Chapter 39

169 9 1
                                    

"Sheen May?" Bumuhos ang luha mula sa mga mata ko. At maging ang paghinga ko'y hindi naging normal. "Sheen May, anong ginagawa mo rito?"

"J-Jhon Rey, it is not the right time to talk about that. Help me. Please help me bring my baby to the hospital."

"O-okay."

Agad niya akong hinila paalis ng bahay. Mabilis niya akong dinala sa kotse niya at pinaharurot ang sasakyan papunta sa hospital.

I am praying that my baby is fine. Wala naman akong ginawa para magkasakit siya. Why would Joshen have a fever?

Pabalik-balik ako ng lakad sa harapan ng emergency room kung saan dinala si Joshen. Kanina pa rin ako palinga-linga habang hinihintay ang doctor na lumabas.

"Sheen May, calm down."

Napalingon ako kay Jhon Rey na ngayon ay nakaupo sa steel chair.

"How am I supposed to do that, Jhon Rey? My baby is in there!"

I bit my nails, pero nilapitan niya lang ako at tinanggal ang kamay ko sa aking bibig. "Sheen May, everything will be fine. Calm down."

"What if not, Jhon Rey? What did I do? Saan ako nagkulang? Bakit siya nilalagnat? Wala ba akong kwentang ina?"

"No, I know, that's not true. Come here." Hinila niya ako paupo sa steel chair. Napatunghay naman ako sa kaniya nang hawakan niya ang magkabila kong balikat habang nakatayo siya sa harapan ko. Kusang tumulo ang mga luha ko. 

These past few days, I was waiting for him... and now he's finally in front of me but why do I feel like he's too far away from me?

Napaiwas ako ng tingin at napayuko. Inalis ko rin ang mga kamay niya sa balikat ko.

"Things like this happened unexpectedly, Sheen May. It is not your fault, okay?" Umupo siya sa tabi ko.

"Then whose fault is this, Jhon Rey?" I glanced at him. Nagkatagpo naman ang mga mata naming dalawa. "Palibhasa kasi wala kang pakialam."

"Paanong wala?" Nakita ko ang pagkainis sa kaniyang mukha. 

"Nawalan na ako ng isang beses, Jhon Rey. Hindi mo alam na nakakabaliw na mapunta na naman sa ganitong sitwasyon."

Magsasalita pa sana siya nang lumabas na ang doctor. Napatayo na ako para salubungin ito.

"Kumusta po siya, Doc? Kumusta ang anak ko?"

"The baby is fine. Thank God nadala niyo kaagad siya rito."

"Bakit po, Doc?" singit na tanong ni Jhon Rey.

"He was bitten by a mosquito. Thank God, hindi naman napunta sa dengue. It was just a normal fever. Hopefully after hours of observation, bumaba na ang lagnat niya so you can bring your baby home." Bumaling ang atensyon ng doctor kay Jhon Rey. "Daddy, make sure na ang baby ay napoprotektahan sa lamok. Maraming namamatay sa dengue. May mga nabibili ngayon sa pharmacy to prevent mosquito bites. Make sure na mabilhan siya no'n at ng mini kulambo. Panatiling malinis ang bahay at well-ventilated para maiwasan na ang mga ganitong pangyayari."

Marami pang ipinaliwanag ang doctor at nakita kong atentibong nakikinig si Jhon Rey. Nang matapos ay tuluyan na itong nagpaalam sa amin.

"Malamok ba sa kwarto mo?" tanong ni Jhon Rey. 

"Bakit mo tinatanong?"

"Hindi malamok sa kwarto ko. Gusto mo bang doon muna kayo ng baby mo?"

Nadurog ang puso ko sa tanong niya. Doon ko naalala, hindi niya nga pala alam na anak niya si baby Joshen. Hindi niya alam na buntis ako noong hiniwalayan niya ako.

Mr. Right (Mr. Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon