Chapter 23

169 4 1
                                    


Lumipas ang mga raw at katulad ng pangako namin, siniguro naming maglalaan kami ng oras para bisitahin ang dad ni Jhon Rey, pero wala pa ring progress sa kalagayan niya. Nakumbinsi na rin si Junix na pansamantala ay i-manage ang kumpanya ng kaniyang ama.

Sa kasalukuyan, hindi pa rin kami magkasama ni Jhon Rey sa bahay namin. Narito pa rin ako nakatira kina dad kaya pabalik-balik ng uwi si Jhon Rey dito para bisitahin ako paminsan-minsan. Kapag miss na miss na namin ang isa't isa, nagtatawagan na lamang kami at madalas ay magka-text. Sobrang abala na kasi ni Jhon Rey sa trabaho dahil bukod sa pinamamahalaan niya ang kumpanya ni dad, binibisita niya rin ang kumpanya ng dad niya. Hindi na nga rin niya naituloy ang summer class niya kahit nag-enrol siya para doon. Well, sino nga ba namang hindi magiging abala kung dalawang kumpanya ang inaasikaso mo at magkalaban pa? Kahit na sinabihan na siya ni dad na magfocus na lamang sa kumpanya ng dad niya, hindi pa rin siya nagpapigil na para bang may pinaghahandaan siyang kung ano kaya grabe siya kung magtrabaho.

Anyway, I'd rather not think about that because I actually don't know anything about the ins and outs of running a business. Idagdag pa na ang dami ko ring kailangang aralin dahil nalalapit na ang exam ko.

"After this exam, we deserve to go out!" Anne became frustrated and began to yell, pero mahinahon kong ipinaalala sa kaniya na kailangan niyang tumahimik. Kasalukuyan kasi kaming nasa library dahil napagdesisyunan naming magbasa-basa. Malapit na kasi talaga ang exam namin. Sa Biyernes na. 

"Sasama ka ba, Sheen May? Pagkatapos na pagkatapos natin ng exam sa umaga, dumeretso na tayo ng inom sa gabi!"

Natawa naman ako sa kadesperadahan niya sa pagtanggal ng stress na mayroon kami ngayon. "Sasama ako sa 'yo, pero hindi ako iinom," sagot ko dahil naalala kong nangako na ako sa aking sarili na hindi na muling iinom pa."

"Napaka-killjoy mo talaga, Sheen May! Hindi ka naman na buntis, di ba? Hindi tayo nakainom nung nakaraang may bachelorette party ka, so pwede bang pagbigyan mo na ako ngayon? Isa pa, birthday ko naman. Nakalimutan mo na ba?"

Ngumiti ako at umiling. "Paano ko naman makakalimutan ang birthday mo kung eksaktong-eksakto sa araw ng exam natin, aber?"

"Hays, tama ka! Bakit ba ang malas natin? Pero hindi bale, inaasahan kong lahat ng kaklase natin ay pupunta kapag inaya ko. Let's party until we drop!"

"Am I invited there?"

Pareho kaming napalingon kay Jhunel na siyang sumingit sa usapan namin. Umupo rin siya sa harap namin at inilapag sa ibabaw ng table ang mga libro niya. Dahil sa pagka-busy niya sa league last time, napakarami niya tuloy backlog na books na babasahin para lang maka-catch up.

"Oo naman! Bakit hindi? Tsaka, pwede mo ring isama ang girlfriend mo!" Muli kong kinurot si Anne para hinaan niya ang boses niya. Kanina pa kasi parang megaphone ang bibig niya. 

"Wala akong girlfriend, Anne," sambit ni Jhunel bago tumingin sa akin.

"Totoo? Bakit nung nakaraan, narinig kitang may kausap sa telepono? Akala ko girlfriend mo na 'yon? Nililigawan mo palang ba?"

Muli na naman akong sinulyapan ni Jhunel bago siya umiling. Bakit ba panay ang tingin niya sa akin? "I'm not dating anyone, Anne. She's just a fan, and she called me up to say a few things."

"A fan? May fans ka na? Wow, mukhang big time ka na talaga, Jhunel!"

Nagkibit-balikat lang siya, pero kita ko naman na masaya siya sa career niya. Ngayong may fans club na siya, siguradong maraming babaeng aaligid sa kaniya at mapapadali na ang kaniyang pagpili kung sinong ide-date niya. Sa wakas naman, magiging masaya na siya.

Nasa kalagitnaan kami ng pag-uusap nang may maramdaman akong kakaiba sa tiyan ko. Para akong nasusuka na ewan, dahilan para lingunin ako ng dalawa. Maging ang ibang estudyante sa library ay napunta sa akin ang atensyon nang maduwal ako.

