Chapter 20

197 6 0
                                    


The next thing I knew, we were rushing to the hospital where Jhon Rey's father had been taken. Ang sabi ng mom ni Jhon Rey, inatake raw sa puso si Mr. Carpio. 

Nakikita ko sa mga mata ni Jhon Rey kung gaano siya nasasaktan sa balitang narinig niya, at dahil doon, lalo kong napatutunayan na may mabuti siyang puso. Sa kabila ng masamang pagtrato sa kaniya ng kaniyang ama, narito pa rin siya nag-aalala sa kapanan ni Mr. Carpio. Ni hindi niya nga naisip na magpalit ng damit at heto, naka-jacket siya at pink na sweatpants na pinasuot ko sa kaniya kanina habang nagmamaneho. Nakatsinelas na pambahay lang din siya.

Mabuti na lang din at may suot na akong underwear dahil naisip kong tapos na ang labanan namin ni Jhon Rey.

Hinakawan ko ang kamay niya. Alam ko kung gaano kahirap ang kalagayan niya ngayon dahil naiisip ko palang na baka mangyari din ito kay dad, hindi na ako makagalaw.

Makalipas ang ilang sandali, ay tuluyan na kaming nakarating sa hospital. Dumeretso na si Jhon Rey sa intensive care unit kung saan naroon ang kaniyang ama. Ako naman ay hinayaan lang siya roon, at narito ako sa labas ng kwarto. Nakita ko namang papalabas ang mom ni Jhon Rey na namamaga rin ang mata sa kaiiyak.

"Sheen May..." pagtawag niya sa akin. Niyakap ko siya nang mahigpit. "M-mom, magiging maayos din po ang lahat."

"Sana nga, Sheen May. Alam ko kung gaano kalala ang ginawa ng asawa ko sa pamilya niyo at baka nga karma na ito sa kaniya, pero hindi ko kayang wala siya sa buhay ko, Sheen May. Nasasaktan akong nakikita siyang nasa ganitong lugar at nakaratay sa malamig na kamang iyon nang mag-isa."

Muling bumagsak ang luha mula sa mga mata niya. Nang tingnan ko ang pintuan ng kwarto ng kaniyang asawa, nakita ko si Jhon Rey na nakaupo roon sa gilid at pinagmamasdan ang kaniyang ama. Nalulungkot ako na nakikita siyang nalulungkot din.

"Ang sabi ng doctor, napakaswerte daw natin dahil nadala siya during golden hour. Actually, hindi ko rin alam ang gagawin ko dahil unang beses lang itong nangyari. Ang sabi lang sa akin ay na-cardiac arrest daw siya, but I'm keeping my fingers crossed that he'll wake up within the next week. Hopefully, Sheen May."

"Sana nga po, Mom."

Pagkatapos ng get-together namin noon kasama ang pamilya ko, hindi ko na nakita pa ang mom ni Jhon Rey. Ngayon na lang ulit at kapansin-pansin ang malaking pinagbago ng kaniyang itsura. Marahil ay dahil sa stress. I felt guilty that I hadn't seen her recently since I was also scared that she could feel badly towards me and my family as a result of how things are going for their company. I really do feel terrible for her.

We stayed in that situation for a while, hanggang sa makatanggap ang mama ni Jhon Rey ng tawag. Nagmadali itong pumasok sa ICU kasama ako.

"Jhon Rey, nasa airport ang kapatid mo. Please, puntahan mo siya. Sunduin mo siya."

Sinulyapan ko ang mukha ni Jhon Rey. Naaawa ako sa itsura niya. Kanina lang ay masayang-masaya kami, ngayon naman ay para kaming pinagsakluban ng langit at lupa. It breaks my heart to see him like this. I need to be strong now so he can lean on me.

Tumango naman si Jhon Rey bilang pagpayag sa request sa kaniya ng mom niya. Mabilis niyang kinuha ang kamay ko paalis. Kahit hindi siya magsalita, I could tell how much pain he was in because of the way he was holding my hand. I wanted to make him feel better, but instead, I chose to show him that I understood how he felt by being silent.

Narito lang ako, Jhon Rey.

Nanatili kaming tahimik sa buong biyahe namin papunta sa airport. Gusto ko siyang tanungin tungkol sa kapatid niya dahil ngayon ko lang nalaman na may kapatid pala siya. Akala ko ay solong anak lang siya katulad ko. Pero mas pinili ko na lang palipasin ang mga tanong sa isipan ko. I'll just ask him some other time.

Mr. Right (Mr. Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon