"Sheen!" tinis palang ng boses, alam ko na kung kanino nanggagaling iyon. Walang iba kung hindi sa best friend ko. "Sheen May! Saan ka ba nanggaling? Bakit ka nawala?" Nagulat ako nang bigla siyang umiyak at lumuhod. Napalingon tuloy ako sa paligid para tingnan kung pinagtitinginan na ba kami ng mga tao.
"Anne naman, umayos ka," wika ko habang hinihila siyang tumayo.
"Paano ko gagawin 'yon? Ngayon ka lang nagpakita sa akin! Binabaan mo pa ako ng tawag noong huling tawag ko sa 'yo! Nakakainis ka! Tapos malalaman ko na may baby ka na? Hindi mo ba talaga pinahahalagahan ang pagkakaibigan natin?"
Napakamot ako sa ulo. Nasaan na ba ang boyfriend nito para mapigilan siya sa pagiging oa?
"Tumayo ka na d'yan. Sige ka, hindi kita kakausapin."
Mabilis naman siyang tumayo kaya nahila ko na siya paupo sa table namin. Kasalukuyan kaming narito sa isang cafe kung saan niyaya ko siyang kumain at mag-usap. Malaki rin ang utang ko sa kaniyang paliwanag kaya naman narito ako sa harap niya para humingi na rin ng tawad sa nagawa ko.
"Kumusta ka?" tanong ko.
"Do I look okay?" Kumuha siya ng tissue at ipinampunas iyon sa pisngi niya. Siningahan pa nga niya. "Alam mo ba kung gaano ako nag-alala sa 'yo? Ikaw lang mag-isa, tapos lumayas ka pa. At malalaman ko pang dinala ka ni Derrick sa kung saan man kasi tinatraydor niya ang dad mo. Now tell me, paano ako magiging okay kung wala akong magawa bilang bestfriend mo kahit na nakikita kitang nahihirapan?"
"I'm fine. Hindi naman ganoon kasama si Derrick. He helped me with my baby."
"Kahit na, inilayo ka niya rito sa amin. Ilang buwan, Sheen May. Ilang buwan kang nawala. No, parang taon na nga."
"That was my decision, Anne. Alam mo naman ang nangyari."
"Eh kasi tinawagan na kita, eh. Kung hindi mo lang sana ibinaba kaagad ang tawag, sana nalaman mo nang hinahanap ka ni Jhon Rey. Jhon Rey was really in a mess when you suddenly disappeared. Nasaksihan namin 'yon nila Rod at Aaron, alam mo ba? We were trying to cheer him up, pero sabi niya wala raw siyang karapatang maging masaya. Akala ko, hindi ka na talaga babalik, Sheen May. Akala ko kakalimutan mo na talaga kami dahil sa nangyari. Kasalanan ko iyong lahat. Kung hindi ko sana piniling sa bar ganapin ang birthday ko, kung wala lang sanang alak, kung wala sanang party, hindi kayo magkakahiwalay ni Jhon Rey. I swear, hindi na ako iinom ng alak. I became a bad friend and I am really really sorry."
"Okay na 'yon, Anne. Hindi naman kita sinisisi. Nangyari na ang nangyari. Hindi na natin maibabalik ang oras. Ang importante ngayon ay itatama na natin ang lahat para maayos."
Tumango-tango siya habang patuloy pa ring lumuluha. "Now, can I hug you? I really miss you, Anne. I am sorry for leaving you."
"Oo naman. Namiss din kita, sobra." Naglakad siya papalapit sa akin tsaka ako niyakap. I also hugged her tightly. Sandali pa kaming nanatili sa ganoong kalagayan hanggang sa maisipan na naming umorder ng pagkain at inumin dahil kumakalam na ang kapwa namin tiyan.
"Kumusta kayo ni Aaron?" tanong ko.
"Okay lang naman kami. Ako dapat ang nagtatanong, eh. Kumusta kayo ni Jhon Rey? Nagkabalikan na ba kayo?"
"Nakatira ako sa kaniya, doon sa dati naming bahay," sagot ko.
"How about your wedding? Kailan ang kasal ninyo?"
Umiling ako. "Wala pa."
"Bakit wala pa? Hindi pa ba kayo okay? Nagli-live in lang ba kayong dalawa?" Itinigil ni Anne ang pagkain ng carbonara at saka uminom ng lemon black tea.
BINABASA MO ANG
Mr. Right (Mr. Series #3)
RomanceWarning: Mature Content | R18 MR. SERIES BOOK 3: Mr. Right Getting on her feet again. Sheen May decided to focus on her studies after her miscarriage. She doesn't want to get back with the man who repeatedly messed with her life and made her heart b...