The following morning, when I woke up, I felt someone gently touching my face. Nakita ko si Jhon Rey na at doon ko napatunayang hindi lang isang panaginip na nagkaayos na kaming dalawa. Agad ko siyang niyakap.
Nasasanay na akong palaging magkadikit ang mga balat namin.
"Nagluto ako ng almusal, let's go and eat." Napangiti ako habang pinipigilan na naman ang mga nagbabadyang mga luha.
"Give it a few more minutes, Jhon Rey," I replied, sniffing his scent, which was very addicting.
Narinig kong tumawa siya. "Alright."
Niyakap niya rin ako.
Sumampa ako sa hita niya at ipinilipit ang hita sa kaniyang bewang. Para akong batang nanghihingi ng atensyon.
"You're being clingy," bulong niya.
Natawa ako nang maalala ko ang linyang iyon.
"And if I am? I missed you so much, and I wanted to apologize for what I've said before."
"There's no need for you to apologize. I know and I understand. I have no reason to protest; I've done more wrong to you, so it's nothing compared to what I've done."
He tucked the remaining hair from my face to the back of my ear, just behind where it had been.
"I've been thinking about you way too much, Sheen May. I've been waiting for this moment to have you back in my arms."
I nodded. "Hindi ko rin inakalang narito ko na sa harap ko. Parang kailan lang, sobrang gulo pa ng lahat. Hindi ko alam kung anong nangyari, bakit ang saya ko na naman sa piling mo."
He kissed my forehead. "Sheen May..."
"Hmm?" I feel like I've been intoxicated by his kisses.
"I want to let your father know na nagkaayos at nagkabalikan na tayo."
Natawa ako at napangisi. That made me bring myself back to reality. "What do you mean by nagkabalikan? Ano ba tayo?"
Napakamot siya sa ulo. "Right, you got a point." Tila ba parang nag-isip siya. "Alright. Kukunin ko muli ang permiso niya para pakasalan kang muli para matawag na kitang asawa ko."
Napangiti ako bago tumango. "Alright." I kissed him.
"I love you, Sheen May."
I can't help but smile when I hear those words from him at last. Para akong nasa langit. "I love you too, Jhon Rey."
Nagulat ako nang buhatin niya ako papunta sa dining room. Wow, himala nakaya niya akong buhatin. Malakas na ba ulit siya?
"Let's eat now. I'm starving," sambit niya. Hinainan ko naman siya ng pagkaing kaniyang niluto. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang favorite kong hotdog and egg sa almusal.
Mapayapa kaming kumaing dalawa at nag-usap ng mga bagay-bagay. Naalala ko tuloy 'yong unang araw kong makapunta sa unit niya. Noong ayaw na ayaw ko pa siyang nakikitang naka-topless. Ngayon, ewan ko ba. Kahit may damit siya, iba na ang tingin ko.
Natatawa rin ako kapag naaalala 'yong pumasok siya sa cr kasi akala niya kung napaano na ako sa sobrang tagal kong maligo. Maybe that was the very reason he finds me attractive. Ewan, hindi ko rin alam kaso hindi ko siya natanong tungkol doon.
Nakakatuwa na kahit sa simpleng pag-uusap lang namin ng maliliit na bagay ay kinikilig na ako. Kahit sa simpleng paghuhugas ng pinggan, at pagyakap niya sa likod ko, sobrang ligaya na ng puso ko. Hindi ko inaasahang magkakaayos pa kami. Akala ko, wala na. Hindi ko inakalang dito pala siya umuuwi nang palihim. Kaya hindi alam ni Derrick na may tao pa rito dahil hindi kailanman binuksan ni Jhon Rey ang ilaw ng bahay na ito.
BINABASA MO ANG
Mr. Right (Mr. Series #3)
RomanceWarning: Mature Content | R18 MR. SERIES BOOK 3: Mr. Right Getting on her feet again. Sheen May decided to focus on her studies after her miscarriage. She doesn't want to get back with the man who repeatedly messed with her life and made her heart b...