"Hindi ka makatulog?" tanong ni Jhon Rey. Nakahiga kaming pareho sa kama niya. Nakaharap siya sa akin habang ako naman ay nakayuko habang pinipilit na matulog. "Baka hindi ka makatulog dahil hindi ka komportable sa akin."
Umiling ako. "No, no, Jhon Rey. Baka dahil sa nangyari sa akin kanina."
"Tell me what you want me to do, Sheen May. What do you need?"
"I don't know."
"Should we talk?" suhestiyon niya.
Napatunghay ako sa kaniya. "Better. I think we should. Para mawala sa isip ko ang nangyari."
"Okay, do you want to suggest a topic or you want me to start the conversation?"
"Start it, please. Help me."
"Hmm..." Huminga siya nang malalim. "Remember when we watched John Wick 4?"
Tumango ako. "Matagal na 'yon, ah."
"Yeah, and I'm hoping that there will be another movie with him so we can watch it together. I was literally amazed that time when you said it was your favorite. Hindi ako makapaniwalang ganoon ang taste mo. Your eyes were sparkling while watching the movie."
"Nakita mo? As far as I know, nakatutok ka rin sa pinapanood natin. Ni hindi nga tayo nag-uusap noon."
"It was you who was focused. You didn't know I kept on glancing at you that time, well now you know."
Namula ang pisngi ko. "Niloloko mo 'ko! Tinitingnan kaya kita, pero hindi ka naman nakatingin!"
"Hindi ka sure. Hindi mo ba alam ang side eye? Like this." Idinemo niya naman sa akin ang side eye na tinutukoy niya kaya natawa ako.
"Sigurado ka? Hindi ko nakita!"
"Eh kasi nga nakatitig ka kay Keannu Reeves! Hamak naman na mas gwapo ako roon!" biro niya pa na tila ba parang nakatulong nga para ma-divert ang utak ko sa pag-uusap namin. "Magpahaba na ba ako ng buhok? Magpabigote at magpabalbas?"
Lalo akong natawa. "Hindi bagay! Magmumukha kang ermitanyo!"
"What?! Eh bakit kay Keannu Reeves, gusto mo? Nagtititili ka pa nga no'n! Ang lakas ng hiyaw mo sa loob ng sinehan!"
"Malamang! Idol ko 'yon, eh! Ang lakas ng dating kaya! Ang galing makipaglaban!"
"Ako rin naman, ah." Natahimik ako nang maalala ko ang ginawa niya. "Oh, I'm sorry. I'm sorry, Sheen May. Hindi ko dapat sinabi 'yon. Hmmm... wait, ano pa bang magandang pag-usapan? Gusto mo bang pumunta sa Albay? Para makita ang bulkang Mayon?"
Namangha ako sa bilis niyang mag-isip. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil tinutulungan niya talaga akong maaliw. "Makikita naman natin iyon bukas, hindi ba? Aalis na tayo."
Sandali siyang natahimik. "Sasama ka sa akin?"
"Wala naman akong ibang mapupuntahan."
"Iuuwi na kita sa inyo."
Umiling ako. "Ayoko."
Kumunot ang noo niya. "Bakit? Saan mo gustong pumunta?"
"Umuwi na tayo sa bahay natin."
*****
Mahigpit kong niyakap si Aling Martha. "Mag-iingat po kayo rito," bilin ko.
"Ayos lang ako, Sheen May. Alam mo ba? Binisita ako ni Roberto kagabi. Narinig niya raw ang nangyari rito kaya nagmadali siyang puntahan ako. Siya ang kasama ko kagabi at nangako siyang hindi niya na ako iiwan kailanman."
BINABASA MO ANG
Mr. Right (Mr. Series #3)
RomanceWarning: Mature Content | R18 MR. SERIES BOOK 3: Mr. Right Getting on her feet again. Sheen May decided to focus on her studies after her miscarriage. She doesn't want to get back with the man who repeatedly messed with her life and made her heart b...