtulak sa aking halikan siya sa labi. Matagal bago niya ako binawian ng halik. 

"Pangalawang beses mo na akong hinahalikan, Sheen May. May ibig sabihin ba ang mga iyon?" pag-uusisa niya.

Ngumiti ako. "Nasanay lang siguro ako."

"Saan?"

"Na hindi ka tumatanggap ng thank you lang."

"Ahh." Napanganga siya at napangisi. "Right. Naalala mo pa pala?"

"Hindi ko naman nakalimutan."

"Pwede pala 'yon?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya. "Ang alin?"

"Ang halikan mo ang isang tao kahit hindi mo na siya mahal."

Ako naman ang natawa. "Oo naman, ginalaw mo nga ako kahit hindi mo ako mahal noon. Nakalimutan mo pang gumamit ng condom."

Nahiya naman siya sa sinabi ko at napakamot ng ulo. "Right, I was such a jerk. Hindi ko inakalang kahit ganoon na ang mga salita ko sa 'yo, gusto mo pa rin ako. But I guess, posible pala, kasi ganoon ang nararanasan ko ngayon. Kahit anong masasakit na salita ang naririnig ko sa 'yo, mahal pa rin kita. Pakiramdam ko, kahit paglaruan mo ako, ayos lang basta kapiling kita. Naging baliktad na yata ang mundo. Ako na ang patay na patay sa 'yo, Sheen May."

Mr. Right (Mr. Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon