"Now, let our journey begin. I'll bring you to the heavens, Sheen May."
Hinila niyang muli ang mga hita ko at akmang tatanggalin niya na ang pang-ibaba kong kasuotan nang may malakas na sumigaw.
"What the fuck are you doing?!"
Napalingon ako sa taong iyon at walang isang saglit na tumakbo siya papalapit sa amin. Mabilis niyang sinuntok si Jameson at pagkatapos ay sinipa pa ito.
"I asked, what the hell are you doing to my wife?! Anong karapatan mong hawakan ang babaeng mahal ko? Tang ina mo pala, eh! Papatayin kitang hayop ka!"
"J-Jhon Rey..." nasambit ko na lamang habang pinanonood siyang ginugulpi ang lalaking nagtangkang gawan ako ng masama. Ni hindi na nakapagsalita pa si Jameson sa sunod-sunod na suntok na natanggap niya mula kay Jhon Rey. This is not the very first time I saw Jhon Rey being like this. Minsan na rin siyang naging demonyo sa paningin ko noong galit na galit siya sa akin, noong galit na galit siya kina Dhonna at Klarissa. Now, I'm seeing him again with his dark aura like he was about to kill someone.
"Jhon Rey, stop..." namamaos kong utos sa kaniya, pero wala siyang naririnig.
"Sino ka para gawin ito sa kaniya? Ha?! At talagang ako pa ang binangga mo! Hindi na kita bubuhayin pa! Putang ina mo!"
Buong lakas akong gumapang para lapitan si Jhon Rey na kasalukuyang nawawala sa sarili. Hinawakan ko ang kamay niya nang makitang wala nang malay si Jameson na nakahandusay sa sahig at dagan-dagan niya. "Jhon Rey, please... tama na..."
Lumingon siya sa akin. Punong-puno ng luha ang mga mata niya. Maging ang mukha niya ay namumula sa galit na kahit ang ugat sa noo ay kitang-kita ko na rin. "How am I supposed to stop, Sheen May? He hurt you. He hurt the woman I love. How am I supposed to take it? I saw you being helpless on the floor, taken advantage of..."
Umiling ako. "I'm fine..."
Patuloy siyang lumuha. "No, you're not. I shouldn't have left you here. I'm so stupid. I was eaten by my ego again. I should have knelt down and begged for you to let me stay. I should have cried blood so you can pity me and accept me again. I should have told you how much I love you and how I hoped to have you here in my arms with our son. I should have forced you to love me again. I should have—"
Mabilis kong hinalikan ang labi niya. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob. I glanced at his astounded face. "Thank you. Thank you for coming back. Kung wala ka, baka kung ano na ang nangyari sa akin at sa anak natin."
Hinaplos ko ang pisngi niya at napansin ni Jhon Rey na may tali pa rin ang mga kamay ko kaya inalis niya iyon. Nagpasalamat naman akong muli tsaka umalis para kunin si baby Joshen na nakatulog na yata mula sa pag-iyak. Mayamaya lang ay may dumating na'ng pulis kasama si Aling Martha na hindi rin makapaniwala sa nangyari. Buhay pa rin naman daw si Jameson pero mukhang matatagalan bago maka-recover dahil sa pinsalang ginawa sa kaniya ni Jhon Rey. At pagkagumising na raw ito ay idederetso na ito sa kulungan dahil sa pagtatangkang panghahalay sa akin.
Hindi pa rin ako makapaniwalang dadanasin ko iyon. Para akong nasa isang bangungot na kahit sa pagmulat ng mga mata ay ganoon pa rin ang nasasaksihan ko.
"Sigurado ka bang okay ka lang, Sheen May?" tanong ni Aling Martha nang tulungan niya akong makapagpalit ng damit.
Tumango ako. "Narito na po si Jhon Rey kaya pwede na po kayong magpahinga, Aling Martha."
"Hindi ako matatahimik, Sheen May. Ako ang nagpatuloy sa kaniya rito. Masyado akong nakampante sa pagpapaupa. Sa susunod ay mag-iingat na talaga akong mabuti sa pagtanggap para walang mangyaring katulad ng ganito. Patawarin mo sana ako sa naging pagkukulang ko, Sheen May."
Hinawakan ko ang balikat niya. "Hindi ko po kayo sinisisi sa nangyari, Aling Martha. Si Jameson ang may kasalanan nitong lahat. Mapagkunwari siyang tao kaya kahit ako ay napaniwala niyang mabuti siya. At isa pa, isang malaking kawalan ito sa negosyo niyo rito Aling Martha, dahil sa nangyari, nagsialisan ang mga nangungupahan sa inyo sa takot na mangyari itong muli."
"Ganoon talaga ang buhay, pero huwag mong alalahanin iyon. Mas dapat mong isipin ang sarili mo, ang anak mo. Hindi ko man gustong umalis ka, pero mas makabubuti kung umuwi ka na sa inyo o kaya naman ay sumama ka na kay Jhon Rey. Sigurado akong mapoprotektahan ka niya."