"Sheen May, okay ka lang?" nababahalang tanong ni Anne.

Umiling ako. 

"Gusto mo, dalhin ka namin sa clinic?" pagpepresinta naman ni Jhunel.

Hindi sila nakakuha ng sagot sa akin dahil nagmadali akong tumakbo papunta sa restroom at doon bumira ng pagsuka. At pagkatapos kong ilabas lahat ng gusto kong ilabas, nakatingin si Jhunel at Anne sa akin nang salubungin nila ako. Pareho silang nakangiti at si Anne naman ay nangingilid ang mga luha habang nakahawak sa braso ni Jhunel. 

"We need to go to the clinic so we can confirm," bigkas nilang pareho. Agad na rumagasa sa dibdib ko ang kaba. Baka tama nga ang hinala nila.

I've been feeling lightheaded and getting irritated quite easily over the past several days, lalo na kapag hindi ko mahagilap si Jhon Rey sa sobrang hectic ng schedule niya. At naiirita ako dahil alam kong nakakaabala ako sa kaniya, pero hindi ko mapigilang kulitin siya dahil miss na miss ko na siya at nangangailangan talaga ako ng atensyon niya. Napakamaintindihin nga ni Jhon Rey dahil ang haba ng pasensya niya pagdating sa akin. 

"It's positive, Miss Velasco. You're pregnant," balita sa amin ng university doctor kasabay nang pagbitiw niya ng braso ko na kanina niya pa hinihipo ang pulsuhan. Kahit ang pregnancy test kit ay kinumpirma rin ang balitang iyon.

Hindi ko na napigilang mapaluha. Kento is coming back to us. May laman nang muli ang sinapupunan ko, and I can't help but feel surreal.

"Congratulations, Sheen May!" Anne exclaimed as she was crying with joy.

Jhunel also caressed my shoulder while beaming proudly about what we learned. Kita ko rin ang saya sa mukha niya, maging ang maliliit na butil ng luha sa gilid ng kaniyang mga mata. Kaibigan na rin ang turing namin sa kaniya ni Anne dahil hindi gusto ni Anne na maramdaman ni Jhon Rey na wala siyang kaibigan sa university, at sa tingin ko nga ay walang masama kung kakaibiganin ko ang ex-boyfriend ko. At ako ang patunay na pwede nga iyon. At napakasaya ko dahil kasama ko silang masaya rin sa tagpong ito. 

"When are you going to tell John Rey?" tanong ni Jhunel. Magkakasabay kaming naglakad pauwi.

"Wala pa. Marami pa siyang nasa isip, at plano kong sa kasal na lang sabihin," sagot ko. 

"HIndi ako makapaniwala, Sheen May! Sa wakas magkakapamangkin na ako! Nakakaiyak!" sigaw ni Anne sabay umarteng parang may pinupunasang luha sa mga mata niya.

Pagkatapos naming makarating sa parking lot ay kani-kaniya na kaming uwi. Naghihintay ako kay Derrick para sunduin ako dahil alam kong busy pa rin si Jhon Rey. Sabi ko nga kay dad, mag-aaral na lang akong magmaneho, pero ang sabi niya pagkatapos ko na lang daw sa exam ko. 

"Baby, I'm here!" Agad akong napalingon nang marinig ko ang boses na iyon. Agad kong naramdaman ang presensya niya sa likod ko. Hindi ko mapigilang mapangiti.

Naglalakad siya papunta sa akin. His sole sight can bring me happiness. I'm curious how happy he can be now that we're having a baby. That was what he wanted—one of his dreams.

"How was your study?" pagbati niya sabay halik sa mga labi ko.

"As usual, it's all about studying. Ikaw ba? How are things going for you in the business world?" tanong ko habang minamasahe ang balikat niya at inayos-ayos ang kurbarta niya.

"Tolerable, but I'm dying to see you every now and then. Luckily, Junix was there and a fast learner. And I put practically everything your dad taught me to use in the business that my own father ran," he explained while holding my waist.

Gosh, I missed him so much.

"Kumusta naman ang dad mo?" tanong ko.

"He's still asleep. I wonder when he will wake up. I'm really hopeful that he'll be able to make it to our wedding."

We're planning to marry each other by the end of the year. We'll just finish the things we're busy with, and then we'll both focus on each other.

"I hope so, Jhon Rey," I replied. I tried to smile to comfort him. Everything will be fine; I know it will.


Mr. Right (Mr. Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon