Hindi ko namalayan kung ilang araw na akong nakatulala sa bintana. Para akong baliw na hindi kumukurap. Puno ng pagsisisi habang naaalala ang lahat ng napagdaanan ko mula nang makilala ko si Jhon Rey.
Muli, pumatak na naman ang luha mula sa mga mata ko. This is insane. This is gonna be my death.
"Sheen May, hindi ka pa kumakain. Kain ka na please," pagsusumamo ni Danica nang pumasok siya sa kwarto ko na may dalang tray ng pagkain. "Makakasama 'yan sa baby mo."
Nilingon ko siya. Kita niya ang hindi ko pagtigil sa pag-iyak kahit hindi na ako makamulat sa sakit ng mata ko.
"Hindi na muna ako tumanggap ng mga manliligaw para maasikaso kita. Kahit ang dalawang magkaibigan ay hindi ko muna hinayaang makatapak sa bahay ko. Tayo lang ang narito."
"Si Derrick? Ang kuya mo?"
"Umalis siya, pero babalik din daw siya kaagad. Hindi pa rin ba alam ni kuya ang kalagayan mo? Hindi pa rin niya alam na buntis ka?"
Umiling ako. "Ayokong ipaalam. Lalo na ngayon sa sitwasyon ko. Parang nangyayari na naman ang noon. Kapag nalaman nilang buntis ako, lalo ni dad, kapag nalaman niya, baka kung anong gawin niya kay Jhon Rey. At matigil pa ang kasal nila ng babaeng iyon."
"May naman, bakit ang martyr mo? Ako ang nasasaktan para sa iyo. Naiinis ako dahil hindi mo kayang ipaglaban ang sarili mo. Ganoon mo ba talaga kamahal ang Jhon Rey na 'yon? Kahit sobra ka nang nasasaktan, gusto mo pa rin siyang maging masaya? Bakit ka ganiyan?"
"Natatakot ako na baka kung anong masasakit na namang salita ang matanggap ko kapag nalaman niya. Mas masakit 'yon, Danica. Baka hindi ko na kayanin."
Hinawakan niya ang magkabilang-balikat ko at hinaplos-haplos iyon bago niya ako niyakap. Tinulungan niya akong makakain. Pinilit ko kahit hindi tinatanggap ng sikmura ko.
I'm sorry, Joshen. Nadala na naman kita sa ganitong sitwasyon, pero pangako, hindi ko na uulitin ang nangyari noon. Hindi ko matatanggap na pati ikaw ay mawala sa akin.
Sinubukan kong magpalakas. Thanks to Danica and Derrick. They were here to support me.
"Miss Velasco, nakita mo na ba ang LET Passers?" tanong ni Derrick nang minsang pumasok siya sa kwarto ko at madatnan niya akong muling malayo ang tanaw sa may bintana.
Nilingon ko siya. Doon ko naalalang muli ang bagay na iyon.
"Miss Velasco, have you totally forgotten that you have your own life?" Lumapit siya sa akin na para bang nakatatanda kong kapatid. "I heard lumabas na ang resulta. Bakit hindi mo tingnan? Baka sa pamamagitan no'n ay mawala sa isip mo ang lahat. I think that's the best way to recover, Miss Velasco. You need to focus on yourself. Bakit hindi mo tuparin ang mga pangarap mo noon?"
Napasinghap ako nang maramdamang muli na namang iiyak. Naalala ko ang pagsusumikap ko noong maka-graduate with flying colors. At dahil dumating si Jhon Rey, nasira ang mga pangarap ko. Masyado akong nabulag sa pag-ibig. Nabulag ako ng kagustuhan kong magkaroon ng Mr. Right na ngayon napatutunayan ko nang isang malaking pagkakamali.
How did I become this so stupid? Bakit hanggang ngayon hindi pa rin ako natututo? Sinisira ko lang ang buhay ko dahil sa kaniya.
"May mga bata rito na pwede mong turuan. You see, marami sa kanila ang hindi pinalad na makapag-aral. Isa nga ako roon, Miss Velasco. If helping them can make you feel better for a moment, you can divert your attention to them while you are in the process of healing. Kasi kung narito ka lang sa kwarto, walang ginagawa, mas lalo kang malulugmok. You need to go out, and meet people. One way might help you stand again. You need to help yourself."
BINABASA MO ANG
Mr. Right (Mr. Series #3)
RomanceWarning: Mature Content | R18 MR. SERIES BOOK 3: Mr. Right Getting on her feet again. Sheen May decided to focus on her studies after her miscarriage. She doesn't want to get back with the man who repeatedly messed with her life and made her heart b...