Napabuntong-hininga ako nang maalala ko ang pag-uusap namin ni Quency. Nayanig muli ng takot ang dibdib ko. Sigurado akong makararating sa kaniya ang nangyari, ngayon pang nasa pangangalaga ng pulisya si Jameson. Paniguradong ikakanta ni Jameson ang kasunduan nila ni Quency. Ano na lang ang mangyayari sa amin ng anak ko kapag nalaman niyang narito muli si Jhon Rey sa tabi ko?
"Nagdadalawang-isip ka ba?" pag-uusisa pa ni Aling Martha.
"Natatakot lang ako sa mga posibleng mangyari."
"Pero hindi ba't mas maganda kung may kasama kang harapin ang mga takot na iyon? Mag-isa ka, may takot ka. Bakit hindi mo piliing may kasama ka? At ang swerte mo nga dahil ang magiging kasama mo ay mahal na mahal ka."
Nilingon ko ang kwarto kung saan naroon si Jhon Rey at binabantayan ang anak namin.
"Pag-isipan mo nang mabuti, hija. At isa pa, okay lang ba kung lumipat muna kayo sa kwarto ni Jhon Rey? Maglilinis muna ako rito. Ang daming dugo sa sahig."
"Ako na po ang maglilinis, Aling Martha."
"Naku, ako na. Magpahinga na kayo. Sige na. Maaga pa kayong aalis bukas. Pakiusap, umalis na kayo. Hindi ako matatahimik kapag nanatili kayo rito. Gusto kong maging ligtas kayong dalawa ng anak mo."
Hindi na ako nakapalag nang tawagin ni Aling Martha si Jhon Rey at kinausap ito.
"Sheen May, halika na," pagyaya sa akin ni Jhon Rey.
"Susunod ako."
"Okay."
Dala niya si Joshen nang lumabas ng pintuan. Sinamantala ko ang pagkakataon para kumuha ng yelo sa ref tsaka muling nagpaalam kay Aling Martha. Kumatok ako sa kwarto ni Jhon Rey at mabilis niya naman akong pinapasok.
Namangha ako sa ganda at linis ng kwarto niya. Hindi ko maiwasang maalala ang unang araw kong magpunta sa unit niya noon. Pakiramdam ko ay napakatagal na simula nang magkakilala kami.
"Ano 'yang hawak mo?" tanong ni Jhon Rey. Nakaupo siya sa kama.
"Y-yelo."
"Para saan?"
Lumapit ako sa kaniya. "Para sa kamay mo." Kinuha ko ang kamay niya tsaka iyon dinampian ng bimpo na may yelo. May mga dugo ang kamay niya at sugat dahil sa pambubugbog niya kay Jameson kanina. Naaawa tuloy ako sa maganda niyang kamay.
"Nasaan ang anak natin?" tanong ko.
"Nasa crib."
"Crib?" Hinanap ng mata ko ang crib na tinutukoy niya. Laking gulat ko nang makitang may crib nga roon sa gilid. Naalala ko ang bagay na iyon. Ipinakita niya 'yon sa akin noong nasa namimili kami. Ibig sabihin ba ay binili niya iyon sa pag-asang maaalagaan niya ang anak namin?
Nangilid ang luha sa mga mata ko.
"Binili ko 'yan. Nagbabakasakali akong ipahihiram mo si Joshen sa akin. Hindi ko alam na magagamit ko pala talaga. Mabuti na lang at bumili ako."
"Mabuti na lang," bigkas ko tsaka tumingin sa kaniya. "Maraming salamat, Jhon Rey. Salamat at iniligtas mo kami ng anak mo."
"Iyon naman ang trabaho ko, Sheen May. Ang protektahan ka sa abot ng makakaya ko. Pasensya ka na kung medyo nahuli ako."
"Okay lang. Ako itong dapat humingi ng pasensya dahil kasalanan ko rin naman itong lahat. Kung naging maingat lang ako at nakinig sa iyo, hindi sana mangyayari ito. I'm sorry, Jhon Rey."
Tumango-tango siya. May nagbabadya na ring mga luha sa mga mata niya. Sumisinghot na rin siya na para bang pinipigilan ang pagtulo nito. "Sige na, magpahinga ka na, Sheen May. Naroon lang ako sa couch kapag kailangan mo ako."
Akmang aalis na siya nang kapitan ko nang mahigpit ang kamay niya. Napayuko ako. At ramdam kong iniinda niya ang hapdi ng mga sugat niya pero hindi ko siya mabitiwan.
"May problema ba?"
"Huwag kang umalis..." Tumunghay ako para tagpuin ang mga mata niya. "Natatakot ako, Jhon Rey. Huwag mo akong iwan."
BINABASA MO ANG
Mr. Right (Mr. Series #3)
RomanceWarning: Mature Content | R18 MR. SERIES BOOK 3: Mr. Right Getting on her feet again. Sheen May decided to focus on her studies after her miscarriage. She doesn't want to get back with the man who repeatedly messed with her life and made her heart b...