Chapter 9

203 7 0
                                    

"It's a long-term plan. Your father needs you para maging kakampi si Jhon Rey."

It took me by surprise. It makes sense now kung bakit sinabi nila noon na ako ang pain nila and just be by myself lang. Even though it's a bit of a mess, I think I'm starting to get the feel of it. So, ganito katalino si dad? Ginamit niya ako para makuha si Jhon Rey dahil alam niyang mahal ko ang lalaking 'yon and me just being myself can make Jhon Rey fall in love and be part of his ally.

"It is the only way to defeat his rival. Using you to use Jhon Rey."

Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil ginamit ako ni dad sa business niya but now I know, he's proud of me dahil naging successful ako sa pagkuha ng puso at loob ni Jhon Rey. Wala man akong alam sa plano niya, natutuwa ako. Lalo na ngayong nasa panig namin si Jhon Rey. My sacrifices and efforts are not in vain. Kahit ang bawat patak ng luha ay nagkaroon ng kapalit.

"But don't worry, payag naman si Jhon Rey na gawin siyang bait ng dad mo."

Napabuntong-hininga ako. Sana ay maging matagumpay si Jhon Rey sa kailangan niyang gawin para makapiling na namin ang isa't isa. I hope it is nothing to be scared of and is not so dangerous.

Lumipas ang mga araw na hindi kami nagkikita o nagkakausap ni Jhon Rey pero naiintindihan ko iyon. Ginagawa niya iyon para sa amin. Para sa future namin.

Kay Derrick na lang ako nakikibalita kung ano nang nangyayari. Ang sabi niya, pinaparatangan daw si dad na isang scammer dahil walang usad ang brilyanteng plano niya. Nagagalit ang mga investors dahil wala ngang nasisimulan sa plano. Hindi rin naman masimulan ni dad dahil kulang nga ang pondo.

Jhon Rey was there to help my dad to investigate about it. Gusto ko man siyang tanungin tungkol doon para mas maintindihan ko ang mga nangyayari ay ayoko siyang abalahin. Marami na siyang iniisip, ayoko nang dumadagdag pa. Ayoko nang mangialam.

Mabuti pang hintayin ko na lang siya rito kung saan niya ako iniwan. Madalas kong kalaro si Toto at inaaway namin ang stuff toy na bigay sa akin ni Jhon Rey noon. Kapag kasama ko sila, pakiramdam ko nasa paligid ko lang din si Jhon Rey. Sana nasa maayos siyang kalagayan.

Pumasok na ako sa school dahil ngayon ang unang araw ng graduation practice. Nakakalungkot lang dahil hindi namin makakasamang magtapos si Jhon Rey. I mean, ako, nalulungkot talaga ako. Lalo na't gusto ko siyang makasama at makitang nakatoga na tulad ko.

"Congrats, Sheen May!" pagbati sa akin ng mga kaklase ko.

"Thank you."

Sunod-sunod ang pagbati sa akin ng mga kaklase ko at ng iba pang mga taong nakakakilala sa akin. Sinasagot ko naman sila ng pasasalamat. Ngumingiti ako, pero hindi ko makuhang maging masaya kasi nangungulila ako kay Jhon Rey.

"Cum Laude, Sheen May Velasco, from Bachelor of Secondary Education Major in English."

Umakyat ako sa stage at pinilit na ngumiti. Practice palang ito, pero grabe na ang palakpakan nila para sa akin. Sa isang banda natutuwa ako dahil hindi man ako naging summa cum laude, naka-graduate pa rin ako with flying honors. Nakangiti kong binati si Dean bago nakipagkamay sa kaniya.

"Congratulations, dear."

"Thank you so much, Dean!" Napayakap ako sa kaniya.

Natapos ang practice at kumain na muna kami ni Anne Marie. Natanaw naman namin si Jhunel na may kausap sa telepono. Chinichika nga sa akin ni Anne na mukhang may nililigawan na ang ex ko. Ako nama'y natutuwa para sa kaniya. At least, tuluyan na siyang sasaya. Unti-unti niya nang nakakamit ang pangarap niya. Hindi pa nga siya tuluyang nakakagraduate, marami nang team ang gustong kumuha sa kaniya.

Mr. Right (Mr. Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon